kay bilis ng pangyayari,ni hindi ko namalayan,magdadalawang taon nako dito sa kuwait,una kong karanasan ang magtrabaho dito sa abroad,namimis ko sobra ang pilipinas,at madalas kong iniisip na natutulog ako sa papag at minsan nakahiga sa lapag,sarap balikan ang nakaraan,maraming dahilan kung bakit ako nagtrabaho ng malayo sa pamilya ko,di kasya ang lugar nato kung iisa-isahin ko.kahit anong balita sa pinas updated ako sa balita,kahit na bagong showbiz actress alam ko,madalas akong magbukas ng internet sa opisina kahit bawal,para lang makabasa ng balita at malaman ang mga nangyayari sa pinas....pero ngayon parang tinatamad nakong alamin,hindi sa ayaw ko nang malaman ang takbo at pangyayari kundi sa araw araw na balita,ni wala akong nakikitang pagbabago,nagiging worse pa nga.kung tutuusin bagong pakikipagsapalaran na naman ng taon ,pero gaya ng dati,problema parin ang pulitika.ayoko ko na sanang talakayin pa ang pangyayari,at ang mga issue tungkol dito,pero mahal ko ang pilipinas.nagtataka lang ako sa mga balita ngayon at mga ginagawang batas,tungkol dito sa memo-04,nakakagulat at nakakatakot,di ito nakakatulong sa kagaya kong papatapos na ang kontrata at ayaw ko nang magtrabaho pa sa ibang bansa,dahil napakahirap ang mapalayo sa pamilya,ngayon tuloy nagdadalawang isip pa ako sa mga pangyayari,iniisip ko kasi na kung mahirapan akong makahanap ng maayos at magandang sweldo sa pinas,ang second option ko lang ulit eh, mangibang bansa.ang hirap na talaga ng mga pangyayari,target ko lang talaga ang dalawang taon na pagtrabaho dito sa kuwait,pero ngayon di ko alam kung magdadagdag pako ng isang taon kontrata,dahil kung iisipin ko mahihirapan na naman kami ng pamilya ko sa dami ng mga problema at di matapos tapos sa issue tungkol sa mga batas na pinapasok,pagnagkataon,at siguradong mangyayari na kung maisipan ko ulit na magtrabaho bilang OFW, malamang na di nako makakapagtrabaho kahit sa anong bansa,dahil wala akong pangbayad na 8000 dollar na bond ayon dito sa batas na memo-04.
di kami namumulot ng pera dito,ang sweldo namin ay sapat para lang sa pang-araw araw na buhay.sana at maraming sana,meron isang tao sa pilipinas na tumulong o mag-isip na walang gustong mangibang bansa kung ang estado ng buhay sa pinas ay naiibigay ng pantay,ewan ko kung meron pa nga..sana ulit ganahan naman na alamin ulit ang mga pangyayari sa pilipinas!
nga pala napansin nyo yung pamagat, i translate nyo nalang sa tagalog,madalas nyo itong marinig sa kalye..para ito sa mga pulitiko na gumagawa ng ewan ko..!
2 comments:
oo nga habang tumatagal lalong lumalala...tang.@#!di ko nga alam kung ano na yung gusto ko parang ayoko nang bumalik pa.
tang-inumin nila wag milo!
Post a Comment