6/10/2009

pAmbiHiRa PBA099096p0p




PBA099096p0p
Tik,tik,tak,tak, kasabay ng tunog ng keyboard,sabay din nag-iisip ang diwa ko .bakit nga ba tinawag na bayani ang OFW(teka parang replay ah!)… di ako makasagot. Kulang ang espasyo na ito kung iisa-isahin ko lahat kung bakit!



Tama, bakit may BAKIT?. Bakit nga ba ako nandito nagtatrabaho sa Kuwait, ang hirap palang sagutin kung alam mo na ang sagot diba. Uu, opo at tama,ang dahilan wala akong mahanap na trabaho sa pinas. Sino ba ang ayaw na sa tuwing uuwi ka ng bahay may sasalubong sayo at ipaghahanda ka ng pagkain. Kahit na ang ulam mo ay ulam mo rin at baon kaninang tanghalian para makatipid kayo sa hapag kainan. Di ko ipagpapalit yun kahit sa anumang bagay. Ang problema lang kung wala na kayong maiinit na ulam sa hapunan diba. Yun ang ayaw mong mangyari at dina nating kayang antayin pa pag dumating ang araw nayun.



Tuwing bibili ako naghahanap ako ng mababang presyo, sa trabaho naman maghahanap ako ng sapat na sweldo..kung nagtapos ka ng pag-aaral kailangan naman din na gamitin mo ito para sa kinabukasan..arkitekto ang natapos ko pero draftsman ang trabaho ko sa pinas pero masaya ako at ipinagmamalaki ko yun,ibang lahi(chinese) rin ang amo ko sa Makati sa loob ng dalawang taon hanggang sa magsara ito. Pumasok ako sa food chain resto kahit di tugma sa pinag-aralan ko ok lang yun basta may sweldo,pumasok ako sa talyer taga maselya ng sasakyan, ok lang basta may sweldo, at pumasok din akong laborer,mason at karpentero,ok lang basta may sweldo. At sa maniwala kayo at sa hindi sa payat kong ito nagtrabaho ako bilang kargador sa palengke ng isda.naranasan ko lahat ng ito…at ang huling option ko gamitin ko naman ang pinag-aralan ko . kaya nag- apply ako ng trabaho bilang interior designer dito sa Kuwait.

Ah! Ngayon alam ko na kung bakit ako nandito sa ibang bansa.



Bakit sa PERA? Ito ba ang dahilan!. Gusto mong maayos ang buhay mo kailangan may puhunan ka..kailangan mong magtrabaho. Kung sa tingin nating kaya natin gawin ito sa pinas 100% sa pinas ako magtatrabaho. Para naman makabili ako ng tsokolate na kahit na saan gawa o kahit chok nut na hanggang ngayon paborito ng anak ko.



Konti sarap at mahirap,na sa ganitong pagkakataon kailangan mong magsikap at magtrabaho sa ibang bansa..gagawin nating lahat para sa pamilya at gagawin din natin lahat ng kakayanan para di mapahiya ang ating bansa.



Bakit iiwan. Hindi kayang iwanan ang sariling kinalakihan,walang naghahangad na mapalayo sa pamilya.(palagay ko ito ang sagot sa unahan).Naniniwala ako na may pag-asa ang pinas, aba maraming likas na yaman di tayo maghihirap. Magandang pakinggan masarap namnamin..pero sa totoo kailangan natin magdesisiyon kung saan pwede.pinagmamalaki ko ang pinas, di porket nagtatrabaho ang isang pinoy sa ibang bansa tinakwil na nila ito,di pang habang buhay ang trabaho sa ibang bansa. Gaya din ng trabaho sa pinas o ng kahit saan.



sa bandang huli...para sakin tinuturing kong PAMBIHIRANG BAYANI ANG PINOY!



53 comments:

bomzz said...

Maraming tayo pedeng i rason kong bakit tayo nag aabroad.ngunit lahat ng rason na iyon ay para sa pamilya pa rin ang kabuuhang labas kong bakit tayo lumayo..

meron lang talagang taong mas gustong baluktutin ang tama para sabihing siya ay may TAMA! :0

RJ said...

Mabuhay ang mga OFWs!

atto aryo said...

ewan ko ha, pero kahit kelan di ko sineryoso ang taguring bayani dahil di ko naman hinahangad. alam kong kaya ako nandito e para mapaunlad ang buhay ko at ang aking pamilya. sa kanila, maaaring bayani ako. pero sa iba, alam kong pambobola lang yun ng mga pulitiko na natuwa dahil di bumabagsak ang ekonomiya sa kabila ng kanilang kapalpakan.

Oman said...

maraming dahilan talaga parekoy pero agree ako sa iyo. basta pinoy... bayani.

pamatayhomesick said...

bomzzz,
ang sagot talaga ay para sa pamilya.

pambihira kang pinoy bomzz!saludo ako!

pamatayhomesick said...

rj,
dok! pambihira kang pinoy bilang ofw! saludo kami sayo!

pamatayhomesick said...

ryo,
ayos pards,tumpak ka at tama para sakin pananaw.

pambihira kang pinoy!taas ang kamay ko at saludo kami sayo!

pamatayhomesick said...

lawstude,
musta na pards, namiss ko ang lakbay nyo ni dong..

parekoy! pambihira kang pinoy! sa talento at galing, panalo!..saludo kami sayo!

BlogusVox said...

Bayani? Ang bayani ay yung namatay sa pakikipaglaban dahil sa inang bayan. Kung ilang beses ko na ring naitaya ang buhay ko nung dekada 80. Pero hindi ako bayani dahil nandito pa rin ako.

Ang salitang "bagong bayani" ay pa-utot ng gobyerno at pinasabog ng medya.

Sabihin na nilang makasarili ako, pero ang totoong rason bakit nandito ako ay para sa sariling kapakanan at ng pamilya ko.

I already paid my dues to society!

pamatayhomesick said...

blogusvox,
para sa pamilya ang sagot sa lahat ng ito kahit anung pagkakasaad ng bayani.

san ba nagsimula ang katagang bagong bayani?,tuwing may bagong pulitiko...

sa dami ng sakripisyo,pinalitan mo na ito ng lubos sa bayan natin.

pambihira kang pinoy..isa kang bayan-ni juan! saludo kami sayo ED!

Ilor said...

Kesahe baysap. este asalamalaikum pala.. pare napadaan lang ako saglit, na trapik driver ko eh.
Balik tayo sa isyu, sa totoo lang lahat naman ng ginagawa natin may dahilan, kanya kanyang dahilan nga lamang. Di naman lahat ng umaalis para sa pamilya eh, un iba personal ang dahilan (wag na natin ungkatin) pero sa hirap ng buhay sa pinas eh no choice ka kundi kumayod at para di ka makaramdam ng pagkaingit at pag ka homesick eh dalawang bagay lang pinapasok ko sa kukote ko. Una, kunwari nakakulong ako at may sentensya akong sampung taon, at least kahit nka kulong kumikita (parang napanood mo na to pare ah), pangalawa inisip ko na lang na estudyante pa din ako na obligasyon ko na mag aral para mkatapos at magkaroon ng magandang buhay, at least nag aaral ka na eh kumikita ka pa( isa akong sosyal na self suporting student). Yun na lang iniisip ko kesa makinig pa ko ng mga plataporma at pangako ng mga walang kwentang pulitiko. Buti na lang may katulad ni katrina na nag aalis ng homesick sa mga ofw hehehehe.

Ken said...

ever,
pambihira ka rin!!! hehehe

OFW's are bayani sa pamilya nila, in the truest sense.

Thanks for this post and Happy independence dau sau at sa mga kasamahan mo dyan sa kuwait.

The Pope said...

Isang pagpupugay sa OFW at sa lahing Pilipino.

Napakaganda ng post mo, sana makagawa ka ng entry para sa PEBA.

A blessed weekend.

2ngaw said...

Para lang sa pamilya ko ang lahat ng to...nakinabang lang ang Gobyerno ng Pinas kaya ako tinawag na Bayani :D

jan geronimo said...

Nagkargador ka sa palengke? At isda pa mandin? Wow.

Marami kasing kabalintunaan naiimbento ang modernong tao ngayon. Naging kalakaran na ang maging palalo, sakim, at pagsasamantala. Karaniwang tanawin na yan. Para na ngang nade-desensitize tayo eh.

Hanggang dumating sa punto na pag gumawa ka ng tama at magdesisyon ng may dignidad pinapalakpakan na natin at tinuturing na pagkabayani. Sa totoo lang, ginagawa lang natin ang ating tungkulin bilang responsableng ama ng tahanan, o ina, o anak, kaibigan, kasintahan o manggagawa.

Nasa ating kamay ang desisyon: gagawa ba ako ng tama? Ng may pagsaalang alang sa aking dignidad bilang tao? O papatangay ako sa agos o sa maling kalakaran.

Sa konteksto ng kasalukuyang realidad - maraming balahura sa ating kapaligiran lalo na sa gobyerno - di nakapagtataka na itanghal nating bayani ang mga taong ginagawa lamang ang tama.

Nakakapanghinayang di ba? Bakit natin kailangang tanghaling bayani ang kagitingan ng ibang tao? Sumusuko na ba tayo?

Bakit di natin gawin disente ang ating pamumuhay, isatuwid ang ating mga desisyon sa buhay? Ito ay di nangangailangan ng pagkabayani. Simple lang un. Mamuhay ng disente at may dignidad.

Ever, hanga ako sayo di dahil sa isa kang modernong bayani. Hanga ako sa yo sa pagiging marangal mong tao.

rolly said...

Bakit ganyan ang post mo ngayon? :-)

Eliment said...

Kuya ever, hanga ako sa iyo.sa sipag at determinasyon.tama ka sa sinabi mo. PARA SA PAMILYA.yan ang mga amang pinoy lahat ga2win para sa pamilya at yan ang da bes!
Alm mo ba nung bata ako pinangarap kong maging arkitekto pero ni isang hakbang patungo dito diko nagawa.

pamatayhomesick said...

ilor,
wa-alaikom-asalam!pards buti naman at napadaan ka,tama ka pards,isang kulungan walang rehas tayo dito.(nga pala malapit na yun lumabas,inshala! by the end of the year eh matapos na ang retoke nun, at maipublish na ANG KULUNGAN WALANG REHAS.ghost writer ako dun,bibilin lang sakin yung tema.pero ok narin gusto ko lang ikwento ang buhay first timer ng ofw..)teka naging promotion ata yung reply ko.ha ha ha.

parang nag-aaral lang-nakakapatay nga ng homesickness yun.kumikita rin ng sapat habang natututo.

pambihirang pinoy karin pare!

pamatayhomesick said...

thoughtskoto,

pambihira rin ang pagtataas mo satin at pagtulong sa pagpatay ng homesickness ng mga ofw...taas ang kamay namin sayo!

pambihirang pinoy ofw!

pamatayhomesick said...

the pope,
salamat pope,isang pabibigay ng suporta sa inyo sa pagbuo ng pag kakaisa ng mga pinoy ofw...

pambihirang pinoy!

pamatayhomesick said...

lord cm,

saludo ako sayo lord cm.

pambihira kang pinoy!

pamatayhomesick said...

jan,

napakahusay ng paliwanag mo,gaya ng pagkakasaad din ni blogusvox,marami talagang baliko,lalo na sa pagsasaad na bayani..walang bayani,gaya ng walang himala, ang bayani ay bayan ni juan,..binabalik natin ang serbisyo para sa pamilya.

maging matuwid at desente ang pamumuhay...PAMBIHIRA KANG PINOY!

pamatayhomesick said...

rolly,
tito rolly,musta na!...

saad ng damdaming ofw!

pambihirang pinoy!

pamatayhomesick said...

eliment,

pambihira kang pinoy eliment.wala naman tayong tigil para sa pangarap!salamat!

Anonymous said...

I'm late! Well huli man daw...

Bakit tinawag na bayani ang OFW?

Dahil mahirap na bansa ang Pinas at umaasa kasi ito sa labour export.

Dahil tayo ang kanyang pangunahing produktong pinagkakakitaan.

---

Gusto ko to: "Di porket nagtatrabaho ang isang pinoy sa ibang bansa tinakwil na nila ito..."

True.

Ang sa akin: Di porket OFW, maraming pera.

Dahil ang katotohanan: Kapag OFW ka, marami kang obligasyon. Sapat na ung matugunan mo ang pangangailangan ng iba, kahit pa sa kalaunan, pagkatapos ng pagiging OFW natin, malalaman natin na wala rin tayong naipon para sa sarili...

Haaay buhay.

Erick said...

Ever,
Long time ah. Eto nakabakasyon sa Pearl of the Orient Seas heheh. Two thumbs up ako sa write up mo. Nakikipugay ako sa mga kapwa OFW na nakikipagsapalaran sa iba't ibang panig ng mundo. Sana nga tunay tayong bayani bilang ofw...???
Erick

eye in the sky said...

its coincidental that youve written about the new context of "bayani". i was just thinking about this very same phenomena - ang "bagong bayani". i have the highest respect for the OFWs but a friend of mine once argued, "so those of us who continue sacrificing IN our country count for shit?". that actually made me think. he was saying that the term "bayani" has been abused to include every individual who has decided to leave the country, and that doing so is a disservice to the very few choice individuals who had selfless deeds & reasons by giving their lives for the country.

i am not sure i'd agree with such argument but i can't say that my friend is wrong either. what i know is that as long as we all do our share to do something good and right for others & for our country, we all deserve a pat on the back, and that titles like "bayani" these days are useless words. after all, who can say that the pinoys who stay in the Philippines sacrifice and suffer less than those who toil abroad? just a thought.

Anonymous said...

leaving your country are both a sad and a sacrificing choice, for our family, for our own growth and for our future plans..

whatEVER it may be,ang alam ko lang 'the world needs pinoy' kulang pag wala tayo sa working lists.

im an ofw and im proud to be one

(sarap kaya kumain ng chocolate)

escape said...

naniniwala akong bayani ang mga pinoy na nagtatrabaho sa labas ng bansa. dahil sa kahirapan mahirap na maiwasan ang mga ganitong pangyayari. at ito'y sa kadahilanan ng maraming bagay at isa na rito ang patuloy na walang kwentang pamamalakad ng ating gobyerno. gulo kasi at kulang sa sistema. puro pulitika.

kaya dapat ihirang na bayani ang mga ofws.

The Pink Tarha Team said...

Saludo kami sa mga OFWs!

Thanks for dropping by our blog.

The Pink Tarha Girls

Enhenyero said...

dapat naman talaga tawagin tayong mga bayani, di ba pagpapakabayani ang malayo sa pamilya, at pagpapayaman sa kaban ng bayan para mapaunlad naman ang estado nito? wala eh gusto ko din maging bayani lol

Anonymous said...

mabuhay ka dude.

ann said...

Ako nagtitiis na malayo sa pinas dahil sa mga bata, alam ko na hindi namin kayang ibigay sa kanila ang nararanasan nila sa ngayon kung nasa pilipinas kami.

Mari said...

Sangayon ako. Umalis ako sa sariling bayan upang umunlad ang kabuhayan ng pamilya. Upang makasulit sa mga magulang na naghirap sa kapakanan ko. Ang mga opisyales sa gobyerno ng Pilipinas ay di na nagbago. Higgit pa sila ngayon na mga kurakot. The Philippine government is a cesspool of corrupt officials.

Thanks Everlito for visiting my blog. Hope you come again.

pamatayhomesick said...

nebz,
salamat...nga pala musta moko sa pinas sa pagbabakasyon mo..:)

pambihirang pinoy ka nebz!

pamatayhomesick said...

erick,
huwaw, nagbakasyon ka pala..musta na..tama ka lahat tayo sa pinas man o sa kahit saan, pambihirang pinoy!

pamatayhomesick said...

eye in the sky,

"i am not sure i'd agree with such argument but i can't say that my friend is wrong either. what i
know is that as long as we all do our share to do something good and right for others & for our country, we all deserve a pat on the back, and that titles like "bayani" these days are useless words. after all, who can say that the pinoys who stay in the Philippines sacrifice and suffer less than those who toil abroad? just a thought."

may punto ka dito.. salamat!

kahanga hanga ka at pambihirang pinoy!

pamatayhomesick said...

anonymous,

ganda naman ng comment...

isa ka rin sa mga pambihirang pinoy! at pinakamayamang shell!

pamatayhomesick said...

dong,

lahat tayo kahit nasa sariling bansa ay pambihira pinoy...tama ka at may punto..iisa lang talaga ang dahilan ang walang kwentang pamamalakad ng gobyerno.

pambihirang pinoy ka dong!

pamatayhomesick said...

the pink tarha,

mabuhay ang pinoy!

pambihira ang inyong team!

salamat!

pamatayhomesick said...

enhenyero,

salamat at pambihirang pinoy ka rin pards sa pagsasakripisyo sa pamilya!

salamat ulit!

pamatayhomesick said...

tsiremo,

salamat! at pambirang pinoy tayong lahat!

pamatayhomesick said...

ann,

isang simpleng sagot..pero malaking bahagi!

pambihira kang pinoy!

salamat!

pamatayhomesick said...

mari,

salamat! ang ganda ng mga gawa mo..

ang isang sagot mo ang basihan ng mga tanong..tama ka at tumpak!

pambihira kang pinoy!

Anonymous said...

masakit din para samin ang nangyayari, nagtrabaho ako dati sa abroad,pero naghirap din ako.mas gusto ko pang magtrabaho dito sa pinas kahit mahirap basta kasama ang pamilya.palagay ko wala sa layo o sang bansa tayo magwork. ang mahalaga..tama kayo...lahat tayo pambihirang pinoy...wala nang mababago sa gobyerno at pulitika..walang sisisihin kundi ang mga namumuno...mga ganid sa karangalan.

brixxx said...

first time ko dito....ehehe

kulit ng itsura mo sa pic ah.

naku, marming dahilan bkit kelangang mag abroad, mga leche kasi mga politiko dito!!!

KRIS JASPER said...

Totoo yung mga reasons na pinost mo. Kung pwede lang sana na mag open ang isang bilyon na kumpanya sa Pinas e di mas ok sana.

KJ.

Chyng said...

madamdamin ang post na ito. sa palagay ko naman kahit pa PERA ang pangunahing dahilan ng pagttrabaho naten, sulit naman lahat yan lalo na sa may per honor na prinsesa!

disneyland part2! haha

Kitty said...

Madamdamin nga talaga ang post mo na ito, Ever. Mabuhay nga ang mga OFWs! Happy Father's Day, Ever! :)

Francesca said...

my french husbànd told something àbout PHILS.
In my blog, he sàid we hàve à country full of "sàints".

cpsanti said...

its true ever, we all have different reasons for working abroad ;-) basta para sa pamilya't bayan, dapat gawin ;-)

Gio Paredes said...

Bayani talaga ang mga OFW.
Napaka taas ng respeto ko sa inyo dahil sa pagsisikap nyo at pagtitiis na mawalay sa pamilya nyo.

Kayat pag nakababasa ako ng ganitong article ay nagpapasalamat ako sa DIOS at maayos naman ang trabaho ko dito sa Pinas kahit paano.

Tama rin ang optimistic na attitude. Naniniwala rin ako na balang araw, aangat din ang Pilipinas sa buong mundo at kikilalanin tayo mga Pinoy.

Cody said...

Ano nga ba ang bayani?

Ang bayani ay sinasakripisyo ang sariling kagustuhan para sa pamilya at bayan.

Ito ang ginagawa ng mga OFWs. Sila ay kumakayod kalabaw sa ibang bansa upang makapagbigay ng mabuting kinabukasan sa kanilang mga pamilya. Hindi nila iniintindi ang hirap, peligro, at pagka-homesick.

∴ Ang OFWs ay mga Bayani. QED.