5/28/2009

KaUsaP kO aNg DaGaT


PBA09r04no9r
Hangin ako at di nakikita pero nararamdan.napadpad sa kung saan saan, sa lawak ng isip at sang katauhan. Di man ako pansin ng sinuman pero madalas akong kasama sa iyong buhay.

Pareho lang pala kami ng dagat na walang katapusan!

Tinititigan ko siya…kinakausap…ang kalawakan nya ang magpapaliwanag kung bakit malawak rin ang buhay. Hindi nasusukat . Malalim!


Hinihiling ko na sana isama nya na sa alon ang luha ko. Isabay sa pag gulong at ihampas sa dalampasigan. Sa ganung pagkakataon at paraan walang makaka-alam ng aking lungkot . Magulo ang aking Mundo . Nakatayo ako sa isang sulok na puno ng pagmamahal ngunit nakatago . May hanganan, may limitasyon na sa kabila ng kasiyahan naruon ang paghuhusga. Maskit ganun pala pag totoo.


Hinihiling ko na sana pumikit muna sandali at mamulat nalang muli at makita ang buhay na gusto ko. Mabuhay ng tama, tumayo sa gitna ng mapaghusgang daigdig at ipaunawa na hindi lahat ng nasa tama ay masaya.


Sa kabilang bahagi ,ipinapaliwanag ng dagat na may dahilan ang lahat at tinuturo nya na bigyan pansin ang positibong bagay,gaya ng alon na patuloy lang at walang tigil. Maingay ngunit musika ito sa taong nakakarinig,malalim at malawak ngunit pwedeng languyin,may banta ng panganib pero maaaring lampasan ng sinuman. Ang buhay may dahilan rin.patuloy rin lang ito. Hihinto sa takdang panahon.


Hindi ako bibitaw. Gusto ko pang magpatuloy na maging malawak at masaya, maging musika rin sa iba. Gusto ko maging tulad ng alon. Gusto ko makita rin ako tulad ng kalawakan ng dagat. Makita ako sa totoong ako.


Hangin akong lalangoy sa dagat. Maglalakad ako sa buhanginan. Ibibigay ko ang lahat ng laman ng isip ko at hahayaang lumutang sa karagatan.


“Hangin ako! kausap ko ang dagat .kausap ko ang sarili ko.kausap ko ang mundo.”

23 comments:

RJ said...

Talagang makata! Hindi lang po pala kayo sa visula arts mahusay, sa literature magaling din!

Maganda rin pala ang view sa mga dagat ng Kuwait!

Ayos din kayo kung magpatawa. Naalala ko 'yong post niyong KENGKOY. 'Yon pong tinalo pa si Sharon Cuneta sa Pasan ko ang Daigdig. U

The Pope said...

Bakit hindi mo subukin kaibigan na isumite ito bilang entry sa PEBA, tulad ng hanging amihan sa tabing dagat, ang iyong istilo ng panulat ay magbibigay ng ginhawa at kapayapaan sa mga pagod naming kaisipan.

Cody said...

Ang ganda naman nitong iyong nilikha. Tunay kang kahanga-hanga.

Dee said...

Nice, Ever! Madamdamin itong sinulat mo! Ganda din ng shot! :)

Kosa said...

ang lalim nun parekoy..
pero, ito ang maganda kapag kausap mo ang dagat, hangin, mundo o maging ang sarili mo;
walang kumokontra,
walang epal,
walang pakialam
at
nasasabi mo lahat ng gusto mo,
mga nais ng puso at isip mo..

gumagaan ang loob mo.
very nice parekoy!
kapag gusto mo naman ng makakausap na epal, konkontra o di kaya nangingialam, KAUSAPIN MO AKO..HEHE

SEAQUEST said...

Pareho po pala tayong mahilig makipagusap sa dagat ugali ko na yan nuon pa masarap kasi makipagusap sa kanya sa lawak at lalim ng pangunawa nia sa walnag hangganan niang pagbibigay ng biyaya....tulad ng buhay natin...nice blog po...

witsandnuts said...

Nakakatouch naman 'to. Parang biglang ang sarap makinig ng old songs. =)

BlogusVox said...

Wow tsong, mukhang nasa "blue period" ka ngayon ah. Sa pag-iikot ko sa mundo ng blog, karamihan sa mga alagad ng sining na kilala ko ay madilim na ulap at malakas na unos ang nakikita.

Lilipas din ang bagyo...

0 said...

sa makatuwid, ang buhay ay isang dagat. :)

Anonymous said...

Una, wow! Sarap basahin. Fluid (kahit pa hangin ang main character), flowing (e hanging nga kasi e) at punong-puno ng damdamin.

Nalungkot ako after reading this line: "Hinihiling ko na sana pumikit muna sandali at mamulat na lang muli at makita ang buhay na gusto ko."

Trainer Y said...

nakaramdam ako ng matinding lungkot matapos kong basahin to kuya..
sadya bang may hatid na lungkot itong entry mo?

pamatayhomesick said...

salamat sa lahat!...bawi ako sa sususnod di pako ako nakakapasyal sa inyo..

maraming salamas! este! salamat!

rolly said...

makata ka rin pala. Maganda ang mga talinghaga mo sa piyesang ito. MAgaling.

eliment said...

kuya ever,
ang ganda naman ng iyong katha. touch ako...
galing naman. isa ka ngang alagad ng sining.

jan geronimo said...

Ang galing mo palang makata. Ilang nakakapag isip na mga linya:

1. Nakatayo ako sa isang sulok na puno ng pagmamahal ngunit nakatago . May hanganan, may limitasyon na sa kabila ng kasiyahan naruon ang paghuhusga. Maskit ganun pala pag totoo.
2. Mabuhay ng tama, tumayo sa gitna ng mapaghusgang daigdig at ipaunawa na hindi lahat ng nasa tama ay masaya.

Malalim. Mahirap arukin. Nakakapagpakamot sa ulo - di naman makati. Nakakapabuntong hininga - wala namang problema.

Isa kang palaisipan, Ever. Isang makabuluhang palaisipan.

Love this poem. Touches something inside me I hardly ever acknowledge until now.

Well done. ",)

Anonymous said...

wind and water...a perfect combination...

a nice masterpiece...

hindi nakakapagod basahin ng paulit ulit...

Randy P. Valiente said...

heheh mnukhang homesick ka na naman pre. nag e-emo ka na naman :)

atto aryo said...

emo? why? he he

Oman said...

wag ka bibitaw kaibigan at wag ka rin mababaliw. para sa pamilya at para sa pinas.

angel-o said...

isang magandang katha...

mahusay na makatang manlilikha...:)

Trainer Y said...

kuya, wala ka kasing cbox kaya di ko maisigaw dun kaya dito na lang ahihihihi.... lumipat na po ako ng bahay,... pa edit naman poh ng link ko sa blogroll mo.. mamatas poh..

http://lifetwitching.blogspot.com

Anonymous said...

kuya musta na ikaw.... :)hang ganda ng dagat... hehe

00000000000 said...

Hmm...makata ah! Ganda ng mga pics po.