9/10/2012

k U y A


Likas ang halaga ng pamilya sa mga Pinoy. Andyan si Nanay, Tatay, Ate at Kuya. Bunso ako sa magkakapatid. Hindi pwedeng hindi ako kasali sa eksena. Ang kwento ng buhay ko ay kwento rin ni kuya.
Lumaki sa pangangalaga at yakap kaming lahat. Masaya, malungkot, magulo pero iba ang hiwaga. Marami kaming mga pangarap, mga mithiin na sa aming paglaki kami'y magiging matagumpay. Si kuya ang aking best buddy. Tagapag-tanggol, taga- bili ng laruan, taga-sundo sa school. Minsan nag-iisa lang syang kausap ko, kasama at gwardya.
Sa oras at mga taon bilang magkapatid, lumipas ang mga panahon at napahiwalay kami sa isa’t isa. Nag aral ako at si kuya rin ngunit di sya nakatapos. Nasama sya sa masasamang barkada at nalululong sa bisyo. Sinira niya ang aming pamilya at higit sa lahat ang kanyang sariling buhay. Lumiko ang tuwid na daan at pinili nyang maglakad nang nakayapak sa lubak. Hinubad nya ang kulay puting damit at pinalitan ng itim. Nilangoy nya ang malakas na agos ng ilog kaysa sa tahimik na dagat.
Ngunit, hindi pa huli ang lahat. Patuloy na sumikat ang araw na dulot ay pag asa. Dumating rin ang ilaw sa kanyang buhay. Kinailangan nyang magsikap at magbago. Napilitan syang lumayo at magtrabaho sa malayong lupain upang kumita.
Tumanda man siya, bakas na parang isa pa rin siyang bata. Takot syang mag –isa at takot malunod sa lungkot. Kabilang na sya sa milyong OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.


5/30/2012

Balitang Middle East - Kuwait



Maraming salamat sa lahat ng suporta! malaking bahagi kayo sa ating tagumpay!
Mabuhay at paunlarin natin ang ating talento sa larangan ng ibat ibang adhikain. 

2/23/2012

KwEnTo ni MaNg BeRtO

Maganda ang panahon ngayon: Walang sandstorm. Kaya naisipan kong maglakad- lakad sa tabing-dagat. Dala ko ang aking kamera at ganado sa pagkuha ng litrato sa paligid.

Ang paligid, simoy ng hangin ang nagpapasigla ng araw ko. Ito rin ang nagbibigay kulay sa init at lamig ng panahon dito sa lupang buhangin.

Parang Pinas ang init ngayon ano?. Napalingon ako sa gilid ng mapansin ko ang isang kapwa Pilipino na nagpakilala sa akin bilang Mang Berto. Medyo may mas edad na kumpara sakin si Mang Berto.

Marami kaming napagkwentuhan tungkol sa pagtatrabaho bilang isang OFW, pero mas naging interesado ako sa kwento ng kanyang buhay pag-ibig.


Sundan ang Kwento ni Mang Berto (click here)

2/07/2012

nAsAan AnG ArAw?

hinahabol ko araw
sa huling pagtatapos ng taon 2011

hinahanap ko ang araw
kung saan ako pupwesto

di masilayan ang araw
naubos na ang oras

andyan lang naman ang araw
ako pala ang sinusubaybayan.....

(isang alay tula para sa mga kababayan nating OFW sa mga nakalipas na suliranin at napagtagumpayan sa tulong ng ating PANGINOON!)


photo: pamatayhomesick
place: gulf road kuwait

minsan sa buhay ng isang OFW, madilim man yun paligid puno man nang alikabok kinakayang hanapin ang liwanag sa dilim para makatawid sa lalim ng dagat at hiwaga ng langit.....







12/03/2011

FiRsT pRiZe Tayo sa Red Bull Art of Can (first time in Kuwait! )

Nanalo ang heARTS sculpture ni pamatay homesick.. isa sa pinakamalaking event at first time na nangyayari sa Kuwait ang RED BULL ART OF CAN.

maliit man o malaki basta may pagpapahalaga at  pagpapasalamat sa Maykapal...katumbas nito ang pagbibigay ng karangalan hindi sa sarili kundi sa kapwa natin!

Mabuhay ang mga kababayan natin at ang mga kasamahan natin OFW!

maraming maraming salamat sa inyo at sa lahat ng mga sumuporta !!!


------------------------------------------------
The Art of Can Exhibition at 360 MALL


Art encompasses a diverse range of human activities, creations, and modes of expression, including music, literature, film, photography, sculpture, and paintings.

The Red Bull Art of Can has gathered all forms of art in a nationwide creativity competition. From June to October Red Bull cans not only have been used by consumers to drink but they also have been used to create great pieces of art such as the 70 that will be on display at the Art of Can Gallery at 360 MALL Exhibition Hall from the 3rd of December to the 17th.

Artists from Kuwait were challenged to create new and innovative pieces of art using around 20,000 cans from Red Bull Energy Drink and Red Bull Sugarfree. Initially 120 pieces of art were submitted but only 70 were chosen for the exhibition which will feature a variety of creations from sculptures to paintings as well as photography and unique handmade mock-ups.

Six judges from Kuwait with an affinity to art and design will select the winners based on three criteria: creative concept (the idea behind the piece), conceptual execution (how well did the piece translate the concept idea) and construction (how well is the piece constructed). The top three pieces of art will awarded prizes and announced on the opening night of the exhibition.

The art of creating masterpieces out of Red Bull cans started back in 1999. Exhibitions have been held all around the globe from Europe to New Zealand. Countries like Austria, Germany, the Netherlands, Switzerland, the United Kingdom, South Africa, Singapore and the USA have all inspired artists to create their own artworks made of aluminum.

The event is open for public and runs from December 3-17. For more information visit http://www.redbullartofcan-kw.com/



Thank You God!
handog ko ito sa aking Prinsesa!

11/22/2011

Patak ng Luha ng isang Ama

Gusto kong sumigaw magwala at pagsusuntukin ang sarili ko; ayaw kong nasasaktan ang aking anak. Ang sakit sobra ng naramdaman ko, parang wala akong magawa sa mga nangyayari.

Pakiramdam ko ay madilim na madilim yung paligid at parang anino lang namin ang nakikita. Tahimik. Parang ang mga mata lang naming luhaan ang naguusap. Bingi kami sa paligid at bulag sa mga nagdaraan. Di ko rin alam kung may nakakapansin sa amin.

Lumapit ako at niyakap ang aking anak, walang lumalabas sa aking bibig. Mahigpit din niya akong niyakap. Ako na sa isang anak, napaiyak sa kanyang balikat, hinihingi ang kanyang lakas ng loob at pang-unawa. At siya sa kanyang ama, binibigay ang pang-unawa at pagmamahal at umaamo para maibsan ang patak ng luha ng isang ama.


kakaibang luha na hayag mula kay pamatay homesick!!!

11/19/2011

sunrise- heART of ever photography


the power of sunrise and the drama inside of it...
location: fintas kuwait
nov. 18 2011
canon 500d | p-mode |iso 100 | 18mm
amount of pp: very small | using curves and levels.

--------------------------------------------------

as support for the PEBA 2011 photoblog:
check the link: http://www.pinoyblogawards.com/

nominees for the picture picture blog:
http://www.micealiling.com/
http://cameranicabrera.blogspot.com/
http://www.alaincitydailyphoto.com/
http://bevcarvajalpancho.blogspot.com/
http://iamstorm.com/

namangha ako sa ibat ibang talento ng mga pinoy bloggers nato.
kakaiba ang kanilang pagsasalarawan ng potograpiya.
congrats to all of you!

8/24/2011

S A L I T A

Minsang madaling magsabi nang maayos at maganda ngunit mahirap namang isagawa ang nilalaman nito. Milyon ang alipin ng salita. Ang pinaka-makapangyariahang salita para sa akin ay mga mensaheng nakikita ng isang bulag at naririnig ng isang bingi. Maipaparamdam sa isang kaluluwang kapos sa pagmamahal. Ito ba ang tinatawag na nonverbal language?

Ang magadang pagtanaw ng isang bansa sa kanyang salita ay maituturing na isang tagumpay. Masakit tanggapin na sa bagong henerasyon ay walang gaanong halaga ang salitang atin. Unawain na lang natin sila. Marahil ito ay kaakibat ng pagbabago sa mundo na patuloy na "lumiliit." Globalization daw ang tawag dito. Hindi man sila maalam sa salitang galing sa baul ni Lola, huwag na natin silang husgahan. Ang mahalaga, mahal nila ang Pilipinas at tass-noo pa rin silang Pilipino sa isip at gawa.

Wala naman iyon sa kung gaano mo kaganda binuo ang iyong salita, bagkus iyon ay nasa kahulugan at konteksto ng iyong paggamit. Kahulugang may lalim at sundot sa pagiisip. Kung kakausapn mo daw ang isang tao sa wikang kanyang naiintindihan, lahat ay pupunta lamang sa ulo. Ngunit kung kakausapin mo siya sa wikang kanyang ginagamit, lahat ay pupunta sa puso.

Ang salita at wika ang damit ng ating pagiisip. Marahil kung lahat ay yayakap sa salitang "kapayapaan," walang giyera o awayan sa mundo. Dahil ang naniniwala sa sabi-sabi walang bait na sarili. Ano daw? Kasi naman, ang mga banyaga ang galing managalog. Ang mga Pilipino naman pilipit ang dila sa pagsambit ng banyagang wika.

Ano mang wika ang ating gamit, ang salita ay ang dugo na ating kaluluwa kung saan ang kaisipan ay nabubuhay at doon ay lumalago.

Indak ang wika ng isang manayaw, musika at kanta para naman sa isang mangaawit, tula sa isang makata, larawang guhit sa isang pintor. Sa isang tunay na Pilipino, ano kaya?




7/25/2011

pamatay's photo nasa Abante Column.

The photos posted by “Pamatay Homesick” in his Facebook Wall give us an exhilarating feeling.
Filipinos in Kuwait came in droves, most probably took a day off from work, to give moral support to the team that is now giving Filipinos a new sense of pride.
“Pamatay Homesick”, an interior designer and project design coordinator, posted on his FB wall: “Binabati ko ang lahat, sa matagumpay na kaganapan sa larong football dito sa kuwait.Natalo man ang ating Azkals, nakita ko naman ang pagsasama sama ng ating mga kababayan dito sa kuwait.Mabuhay!”


He added: “Kahit tayo ay nasawi, tayo parin ang nagwagi!”
That’s the attitude.













 




7/24/2011

oras!!!

Kapag hindi sumasang-ayon ang mundo sa gusto natin, sinisisi natin ang panahon. Wrong timing, sasabihin natin. Pero kahit kaylan, hindi nagrereklamo ang relo kahit baguhin natin nang paulit-ulit ang kanyang mga kamay. Kahit maya't-maya nating i-adjust ang alarm upang hindi tayo mahuli sa ating mga appointments. Kadalasan nga tayo ang hilo sa kaiikot, hindi ang relo.

Ilang taon, buwang, araw, oras, minuto at segundona kaya ang sinayang ko? Mahirap palang habulin ang oras. Lagi na lang akong huli. Lagi na lang umaasang darating din ang panahon para sa akin. My time will come -- sana?

7/05/2011

IkAkaSaL KaBA?

mahirap pala ang magphoto-photo ng kasal...kala ko ganun lang kadali yun.
malaking bagay ang natutunan ko sa pagpasyal ni Mr. Oly Ruiz Metrophoto Hothouse Wedding Photography Workshop dito sa Kuwait.( Mr. Oly Ruiz - popular in a high end modern destination and artistic capture of wedding photography. internationaly. He is also known as a Celebrity Wedding photographer.)






i took this on a reflected mirror..they like this composition very much.






--------------------------------------------------------
here are some shoot of pamatay homesick on workshop:

title: cinematic wedding





title: wedding fashion

6/29/2011

my JUnk ScULptuRe feature on sigmastudio.com

Due to the upcoming movie Transformer 3 … my junk sculpture features on sigmastudio.com. (naks English).. he he he.


Here is the link: http://sigmatestudio.com/2011/06/scorpion-night-by-ever-villacruz/

Thanks for Mr. Stephen


And salamat sa lahat ng sumuporta..
----------------------------------------------------
Nga pala ito naman ang small booth art exhibit sa nakaraang 113 Philippine Independence day na ginanap dito sa Kuwait.

Pamatay homesick represent KAMAY GROUP for this event.



6/12/2011

wAla Ni iiSa....

di ako kuba
pero laging nakayukod
pasan ang bigat,
laging may buhat buhat

kailan ibaba
ang bitbit na hirap
sino ang aatang
sa sandaling mapagod

walang hahalili
may kanya kanyang dala
sabi ng matipuno
sya ang papasan

nang buhatin di nakayanan
kaya eto ako ngayon,
naghihintay, sino sa kanila
ang mapaglilipatan...

sinong magbabalik
ng isigaw ng kalayaan
sinong bubuhat
sa loob ng kahirapan...

WALA NI IISA....
kundi tayo, at ang sarili.

--------------------
sigaw ng kalayaan!!!


6/09/2011

huh! yan ba ang camera mo?(weh! di nga!)

Ayaw nilang maniwala sa gamit kong  EOS canon 500D.(18-55mm lens). medyo maliit nga ito kung ikukumpara sa mga makabago ngayon camera. di ko pa kayang bumili ng bagong lente dahil may kamahalan ito...weh! di nga!
sabi nga ng isang kaibigan.kahit anong camera, kahit na anong gandang kuha nito kailangan parin ayusin, pag-aralan bago ka maging palagay sa itsura ng iyong likhang photo. "wala sa lente yan nasa maniniyot yan..."

final 1



final 2



took this photo on Ahmadi Church Kuwait during Santacruzan.(nak's english..he he he)
at dito ako nakita ni Nebz, na hanggang ngayon ay di ko pa nakikita man lang..

-------------------------------------------------
at bago ko makalimutan.. sali kayo sa:  PEBA 2011(where heart is photo contest)


6/07/2011

Andun pAla ang iSla dE Nebz

wahhh.. di ko man lang nakamayan ang isa sa hinahangaan kong blogger...ewan ko ba at nabingengot ata ako, dahil tinatawag na pala ako di parin ako lumilingon.. baka sabihin eh isnabero ako sa personal.. ha ha ha..anyways, gaya ng pagkakasabi ni nebz sa kanyang blog ako yun.. at hilong talelong dahil sa pag set ng camera na ma low low bat na. ha ha ha...

nananawagan po... pakisabunutan po ako minsan kung akoy inyong nakita o nasalubong..:)

ito po ang mga kaganapan nangyari sa santacruzan dito sa Kuwait.

ilan lang sa mga photo na nakuhanan ko...yung ibang photo will be uploded next...(may bayad na yun.. ha ha ha.:)



5/31/2011

SiLuNgAn

Bata pa lang ako pinangarap ko ng tumira sa isang magandang bahay. Maayos naman ang bahay namin noon, maliit pero gawa sa tabla at matibay na kahoy. Siguro ambisyosong prinsepe lang talaga ako at sadyang mapangarapin. Normal na siguro sa isang tao ang ilista sa plano ang magkaroon ng sariling bahay balang araw. Sariling pag-aari. Sariling silungan

......
Kung ang sa kanila;y malaki,malawak, magarbo,.ang gusto kong bahay ay simple, masaya, tama lang ang timpla at puno ng pagmamahal. Parang isang larawang likha ng isang mahusay na pintor. Isang bahay kubo na kumpleto ng halamanan at rekado ng buhay!
 
read more on Philippine Online Chronicle POC