9/10/2012

k U y A


Likas ang halaga ng pamilya sa mga Pinoy. Andyan si Nanay, Tatay, Ate at Kuya. Bunso ako sa magkakapatid. Hindi pwedeng hindi ako kasali sa eksena. Ang kwento ng buhay ko ay kwento rin ni kuya.
Lumaki sa pangangalaga at yakap kaming lahat. Masaya, malungkot, magulo pero iba ang hiwaga. Marami kaming mga pangarap, mga mithiin na sa aming paglaki kami'y magiging matagumpay. Si kuya ang aking best buddy. Tagapag-tanggol, taga- bili ng laruan, taga-sundo sa school. Minsan nag-iisa lang syang kausap ko, kasama at gwardya.
Sa oras at mga taon bilang magkapatid, lumipas ang mga panahon at napahiwalay kami sa isa’t isa. Nag aral ako at si kuya rin ngunit di sya nakatapos. Nasama sya sa masasamang barkada at nalululong sa bisyo. Sinira niya ang aming pamilya at higit sa lahat ang kanyang sariling buhay. Lumiko ang tuwid na daan at pinili nyang maglakad nang nakayapak sa lubak. Hinubad nya ang kulay puting damit at pinalitan ng itim. Nilangoy nya ang malakas na agos ng ilog kaysa sa tahimik na dagat.
Ngunit, hindi pa huli ang lahat. Patuloy na sumikat ang araw na dulot ay pag asa. Dumating rin ang ilaw sa kanyang buhay. Kinailangan nyang magsikap at magbago. Napilitan syang lumayo at magtrabaho sa malayong lupain upang kumita.
Tumanda man siya, bakas na parang isa pa rin siyang bata. Takot syang mag –isa at takot malunod sa lungkot. Kabilang na sya sa milyong OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.


No comments: