pero laging nakayukod
pasan ang bigat,
laging may buhat buhat
kailan ibaba
ang bitbit na hirap
sino ang aatang
sa sandaling mapagod
walang hahalili
may kanya kanyang dala
sabi ng matipuno
sya ang papasan
nang buhatin di nakayanan
kaya eto ako ngayon,
naghihintay, sino sa kanila
ang mapaglilipatan...
sinong magbabalik
ng isigaw ng kalayaan
sinong bubuhat
sa loob ng kahirapan...
WALA NI IISA....
kundi tayo, at ang sarili.
--------------------
sigaw ng kalayaan!!!
9 comments:
Nasa tao,
Nasa pamilya,
Nasa komunidad,
Nasa bayan,
Nasa bansa.
Kung nagkakaisa... magaan.
buhayin ang bayanihan. buhayin ang kapatiran.
happy independence day!
Nasa atin ang desisyon upang maging malaya! Kalayaan!
Galing naman! One hundred thirteen years of freedom. Viva Las Islas Filipinas!
@blogusvox,
pards natumbok mo kung ano ang ipinahihiwatig ng mensahe!
@dong,
kailan at kailangan na nga natin ibalik ang bayanihan...iba nga lang ang bubuhatin natin ngayon...
mabuhay ang pilipinas!
@sheng,
bukod tangi at kailangan maging matatag tayo, anu man ang magiging desisiyon natin...mabuhay ang mga nagsasakripisyo sa ating bayan,sila ang mahina man pero kayang buhatin ang ipinaglalaban.
hi sunny,
sa pakikipagsapalaran ng isang ofw sa lupang buhangin, mas nakikita natin ang ibat ibang hirap para iangat ang bansa na ating lupang sinilangan...
ganun paman...Makakaya parin!
God bless those who continually seek freedom.
Post a Comment