5/05/2011

hEat na HeAt! hAtaw ni hAriNg ArAW!

ano ang gagawin mo kapag may dragon sa likuran mo?
Summer na nga. Ramdam na ramdam na ang init sa paligid. Sikat na sikat si Haring Araw. Ito ang panahong siya ang bida. Siya ang tinitingala. Siya ang ilaw sa maghapon. Kahit maaaring masunog ang balat, iba pa rin ang pakiramdam ng kanyang kislap. Ang init na dampi sa iyong katawan ay walang katulad. Bubuhos ang yung pawis ng kusa at dadaloy sa katawan. Sarap magbakasyon!


Wala pa rin daw tatalo sa bakasyong Pinas lalo na pag summer, kahit ano pang hirap ng pagsupil sa nagiinit na paligid. Hataw ang Pinoy sa saya saan mang lugar siya naroon at ano mang paraan ang gawin para maranasan iyon. Sobra man o kulang ang badyet, ang mahalaga ang maging masaya kasama ang tropa at pamilya.

Sa mga bansang may malalawak na disyerto, mahabang tag-init ang mararanasan. No choice ka. Dahil parang juice drink lang ang dating: two seasons. Parang kape, pwedeng hot or cold. Cold winter or scorching summer.

Ang temperatura dito sa Kuwait ay malupit pa sa lagnat na nakaka-kombulsyon. Umaabot ng 50 degrees sa katanghalian. Kaya naman ang mga trabahong ginagawa sa labas ay may espesyal na oras. Lipat sa madaling araw o umagang umaga ang paggawa. Wala ngang bisa si payong. O si manipis na dagdag panakip na mahabang damit. Mararamdaman mo at mararamdaman ang init sa ilalim na iyong paa. Sabi nga ng isang kaibigan, parang may dragong bumubuga ng apoy na sumusunod sa iyo habang naglalakad sa labas.

Read more on Philippine Online Chronicles (POC)
ganito ang magiging itsura, pag naabutan ka ng sandstorm ngayon sa labas..dito sa lupang buhangin!
picture galing kay ding...:)

4 comments:

YanaH said...

dati po, madalas akong makaramdam na may dragon sa likuran ko.. may monster rancher pa nga eh. Kasi dati ung pwesto ng cubicle ko sawork nakatalikod ako sa opisina ng boss ko. eh minsan nahuhuli akong nakikipag YM.. ayun, binibugahan ako ng sobrang init na sermon hihihihi

hello kuya! amisyuuu!

pamatayhomesick said...

hi yanah,
musta nah..parang namiss kita ng konti.. ha ha ha...

sheng said...

Bakasyong Pinas this time is maulan, binbagyo pa nga eh! Take care!

pamatayhomesick said...

hi sheng,

uu nga daw sheng, maulan sa heat na heat ni haring araw dyan...kakaiba na ang panahon..
thanks sheng!