1/23/2011

Lu-La

nalula ako...
sa taas ng gusali
dumungaw pababa
hawak ang pisi
...
bumagsak, lumagapak!

nalula ako...
sa taas ng gusali
ni walang hagdanan
hawak ko ang pisi
...
naputol, napigtal!

nalula ako...
sa taas ng gusali
may nakadungaw
may hawak ng pisi
...
bumabagsak, lalagapak

nalula ako...
sa taas ng gusali
kahit walang hagdan
nakalutang sa pisi
...
maputol man,o mapigtal!

nalula ako...
sa taas ng gusali
pinagmasdan ang sarili
na may hawak na pisi
...
pinagduktong,ibinuhol!


1/08/2011

DaLAwAnG GuLoNg- BiSiKLeTa!

ngayon palang ako nagpapasko, ngayon palang ako babati sa inyo ng maligayang pasko at manigong bagong taon!....

Alamin ang balanseng buhay ng isang OFW gamit ang dalawang gulong....

Sa aking pagiging OFW, installment ang Pasko at Bagong taon ko para sa aking pamilya. Sa susunod na taon bibili ulit ako ng bisikleta; ako mismo ang mag-aabot nito sa aking prinsesa. Sabay namin itong sasakyan, kasama ng aking mga pangarap para sa kanya. At sa aking pagtanda, alam kong ako naman ang iaangkas niya dito at ipapasyal.


Simple lang ang bisikleta at halos di nagbabago ang anyo nito. Balanse at lakas ang kailangan para ipedal sa pag-ahon mula sa ibaba. Mahirap sa umpisa, pero pag naabot mo na ang dulo at taas ng iyong pupuntahan, ginhawa na ang iyong mga susunod na paglalakbay!

read more on Philippine Online Chronicle POC