9/22/2010

NuNO nG HoMEsiCK

Ang iwan ang Pilipinas ay isa sa pinakamalupit na desisyon na nagawa ko sa aking boong buhay. Lumisan akong mag-isa. Tinalikuran ang pamilya -- kahit na nga ba pansamantala.

Day 1 pa lang sa lupang banyaga, malungkot na at nagumpisa nang magbilang ng araw. 300 na araw, 299, 298, 297 ….. Count down patungong Day 0 na, ano pa, kundi ang oras ng paglaya, ng pagbabakasyong balik-Pinas.

Tulad ng mga batang hiling ay ulan para basa ang chalk at wala nang pasok. Tulad ng mga empleyadong nangungulit kung may non-working holiday na nalalapit. Higit pa dito ang pakiramdam ng isang OFW na nauubusan na ng pamatay-homesick. Parang bata. Sana isang linggo lang ang isang taon. Nabubuhay para sa araw ng pagbabalik sa lupang hirang at mga taong mahal.

At ako nga ay nagbalik kamakailan pagkaraan ng higit na isang taon na tila baga sampu sa homesick na diwa.

Kay tagal kung pinaghandaan kung paano masusulit ang aking bakasyon. Kung paanong gagawing isang taon ang isang buwan. Kung paano babawiin ang mga araw na nawala. Kung paano nanamnamin ang mga oras na ipagpapahinga sa Pinas. Tutuo mang hindi na maibabalik ang nawala, maaari namang punuan iyon sa pamamagitan ng paglasap sa bawat sandali sa bayang magiliw. Kalimutan muna ang buhay OFW ... ang mahalaga ay ang buhay balik-Pinas.

read more on Philippine Online Chronicles BUHAY PINOY BUHAY OFW!

















balik tanaw
saan tanaw
walang tanaw
balintataw!

kuha mula sa himpapawid...

9/18/2010

In AnOThEr DrEsS

"For age is an apportunity. no less than youth itself though in another dress, and as the evening twilight fades away, the sky is filled with stars, invisible by day."
--- Henry Wadsworth Longfellow


yakap yakap ko nang binigay sakin ni annamanila ang publish book nya - In Another Dress.
bihira ang ganitong pagkakataon, ang makilala ang editor ko sa POC Buhay Pinoy.

ano ba ang In Another Dress?

nasa loob nito ang ibat ibang istorya, ibat ibat himig kung ikukumpara sa kanta- rock en roll, klasiko,balad, pop, rnb etc. kahit si lady Ga Ga  mapapabasa!

ibat ibang timpla naman kung ikukumpara sa lasa- matamis, mapait, maalat, maanghang...sa palagay ko nga pati si madam auring na may asim parin mapapabasa rin!

kung type mo namang ang palakasan ay pwede rin ihambing- soccer, baseball, running, golf, basketball. baka nga sabay pa si kristeta at james sa pagbabasa tungkol sa part dun sa piyesa ng mag-asawa.

In Another Dress... ibang kasuotan ng buhay sa ibat ibang  uri at kulay!

sa piyesang ito, pwedeng maging nakakatuwa, malungkot, pagtataksil, kaibigan,edad, kabataan, at tagumpay! isa man sa istoryang ito ay angkop na pangyayari at nangyayari ganap o magaganap.


















bookstore: National bookstore
price only: 350 pesos

selected stories and essays from
annamanila's
ode2old.blogspot.com

9/05/2010

bAka MaubUsAn!

dear pamatay,

musta na, akstwali! napadaan ako para alamin kung saan ba makakabili ng books. ang IPUIPO SA PIGING. astig daw kasi ang grand opening nito sa 70's bistro, kasama ang mga batikan manunulat...

yun lang at di na magpapaligoy ligoy pa... salamas! este salamat!

baka Maubusan.
----------------------------

dear baka maubusan,

naku buti at napadaan ka, ilan nalang ata ang kopya nito, pero wag kang mag-alala. papasuyo ako sa aking kaibigan at matanong narin si mr. Abet Umil na editor nito.
di ka nagkamali sa iyong paghahanap, wala narin paligoy ligoy sa mga sumulat at katha ng mga manunulat dito..one word- MAHUSAY!

kung may karagdagan kang katanungan. maari kang mag email dito: ipuiposapiging@yahoo.com

maraming salamat!

pamatay homesick