11/05/2009

nAgBabAliK-TAdO


pareng pamatay ever,

di na kita tatanungin kung nasa mabuti kang kalagayan dahil alam kong hindi...uu! at dahil narin sa hindi malamang dahilantes, di ka nagpaalam sakin na nasa pinas ka pala, at ngayon ko lang nalaman na pabalik kana pala ng kuwait. anak ng tipaklong wala akong ka-alam alam na umuwi ka pala ng pinas, langya ka, nagulat ako nang makita ko yung txt mo at akala ko ginogoyo mo lang ako, at minura pa kitang hayop ka na akala ko kung sino, ikaw lang pala..pero eniwey! buti naman at naisipan mo akong pasyalan..teka anu nga bat at anu ang nangyari at di ka nagsabi na nagbakasyon ka pala ng pinas?

ang iyong tagahugas, este! ang iyong tagasubaybay,

pareng Chacha lusero

---------------------------------------------------------------------------

dear pareng chacha luser o

langya ka bakit mo naman ako binuko, sinasabi ko na ngabat dahil sa kakakain mo kahapon ng tutong na kanin at lagi ka nalang talo sa tong-its. at kunwari kapang di mo alam na nandito ako, e ikaw yung sumundo sakin sa airpot nung nakaraan lang, hay naku at dahil dyan bibigyan kita ng lonely smile! meganun! atchus!.your such a loser!

pero alam kong nagulat karin sa aking agaran pagbabakasyon, wala lang naisipan ko lang na magrest sa bansang sinilangan dahil sa sobrang trabaho ko, humingi lang ako ng agaran vacation, at ibinigay naman, medyo mahirap din pala kung ganito, maraming bagay ang ikinabigla ko sa aking pagbabakasyon, kala ko magiging maayos ang lahat pero may ka-abang abang na nangyari, at aaminin ko na hindi nakakatuwa ang mga bagay nato palagay ko ako ang dapat maging si chacha lusero..pero wag nalang nating pag usapan pa at magiging KJ ako.maganda yun may aabangan diba.

super over mega dooper naman ang aking kasiyahan dahil nakasama ko ang aking prinsesa. at wala nang makakapantay dun sa aking kasiyahan...wala kaming ginawang dalawa kundi ubusin ang mga araw na kami lang ang magkasama. at dahil dyan, magbibigay ako ng big smile! meganun! i love it!

regalo ko, este! regards,

pamatay ever

p.s.
sa kanya at sa aking prinsesa yziel ko-  i love you marami marami!




32 comments:

Lord CM said...

Maligayang pagbabalik pre, wala nga atang nakaalam ng bakasyon mo ah :D

rolly said...

haha umuwi ka pala. Di ka nagparamdam ah. Sana nagkainuman tayo and did the rounds sa mga galleries.

sheng said...

Wow, bakasyon, hehe... saan mo dinala si MAreng yziel? Nag Boracay ba?

eliment said...

welcome home kuya ever... sana e ma-enjoy mo ang bawat sandali mo dito sa pinas.

witsandnuts said...

Haha, I sensed it. Biglang naging tahimik ang blog mo eh. Ganyan din behaviour ng blog ko nung biglaan akong umuwi. Heehee.

sunny said...

there's no place like home....

r-yo said...

aba at nasa pinas ka pala. di ko alam, kasama ka pa pala sa pelikula nina Yaya. bagay ha. anong role mo dun? :-)

isladenebz said...

Ay me ganun?! Me bakasyon na walang paalam? Kahit kay Aling Huling, d k man lang nagsabi. You're so not Rizal!

Welcome back. At opo, aantabayan ko ung ung "kaabang-abang na nangyari".

I'm glad you enjoyed ur vacay with your angel daughter.

Roy said...

aba! naka-uwi ka pala pareng ever

at mukhang paalis ka na naman (o naka-alis ka na?)

eniway, hi-way, sana naging maganda ang iyong bakasyon

mr.nightcrawler said...

congrats sa bakasyon mo parekoy... and welcome back :P

DRAKE said...

AHALEN WASALAN!!! Buti naman at nakabalik na!

Ingat palagi bro

Misalyn said...

It sounds like you had a wonderful vacation.

Back to the real world of being an OFW nanaman.

Have a nice day.

Everlito (ever) Villacruz said...

lord cm,
he he he biglaan din parang nanawa ako sa puro trabaho kaya ayun umuwi sandali at balik narin.

Everlito (ever) Villacruz said...

rolly,
uu nga sir rolly, medyo inubos ko lang ang magandang mga araw ko sa aking prinsesa.

Everlito (ever) Villacruz said...

sheng,
ha ha ha, di naman nilibot lang namin ang buong lugar ng bulacan, marami pa kasing mga lugar dito na maganganda parin.

Everlito (ever) Villacruz said...

eliment,
pards medyo naklimutan ko nga ang araw para kasi wala ng katapusan yung saya pag kasama ko ang prinsesa ko.

Everlito (ever) Villacruz said...

witsandnuts,
ha ha ha, naiingit kasi ako sayo kaya ayun maganda yung biglaan para mas masaya, pag tungtung ko nga dito sa pinas parang slow motion ang dating..ayoko ko na nga i past forward!

Everlito (ever) Villacruz said...

sunny,
gaya ng araw ang lugar parin natin ang babalikan.tama pards, wala ng sasaya pa pag kasama ko ang aking prinsesa

Everlito (ever) Villacruz said...

ryo,
ako yung nasabugan ni yaya and angelina. ha ha ha.:)

Everlito (ever) Villacruz said...

nebz,
naingit kasi ako kay witsandnuts eh, medyo nanggaya lang ako...mas ok kasi.ha ha ha. musta ang pinakagwapo na pareho kami.:)

Everlito (ever) Villacruz said...

roy,
pareng roy, konti lang kasi yung vacation ko, kaya mas inubos ko ito kasama ang prinsesa ko.:)

Everlito (ever) Villacruz said...

nightcrawler,
salamas repakoy! musta naman dyan:)

Everlito (ever) Villacruz said...

drake,
pareng drake, mukhang panalo ang dating lagi ah..ok yung profile photo mo natawa naman ako.:)

Everlito (ever) Villacruz said...

misalyn,
huwaw, friendship na kami ni misalyn, papameryenda ako nito...:)

Anonymous said...

Sa kanya???
Soon you are coming back and Good LUcK again to your toxic work world.

Lagi Lagi...

Erick said...

yow Ever! musta na? Hope all is well.

the donG said...

ang prinsesa ng buhay ni ever. everlove! hehehe.... pwede din ba kami sumulat dito (mala kuya eddie)?

theLastJedi said...

' ang galeng ah.. sinekreto ang pag-uwe,, hope u had fun sa pagbabalik-bayan mo! =)

Everlito (ever) Villacruz said...

anonymous,
yap magbabaliktado na naman ako sawork.

marami marami!

Everlito (ever) Villacruz said...

erick,
pards kamustasa, eto likba na naman sa toxic na trabaho.he he he

Everlito (ever) Villacruz said...

dong,
salamat pards...:)

Everlito (ever) Villacruz said...

last jedi,
mas maganda daw paminsan minsan may sekreto..ha ha ha. musta na pards!