ok lang sana kung ibang lahi dahil alam ko naman na magandang lalaki ako kesa sa kanila.ang di ko matanggap yung kalahi pa natin ang mataas ang ere.
ganito ang madalas na pangyayari. may kasama ako lagi na engineer para sa meeting itik(indiano ang ibig sabihin).ako ang nauna sa site para i check ang location, at nakita ko dun ang site supervisor na babae, natuwa ako dahil bihira ang designer na babaeng pinoy dito.kaya binati ko ng magandang araw! aba! nagulat ako sa reaksyon,tumalikod at di ako pinansin,kaya naisip ko ay churi po, i thought you are filipini(ito ang tawag nila dito sa mga pinoy).kala ko ibang lahi o taiwanese o nepali(halos magkakamukha kasi dito ang itsura natin sa kanila).eniwey, ng dumating ang kasama kong engineer, abay sumalubong agad at kuntodo bati ng good day!, malayo ako sa kanila, kasi napahiya ako kanina sa pagbati,dahil kala ko napagkamalan ko na hindi sya pinoy.pinay din pala.hindi ako nagkamali.nagkamali ako sa kanyang ugali.
marami silang napag usapan, di ako nakialam.pagtapos nilang mag-usap. eto na ang finale..pinakilala ako ng kasama kong engineer na itik na alalay ko at tagasukat ko sa area.
ma'am this ever, he is the one who will be able to approved everything!
huwwwwwatttt!!!..TOINK! TOINK! TOINK!(teka di ganun yung reaksyon ha,medyo exage ko lang para may dating).je je je je!
kanina tumunog yung cell ko...(bebot bebot bebot bebot,ikaw ay akin, pilipino! pilipino!...kanta awit).ito yung ring tone ng cell ko..
elow!,whos dis(tama ba spell)(english para sosyal ako)
kabayan SIR! magandang umaga! ako yung kahapon, sorry ha kasi kala ko nagwowork ka lang dun kasama ng mga tao sa opisina..ask ko lang kung approved na yung project,tinatanong kasi ako ng boss ko eh.kuntodo pls. at hingi ng sorry sakin si kabayan, di nya daw sadya yung nangyari.
nalungkot lang ako, pero alam ko konti lang ang ganito dito,minsan lang makahawak ng ginhawa pakiramdam mataas na sila.
yan tuloy di makatingin ng deretso sa tuwing kausap ko yung boss nya,siguro kala bebengahin ko.pinaparamdam ko lang sa kanya na dapat marunong syang makisama at makibagay.
natatawa nalang ako pero.. sana naman kung maayos ang buhay mo dito sa ibang lugar,wag naman po tayo titingin sa suot o sa kahit na mababang trabaho,kasi po maipagmamalaki natin ang tyaga at sipag nating mga pinoy.
swerte lang sya dahil kalahi ko, kung hindi, di ko tutulungan para sa maliit na project nayun.
hope na matuto tayong magpakumbaba!
68 comments:
Merong ngang mga ganyang kababayan. Nakakalungkot minsan pag sila pa yung nanlalaglag. Pero nung nasa Pilipinas pa ko, 'medyo' suplada ko, heehee. Nung nangibang bayan, halos lahat ng kababayan na makita ko kahit hindi ko kilala nginingitian ko. =)
share ko lang ganyan yung bf ko kasama nia yung driver ng store nila sa mall kasi may bibilin sila dahil di naman cia papasok at sinamahn lang nia yung driver para ituro kung san bumibili at ano ang bibilhin eh nagsuot cia ng pang bahay ang magaling sales clerk dinedma cia kasi yung driver kontodo bihis eh cia nakatsinelas pa, ayun nung pinabalik nia yung driver para kunin yung pinamili nila hinanap daw yung bf ko ang sabi nun driver alin si sir wala sinamahn lang ako nun kangina taka yung sales clerk bakit daw dir ano daw ba yun singot nung driver manager namin, gulat sales clerk eh cia daw ano sabi nia driver lang nia ko...hehehehe..masyado kasi mapang mata kung minsan ang iba kya lalo lang sila napapahiya...
witsandnuts,
depende kasi yun sa pagbati,kung maganda naman at respeto lang dahil sa kabayan natin sila,siguro naman papansinin tayo,gaya ng ginawa ko with matching smile pa nga yun sa kanya.kaya nung tumawag sya sakin. ang paliwanag nya ang akala nya tauhan lang at workers lang ko dun.kahit sa paliwanag nya makikita mo na tumitingin sya sa labas ng katauhan, hindi sa pagbati sa kanya ng maganda.
musta na ang bertdey girl.:)
He he he Ever, ginawa mo ang araw ko. You made my day!
Napakatotoong obserbasyon. Kung sino poa iyong talagang nasa itaas sila pa ang mababait, iyong mga nasa ibaba sila ay matabpobre.
Ito'y nangyayari din sa mga opisina dito, kahit sa mga pang-gobyernong opisina. Hindi ka agad papansinin, eh di nila alam iyong tax na binabayaran mo every month ang nagpapasuweldo sa kanila.
Kaya ang ginagawa ko, nag e-english ako para mapadali ang pag galaw nila. Subukan mong gawin diyan at tignan mo, papansinin ka ka-agad. Tapos, pag kinausap mo na sila, hindi na sila magkandatuto sa pagsagot sa iyo...he he he...
Nakakainis din kasi ang asta nila. Porque pobre ka lang or "mukhang" pobre eh ganun na ang trato sa iyo? Katusan mo kaya sila para matuto. he he he...joke lang.
So hindi ka nagiisa, pati dito maraming ganyan.
seaquest,
talaga naman,uu. bakit kaya nagkaganun.naalala ko tuloy yung kwento ni blogusvox nuon sa pag punta nila sa shoping mall ganun din halos ang sitwasyon.tsk tsk.
ganun din nung tumitingin ako sa mall dito,kasi naghahanap ako ng mura lang.he he he.sabi ni kabayan di naman daw ako bibili.umalis nalang ako at lumipat sa ibang shop at dun ako bumili.hay buhay abroad!
jena isle,
tignan mo nga naman ang sitwasyon,kaya siguro di pa umaasenso ang pinas, kasi nakakalimutan natin ang pagpapakumbaba,tama ka dun,pag fluent ka mag-english halos pansinin ka dito.yung iba naman kabayan na english pa ng english baluktot naman.ha ha ha.abay kausapin ba naman ako ng U KNOW NAMAN EH, I'M NOT GOOD IN ENGLISH(na parang si cris aquino ang dating,kulang nalang magtanong ako ng halimbawa nasa harap siya ng aparador ng salamin na parang si boy abunda para kumpleto.)
talagang toink toink nayun jena. ha ha ha.
uy! isa sa pinakamagandang nabasa ko ang random thoughts.hanga ako dun!
sa aking palagay, pagkatapos nun e hindi pa rin magbabago yung taong yun
kita mo naman, "akala ko kasi trabahador ka lang"
di lang diskriminasyon, taklesa pa!
tsk!
dami talaga ganyan :(
roy,
sa palagay ko nga,pero kala siguro nila nakakaloko sila, di nila alam na niloloko nila ang kanilang sarili.
meron talagang mga ganyan kahit dito satin. Naninino. Sa palagay nila e wala naman silang mahihita sayo, manigas ka na lang jan.
Pahiya siya sayo ng todo no? Beh buti nga sa kanya.
rolly,
natuwa naman ako sa comment...daanin nalang sa ganyan kasi in time makakhanap din sila ng magpapabago sa kanila.
salamat tito rolly!
Okay, pinipigilan ko ang tumawa. Matutulog na lang ako eh, napatawa mo pa ako..lol...
Naku, salamat ha sa magandang pagtanggap mo sa Random Thoughts.
Itong blog mo rin, nakakaaliw. Iyong tipong bibisitahin mo pag gusto mo lang magrelax at maging masaya sa katatawa. Salamat sa post na ito.
sobrang nakakalungkot ang ganun. Ang kapatid ko nga nasa dubai..yung officemate nyang pinoy eh yun pa naninira sa kanya.At sad to say talaga...naobserve ko lang, may mga kilala kasi kong pinoy na nkapag abroad at sobrang nagmamataas lalo sa sa mismong kababayan pa nya.Grrrabe.
Paano kaya kung hindi niyo in-approve 'yong project? Huh!
marami nga po akong ganyang naririnig na kwento sa aking mga kaibigan at kamag-anak na galing sa ibang bansa, kung sino pa ung mga totoong kababayan mo e sila pa yung mangmamata sayo..
marami nga po akong naririnig na ganyang kwento mula sa mga kaibigan at kamag-anak ko na galing ibang bansa..kung sino pa ung mga inaasahan mong kababayan e sila pa yong mangmamata sayo..
usong-uso rin daw ang crab mentality...
kakalungkot nga ang mga ganito. kahit pala sa labas ng bansa ay nangyayari ito.
Hello po, toink! toink! toink! nga yung babaeng yun senyo, hehe. Napahiya sya ng todo! Grabe, sana kinukuyog na siya ng konsensya niya na magbago.
Salamat nga po pala sa pag-iwan ng komento sa aking blog :)
Umagang umaga, uminit ang ulo ko! Dyan tayo nagkaiba, ever. Mabait ka. Sa mga ganitong ugali kasi, medyo may pagka sadista ako. Pag sa akin nangyari yun, hindi ko mapapalampas na hindi ko tuturuan ng lekyon yun, mapa pinoy o mapa ibang lahi.
Ay, alam mo, totoo iyan! Naranasan ko na rin iyan - kung sino pa ang kabayan mo na nakita mo sa ibang lugar, siya pa ang masungit! Minsan nga mas respectful pa iyong mga citizen sa ibang bansa e kesa sa mga ibang kabayan natin na na-me meet natin doon. Hay, bakit kaya ganyan...
Kakahiya naman iyong babae na iyon! Feeling ah...
Anyway, ay, fan ka pala ng Black Eyed Peas! Ganda nga ng kanta na iyan!
jena isle,
sabi nga ng lolo ko,daanin nalang daw sa ngiti,pag naasar ka..kasi sayang lang daw ang araw pag pinansin pa. at syempre magandang lalaki at babae tayo nun. :)
salamat! jena.
moon gooddess lae,
nagagandahan talaga ako sa title ng profile mo "MOON GOODDESS LAE".
RJ,
siguro tanggal sya sa trabaho.huling hirit na nila kasi samin yun,pag hindi naaproved yun,wala na silang gagawin.
kabayan kasi kaya sinuportahan ko parin.
baka lasing nung araw na yun.ha ha ha.
anonymous,
palagay ko konti lang ang ganyan,kasi napapansin natin eh.matatauhan din sila pag may nakatagpo sila na pareho rin nila.
the lady in green ruffles,
palagay ko dyan tayo pareho, yung crab mentality, marami din dito, nauuna kasi ang inngit.
kung mapadaan ka sa thoughtskoto,maganda ang topic dun tungkol naman sa tsismix!
dong,
tama ka dong, kakalungkot talaga, ayaw ko na sanang magsulat tungkol sa ganito pero gusto ko lang iparating na konti lang ang may ganitong ugali...or baka kulang lang sa pamatay homesick yun.
irene,
uy!, na toink toink toink na naman yun eh..medyo naawa rin ako.para kasing di nakatulog nung makita ko ulit eh.
salamat!
blogusvox,
ha ha ha.churi pards,buti pala di nangyari sayo yun,kasi malamang mawala sa ayos yun,.di ko maiwasan di ko sya tulungan eh,nakasalalay yung tarabaho nya,baka matanggal sa trabaho.marunong din naman kasi.
kung ibang lahi,wala ng gumawa sakin,kasi tatlong buwan nakalipas nagpatanggal ako ng ilang ipis sa departamento ko.
dee,
ay uu, madalas kong patugtugin kasi gusto ko si fergie, nakaka-L kasi yun eh. nakaka LIBANG yung mga awitin.;)
Pards,
Ang bait mo! He he he.
Tutal may open forum naman dito e makikigulo na ako.
Dear Tito Ever,
Ako ay mahilig magbihis ng mga simple lang. Di ako sanay may slacks o long sleeves na polo kapag tumitingin ng mga pasyente ko. Minsan akong nag-cover sa isang doctor na absent sa isang kilalang medical center dito. Sa nakasanayan, naka polo shirt lang ako at medyo spike ang buhok at may nakasabit sa leeg ko na stethoscope.
Lumabas ako sa cubicle ko para tumingin ng pasyente. Tinawag ko ang pangalan.
"Mr. Wan Lu?" ang sigaw ko na medyo authoritative. Tapos may lumapit na ale. Sabi nya, "ako nanay ni Wan, ikaw ba nurse?"
May nakarinig na nurse sa sinabi nung ale, sabi nya, "Mrs. Siya po si doctor (pogi) Z. Sya po ang titingin sa anak nyo."
Sorry ng sorry yung nanay sa akin. Tinanggap ko ang reason nya.
"Doctor, mukha kasi kayong high school! Ang bata bata nyo pa para maging doctor."
Ngumiti na lang ako.
So, Tito Ever, madalas ngang magkamali ang mga tao. Pero, kung humingi naman ng paumanhin, e para sa akin e, pwede silang singilin ng mahal, este, mapatawad. LOL
Z
zorlone,
ha ha ha,aba ok yung nangyari sayo, kasi pareho naman tayong pogi.he he he.
ok yung banat na sulat ang galing ng pasakalye...natawa ako dun ah.
he he he, nakakatuwa naman ang nangyari sa iyo Doc Z. Laking gulat siguro niya ano? Sabi nga ni Melanie, "Don't judge me, because I'm not a book."....lol.
Sige payag na ako pareho kayong guwapo. lol..Huwag sana akong magising.
Ever, Google Chrome ang gamit ko, bakit kada open ko ng site mo, May Malware Warning lagi? mga ilang buwan na ito, pero ngayon, sasabihin ko na talaga. hehehe
Anyway, bakit nga ba ganun ang mga kabayan minsan?
Kahit dito sa Saudi ganun din. Minsan seguro people judge us by the way we look or we wear clothes or dahil mahaba ang buhok mo, akala niya, didiskartehan mo sia.
Anong akala sau Cheap. hahahaha
Anyways, sana matuto nga tayo sa ugali na ganyan.
jena isle,
ha ha ha,sa panaginip lang pala kami ni doc z gwapo,pero sa personal gwapong gwapo.ha ha ha,
baby face kasi si doc z kaya napagkamalan bumibili lang ng suka sa tindahan ni jena.he he he,:)
thoughtskoto,
uu nga eh, dati din nung binubuksan ko yung blog ko, ganun din ang nangyari di ako makapasok sa blog ko,laging error.buti nabanggit mo.salamat!
naaliw ako sa post mo about tsismix. he he he.halos kadugtong ng nangyari dito.kung matatanggal lang sa iba ang dalawang ugali na tsismix at mapangmata,palagay ko puro smile smile na ang lahat!
pareho pala tayong masama ang umpisa ng week anu? sana bukas maganda na. at least ikaw, nakaresbak na. ako maghihintay pa.
maganda ba naman yang babaeng yan sir?.. =D
gie,
kung itsura parang si allan K.
he he he.
hayaan mot bukas mawawala na yan,ganyan langtalaga ang buhay parang life.smile lang lagi!
ok lang naman iyon..huwag na lang pansinin..talagang ganun ang buhay.. may tao na di mahilig magpansin ng iba..kasama sa buhay ang ganun..di nakapagtataka..
my experiences with pinoys abroad have been either really nice or really unpleasant... kaya nga i try avoiding na lang. sometimes you'd think they need to be taught a lesson from you, but on the other hand, why bother? they will have their comeuppance. hahabol din sa kanila ang kabastusan nila.
Mejo mayabang ha. Kakalungkot na may mapangmata pa din sa kapwa pinoy sa ibang bansa. Sana magbago sya. Nde nagsorry lang dahil akala nya trabahador ka, kundi narealize nyang mali ang ginawa nya. Pano kung siya di mo pansinin ngayon dba? haha Joke! Bad yun..
as usual l8 n nman ako.nautusan kc akong bumili ng suka ng nanay ko.yan naman ang madalas na ipinagkakamalan sa akin dahil mukha raw akong bata sa edad kong 28 (chura mo lang pag umapila ka).
kahit naman din d2 sa saudi ever, may mga kabayan akong nakakasalamuha na mas mataas ang tingin sa sarili kesa sa iba. nakakapag-init ng ulo! pero isa lang lagi ang sinasabi ko kpag may nami-meet akong ganyan: marami ka lang gustong patunayan.
cguro dahil ugaling noypi tlaga un.kahit naman sa pinas, mas madalas kesa hindi, we size up people according to the clothes their wear.
pero pag ikaw ang nakita ko, lalabasan kita ng gunting at gugupitan kita. hahaha.
sige po, puntahan ko..hehe..interesting tsika!
hamo na. iba iba kasi ang ugali ng tao.
nextime huwag mo na lang siyang batiin pero huwag naman na lalabas kang antipatiko/isnabero.
ingat!
arvin,
korekek pards!
salamat!
eye in the sky,
uu nga nakakadala minsan,pero likas na talga sakin ang palabati.natutuwa kasi ako pag may nakikitang pinoy sa tarbaho,pinagmamalaki ko sila.
chyng,
ewan ko ba, natakot ata sa buhok ko mukha daw kasi akong super gwapo.ha ha ha.
nebz,
kaya nga di ako makapunta dyan sa saudi dahil sa haba ng buhok ko,marami kami project dyan.
baka kasi samahan o pa yung mutawa para gupitan ako.ha ha ha.
teka pards, penge nalang balato sa 100 million ha..di nako kukuha ng spy para alamin kung saan mo tinago yun.he he he.
the lady in green ruffles,
salamat ulit..sige daan din ako kanina sa thoughtskoto maganda ang topic tungkol sa heneresyon ng bagong pinoy!
as usual ugali parin ng ibang pinoy ang pinaguusapan,kaya lang medyo below na ang comment nung bryle7816 tungkol sa OFW.
dencios,
salamat pards,
ganun na rin ang gagawin ko.
smile nalang at kaway na parang miss u..he he he.:)
grabe naman iyang karanasan mo ever. kaya minsan talaga nagiging racist na rin ako sa kapwa ko pilipino kasi yung iba kapag nakatapak na ng ibang basa akala mo mas mayaman pa kay henry sy. but not all actually.
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
nobe,
ok lang yun nobe..
ha ha ha, ganda ng photo mo, yun yung sa kungfu hustle diba. he he he. natawa ako dun ah.:)
dont mind her...as long as humble ka kesa sa kanya.
mas masarap sa pakiramdam kung ikaw yung mapagkumbaba...
kung wala sila walang challenge ang mundo...wala tayong uukrayin!!!
(2 po ha)
Kaya lang di ako makagcomment...
try mo rin visit to..tas comment ka na rin..sa friend ko to..spam mo xa para mafeel nya ung support ko..hehe
http://multipurposelyin2sumthin.paidtoblog.com
may na-encounter akong ganyan sa macau na pinay na may ari ng souveneer shop. ang yabaaaaaaaaaang. kala mo kung sino nakatuntong lang sa ibang bansa.
wow. bakit ginagawa nila iyon? diba dapat, pag kababayans, mas maganda ang treatment? :)
padaan po ulit!
padaan lang
anonymous,
salamat po...
12345678910......1 zillion
(dalawa!)
the lady green ruffles,
ha ha ha, nakita ko na yung site ng friend mo, grabe ang dami kong nabasang comment mo.
lawstude,
naisip ko nga rin, medyo mataas ang ere, pero ok lang malaki naman ang epekto nung nalaman nya. he he he. salamat pards!
acey,
elow acey,uu nga ganun din ang alam ko, sa ibang kababayans natin.
p.s.
okey ang kababayans with S sa dulo.he he he.:)
yo..hi ever..thanks sa pagdaan sa blog ko ha..pa link para friends na tau..hehehe...
http://multipurposelyin2sumthin.paidtoblog.com
Hi Ever,
Ang dami mo nang comments ha. Congrats!
Ever, ang astig ng kwento mo enjoy ako. Pati na rin sa kabaitan mo at humility. Bat kaya hirap na hirap magpaka disente mga tao ngayong panahong ito ano? Parang kabawasan sa kanilang maging ganap na tao? Ewan nga ba.
Ang galing ng ringtone mo. Ahehehe.
Sa maliit na mundong ginagalawan ko bihira lang un feeling ko nabalahura ako. Swerte pa rin. Marami pa ring magagalang at humble.
Halimbawa, napadaan ako sa tiyangge. May tatawag sa akin, "Tatay, ano po ang inyo?" Okay lang un mgalang un dalaga. Pero meron din namang nagsasabi, "Itang, ano po hanap nyo. Pili na, itang."
Sa loob loob ko, ang hinayupak na ire mas matanda pang tingnan sa akin tinatatay ako? Itaob ko kaya bilao ng paninda neto?
Toinkz. Wrong examples nga pala un. Pasensya na, gusto ko lng magkwento e. Nandito na rin lang. Ahehehe.
hay naku! nakakaasar talaga ganyang mga tao. Swerte siya at mabait ka pa din sa kanya. Yan ang ayaw ko minsan sa kapwa Pinoy natin... Nagka-pera lang - nag-iiba ugali. :(
Sana naman 'wag sirain ng mga ganyang klaseng kababayan natin ang ating pangalan :D Sana nga natuto na siya.
Ayun, na toink tuloy sya.
bossing kailan b mtpos ung story m...laptan q sna kau nung kumain kau smin, kaso hiya m.. bka ispin nyo xcite nman masyado.dahil s ganda ng story d2 parang d na aq mkaanty. gusto kng maging bahagi ng, ng proud 2b pinoy, pinging kopya h!thanz!
Post a Comment