6/21/2009

sULaT kaY DaDi gWaPO


Hirap pala pag malayo ang dadi sayo,madalas mong maalala kung anong pinakamasaya na kasama mo ang dadi mo.paulit –ulit lang yun. Naalala ko nung dina makatulog si dadi isang araw bago ang pag alis nya papuntang Kuwait,kung ako ang tatanungin,ayaw kong umalis si dadi.nag wish nga ako na sana malaki nako,para nakita ako ni dadi na tumuntong sa entablado tuwing recognition sa eskwelahan, at makita nya ako na nakikipagtalumpati sa stage,ganun din ang kasiyahan ko kung andun sya tuwing lumalaban ako sa singing at beauty contest , at syempre masaya rin ako kung andun si dadi sa unang laban ko sa sm ng taekwondo.siguro di ako 2nd kung andun si dadi kasi magaling syang magturo at black belter din nung panahon ng nagaaral pa sya. At ang pinakaimportante sana nakasama ko ang dadi ko tuwing birthday ko.

Salamat na nga lang dahil may internet at celphone kaya nakakausap ko ang dadi ko. Pero naisip ko iba talaga pag kasama mo ang dadi,nasanay kasi ako na lagi niyang kinakarga at lagi rin akong isinasakay sa kanyang likod habang namamasyal kami. Kasama nya rin ako tuwing maglalakwatsa kami.tuwing manunuod ng sine,tuwing kakain sa Jollibee, at tuwing manunuod ng tv (tom and jerry )na palabas.
At ngayon hapi faders day!...gumagawa ulit ako ng card para ipadala sayo…yung picture natin ang ididikit ko …at syempre ikaw ang dadi gwapo ko.






eto dadi yung picture na madalas kitang makasama...4yrs old hangang 6ysr old pako nyan.ikaw yung mas kinakabahan kesa sakin tuwing sumasali ako sa mga school contest. at syempre ikaw ang taga kuha ko ng picture! pero alam ko malapit na ulit kitang maging stage dadi pag uwi mo..wiiiiipiiiiii!

HAPPY FATHERS DAY DADI negro!este! DADI GWAPO PALA! LABYU! LABYU!

25 comments:

BlogusVox said...

Pards, Happy Father's Day!

issshhh said...

Happy Father's Day, Ever!

RJ said...

[Heto ang Daddy na proud na proud!]

Happy Father's Day po!

poging (ilo)CANO said...

hang sweet naman ni chikiting...happy fathers day!

TheCoolCanadian said...

Belated Happy Father's Day,
Daddy Guwapo a.k.a. Daddy Pogi.
At least mukhang lessened ang homesickness mo dahil meron kang mare-reminisce tungkol sa iyong mga mahal sa buhay.

Hang in there, my friend, and don't try sunbathing in the desert, but you can have several servings of dessert to sweeten your life :)

Take care.

caryn said...

aw ever ;-) so sweet! happy father's day!

Lawstude said...

Happy Daddy's Day parekoy. You truly is one proud Daddy.

gie said...

happy father's day ha.. =)

witsandnuts said...

Belated happy father's day! You have a smart and beautiful daughter. =)

KRIS JASPER said...

Belated Hapi Dad's Day to U Dadi Gwapo!

salamat po sa dalaw.

:)

Josh of Arabia said...

may pinagmahan si baby, hehe..

hapi dad's day tatay ever :D

may your cool tribe increase!

r-yo said...

halatang ika nga kumuha ng pics. malabo e. excited kasi si dadi! heheh

Mr. Thoughtskoto said...

you make us all proud of you. Witty, fun, yet with sense, and a proud father who will do anything good for his family and kids. Happy dads day and thank you for this post!

Chyng said...

sweet ni prinsesa! (teka, may kapatid ba si prinsesa?)

Lord CM said...

Saan ka pa?!!!Ikaw na magkaanak ng ganyan...Swerte mo pre, alagaan nyo syang mabuti :)

Happy fathers day sayo

Gio Paredes said...

Nice blog to ser.
Link ko ito sa blog ko. :D

The Pope said...

Belated Happy Father's Day... ganda naman ng bebi mo, that really makes you a very proud Dad.

acey said...

haha. cute!!!

a late happy father's day! :D

rolly said...

Happy Father's day, sir pogi. This piece is very touching.

Everlito (ever) Villacruz said...

salamat sa pagbati!

happy tatay's day sa inyong lahat!

Lucrecio Emerito said...

Belated Father's Day, Ever. Galing naman ng mga pics ng princesa mo. Multi-talented.

Dee said...

Happy, happy, happy father's day sa iyo, Ever! (Sori na late ako, nabisi lang talaga.)

Na touch naman ako dito sa post mo na ito. Nalungkot din ako. Pero sige lang, malapit ka na rin naman siguro umuwi. Smile ka lang and keep on praying. Based dito sa post na ito, you are really a great dad! Keep it up.

Happy Father's Day uli! :)

sheng said...

you have a lovely daughter

Anonymous said...

Hello! I'm newbie in Internet, can you give me some useful links? I know only about Yahoo [url=http://yahoo.com]Yahoo[/url] http://yahoo.com Yahoo

Anonymous said...

Nice fill someone in on and this post helped me alot in my college assignement. Gratefulness you as your information.