6/29/2009

NaG-iiNiT Ka nABa?

dear pamatay,
magandang lalaki po ako!,ay! magandang araw pala.anu po ba ang pwedeng gawin kung madalas maginit ang katawan ko. di na tuloy ako masyadong makapagbarbel.
sobra ang init ngayon dito sa kuwait,mahangin nga pero mataas ang humid.kahit sumilong ka sa ilalalim ng puno,wa-epek parin.tamaan kapa ng sandstorm na bigla nalang dumarating..

tagasubaybay,
bradpit

p.s.
ito po ang picture ko sa ibaba.
medyo katawan pangromansa lang
ako ngayon,...nagtae kasi ako kahapon.


---------------------------------------------------------------------

dear bradpit,
(wtf) langya! nag-iinit kapa ng lagay na nyan!
di karin masyadong takot sa sandstorm noh?
ako nag-nagiinit na ulo ko...

nagpapasalamat,
pamatay homesex! este! homesick pala.

6/24/2009

wAla ng PrAkTiS


nung sinabi sakin ng prinsesa ko na nahihilig sya ngayon sa taekwondo. aba! at ngayon ko nalang ulit naisip na ang tagal ko na palang walang praktis.mula ng nag-abroad ako kulang na kulang nako sa ensayo,wala pang makaaway dito dahil puro tsinelas at sandalyas ang gamit na pamalo,ang siste pa kalaboso kulong at bayad ang abot mo pag nakadugo ka sa kaaway mo,kaya kahit gustong gusto mo na patulan di mo magawa,wala tayo sa lugar natin eh. di tulad sa pinas na mapadaan ka lang at makursunadahan, kailangan mo nang maghanda at siguradong mapapaaway ka,kasama narin dun yung praktis ko.(yabang noh.yaan nyona wala naman makakarinig).college day ko, naging barsiti ako ng school dahil ayoko mag ROTC kaya sumali ako sa LEKCI(Law Enforcer Karate Club Intl.)sumali narin ako sa ibat ibang tournament at minsan narin akong nakatulog dahil sa pag underestemate ko sa kalaban.eniwey! nakagamit ko rin ito bilang self defense nang maholdup ako sa recto..at ngayon nagpipilit na naman akong ibalik yung praktis,baka kasi pag uwi ko ng pinas, mas turuan pako ng prinsesa ko.



wala nako sa porma ng mapansin ko ang video.


wala narin yung bilis ko sa nunchako at ngayon
lang ako nalaglagan sa paggamit ko nito.

6/21/2009

sULaT kaY DaDi gWaPO


Hirap pala pag malayo ang dadi sayo,madalas mong maalala kung anong pinakamasaya na kasama mo ang dadi mo.paulit –ulit lang yun. Naalala ko nung dina makatulog si dadi isang araw bago ang pag alis nya papuntang Kuwait,kung ako ang tatanungin,ayaw kong umalis si dadi.nag wish nga ako na sana malaki nako,para nakita ako ni dadi na tumuntong sa entablado tuwing recognition sa eskwelahan, at makita nya ako na nakikipagtalumpati sa stage,ganun din ang kasiyahan ko kung andun sya tuwing lumalaban ako sa singing at beauty contest , at syempre masaya rin ako kung andun si dadi sa unang laban ko sa sm ng taekwondo.siguro di ako 2nd kung andun si dadi kasi magaling syang magturo at black belter din nung panahon ng nagaaral pa sya. At ang pinakaimportante sana nakasama ko ang dadi ko tuwing birthday ko.

Salamat na nga lang dahil may internet at celphone kaya nakakausap ko ang dadi ko. Pero naisip ko iba talaga pag kasama mo ang dadi,nasanay kasi ako na lagi niyang kinakarga at lagi rin akong isinasakay sa kanyang likod habang namamasyal kami. Kasama nya rin ako tuwing maglalakwatsa kami.tuwing manunuod ng sine,tuwing kakain sa Jollibee, at tuwing manunuod ng tv (tom and jerry )na palabas.
At ngayon hapi faders day!...gumagawa ulit ako ng card para ipadala sayo…yung picture natin ang ididikit ko …at syempre ikaw ang dadi gwapo ko.






eto dadi yung picture na madalas kitang makasama...4yrs old hangang 6ysr old pako nyan.ikaw yung mas kinakabahan kesa sakin tuwing sumasali ako sa mga school contest. at syempre ikaw ang taga kuha ko ng picture! pero alam ko malapit na ulit kitang maging stage dadi pag uwi mo..wiiiiipiiiiii!

HAPPY FATHERS DAY DADI negro!este! DADI GWAPO PALA! LABYU! LABYU!

6/20/2009

NetVision


naghahanap ako ng magagandang palabas sa tv pero wala akong mapanuod na type kong palabas,nagsawa na kasi ako sa mga bagong pelikula.gusto ko yung mga luma.mas natatawa kasi ako sa mga komedya nuong araw kesa ngayon. kaya naisipan kong magbukas at maghanap sa web. napadaan ako at napatingin dito sa webTV,Netvision, aba at nakita ko yung mga paborito kong pelikula, ang kagandahan pa nito,puro filipino movies ang mapapanuod mo,at saka yung PBA basketball mapapanuod mo rin...at teka yung viva hotbabes gone wild eh nakita ko rin, lumuwa nga yung mga mata ko.sangkapa,e di todits na....:)

6/10/2009

pAmbiHiRa PBA099096p0p




PBA099096p0p
Tik,tik,tak,tak, kasabay ng tunog ng keyboard,sabay din nag-iisip ang diwa ko .bakit nga ba tinawag na bayani ang OFW(teka parang replay ah!)… di ako makasagot. Kulang ang espasyo na ito kung iisa-isahin ko lahat kung bakit!



Tama, bakit may BAKIT?. Bakit nga ba ako nandito nagtatrabaho sa Kuwait, ang hirap palang sagutin kung alam mo na ang sagot diba. Uu, opo at tama,ang dahilan wala akong mahanap na trabaho sa pinas. Sino ba ang ayaw na sa tuwing uuwi ka ng bahay may sasalubong sayo at ipaghahanda ka ng pagkain. Kahit na ang ulam mo ay ulam mo rin at baon kaninang tanghalian para makatipid kayo sa hapag kainan. Di ko ipagpapalit yun kahit sa anumang bagay. Ang problema lang kung wala na kayong maiinit na ulam sa hapunan diba. Yun ang ayaw mong mangyari at dina nating kayang antayin pa pag dumating ang araw nayun.



Tuwing bibili ako naghahanap ako ng mababang presyo, sa trabaho naman maghahanap ako ng sapat na sweldo..kung nagtapos ka ng pag-aaral kailangan naman din na gamitin mo ito para sa kinabukasan..arkitekto ang natapos ko pero draftsman ang trabaho ko sa pinas pero masaya ako at ipinagmamalaki ko yun,ibang lahi(chinese) rin ang amo ko sa Makati sa loob ng dalawang taon hanggang sa magsara ito. Pumasok ako sa food chain resto kahit di tugma sa pinag-aralan ko ok lang yun basta may sweldo,pumasok ako sa talyer taga maselya ng sasakyan, ok lang basta may sweldo, at pumasok din akong laborer,mason at karpentero,ok lang basta may sweldo. At sa maniwala kayo at sa hindi sa payat kong ito nagtrabaho ako bilang kargador sa palengke ng isda.naranasan ko lahat ng ito…at ang huling option ko gamitin ko naman ang pinag-aralan ko . kaya nag- apply ako ng trabaho bilang interior designer dito sa Kuwait.

Ah! Ngayon alam ko na kung bakit ako nandito sa ibang bansa.



Bakit sa PERA? Ito ba ang dahilan!. Gusto mong maayos ang buhay mo kailangan may puhunan ka..kailangan mong magtrabaho. Kung sa tingin nating kaya natin gawin ito sa pinas 100% sa pinas ako magtatrabaho. Para naman makabili ako ng tsokolate na kahit na saan gawa o kahit chok nut na hanggang ngayon paborito ng anak ko.



Konti sarap at mahirap,na sa ganitong pagkakataon kailangan mong magsikap at magtrabaho sa ibang bansa..gagawin nating lahat para sa pamilya at gagawin din natin lahat ng kakayanan para di mapahiya ang ating bansa.



Bakit iiwan. Hindi kayang iwanan ang sariling kinalakihan,walang naghahangad na mapalayo sa pamilya.(palagay ko ito ang sagot sa unahan).Naniniwala ako na may pag-asa ang pinas, aba maraming likas na yaman di tayo maghihirap. Magandang pakinggan masarap namnamin..pero sa totoo kailangan natin magdesisiyon kung saan pwede.pinagmamalaki ko ang pinas, di porket nagtatrabaho ang isang pinoy sa ibang bansa tinakwil na nila ito,di pang habang buhay ang trabaho sa ibang bansa. Gaya din ng trabaho sa pinas o ng kahit saan.



sa bandang huli...para sakin tinuturing kong PAMBIHIRANG BAYANI ANG PINOY!