1/04/2009

tRabAhoNg KuYA GeRms 2009


Medyo trabahong kuya germs (walang tulugan tayo ngayon).malaki ang naka-atang na trabaho sakin, mahirap pero yakang yaka naman . Sangkaterba at sangkatutak na detalye ang kailangan pagbasehan.
Pagdating naman sa ganitong trabaho,pinoy ang kailangan ,ika nga nila sankapa kundi sa pinoy!,number wahid(one) ,ang tawag nila satin mga pinoy pagdating sa trabaho,madalas kahit bulol tayo sa salita nila at arablish(arabic English),mas gusto nila tayong kausap dahil narin sa magandang pagpapaliwanag at di puro alatol girgir(puro salita).
Kung pagbabasihan at mapapansin ang sitwasyon ,di katulad ng trabaho sa pinas,ang mga simpleng bagay ay madaling nasusulusyunan, mabilis ang instinct na makapagdesisyon ng tama. Dito nauubos ang oras nila sa simpleng bagay, dito narin tayo pumapasok, di ko na kailangan ang magsalita, kukunin ko lang ang papel at lapis,illustrate by sketch with all the perspective that I read and understand, presto! Gets na nila ang gusto nilang mangyari. Siguro isa rin advantage satin ang mabilis nating pag iisip at aral tayo sa basic drawing at hinuhubog tayo bago tayo makapagtapos ng pag-aaral . Depende sa kurso natin.
Kaya nga mas ipinagmamalaki ko ang mga katulad kong pinoy na nagtatrabaho di lang dito sa Kuwait kundi sa ibat-ibang lugar ng bansa, sa sampu,walo ang nagsasabing mas gusto nila ang pinoy katrabaho kesa sa ibang lahi,workers man o propesyunal.


----------------------------------------------------------------------

ito ang ilang detalye ng mga pinag-gagawa ko:


ang location kung saan itinayo ang building


layout detail/plan


elevation of whole building

perspective view


32 comments:

Anonymous said...

Korekek ka dyan. Dahil ang pinoy ay may angking katangian na minamabuti ang nakatokang trabaho. At kung hindi alam ay pinag-aaralan bago isuong ang sarili. Isa pa, kapwa pinoy din ang magiging kritiko mo pag pawardi-wardi ang gawa mo. Mas masahol ito kaysa ang amo mo ang kritiko dahil wala kang mukhang ipakita sayong mga kabayan.

RJ said...

Very inspiring po ang post na ito! Talagang kapag trabaho ang usapan dito sa Au ginagawa talaga ng mga Filipino by heart and mind. Ang mga locals kasi basta mag-tarabaho lang, kapag tapos na ang working hours wala na silang pakialam, pero kami rito concerned pa rin. Dito nagtataka ang mga locals sa ugaling ito ng mga Pilipino.

***Ang galing nyo talaga sa mga plans na yan sa trabaho nyo. Ang ganda ng gusali! o",)

Ishna Probinsyana said...

Happy new year! At good luck sa sangkaterba at sangkatutak na detalye na pagtutuunan mo ng pansin. :]

yAnaH said...

maabilidad din kase ang mga pinoy..kahit ganung kahirap ang mga gawain, makakadiskarte yan para mapadali ang trabahoa t matapos agad..

Nebz said...

Huli man daw, huli pa rin: Merry Christmas and Happy New Year sa yo, Ever! Xnxia na at ngayon lang ulit ako nakapaglakbay sa blog mo.

I agree sa mga points mo! Magaling tayo! Mapagmahal sa trabaho, maalalahanin kaya gagawin natin lahat matapos lang ang trabaho. Masipag tayo. Marunong.

Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa rin tayo mayamang bansa...kakalungkot.

Congrats dun sa OFW Best Blog Award.

Anonymous said...

Way to go Ever! Happy New Year!

madjik said...

ansarap siguro ng feeling na makita mong nabubuo ang bunga ng iyong pagod at imahinasyon...

salamat sa tyaga at sipag ng pinoy! hehehe.. tyaga sa pag e explain sa kanila at sipag to bring rsult on time...

hay naalala ko tuloy isa friend ko who thought this maybe the motto of most locals here na nami meet nya..

"mafi shugol...mafi taban!!!!".

pamatayhomesick said...

blogusvox,
naku pards,agree ako,tamang tama ka,masarap ang pakiramdam na pag nakauwi ka na satin,at di mo aakalain na pag nakasalubong mo ang kapwa natin ang sasabihin sayo,yan ang isang pinoy na maipagmamalaki.syempre sa ganitong paraan mas ok sakin ang kapwa natin ang magsasabi nun,di naman natin ito ipagyayabang,kundi ipagmamalaki lalo na sa pamilya natin...salamat!..naiyak naman ako dun.ha ha ha.

dito sa kuwait o sa ibang bansa o lugar...masakit pag ang kapwa ang magsasabing pawardi wardi ka.kaya hanggat maari iniwasan ko ang makakasira satin mga pinoy,trabaho man ito o pag uugali.

pamatayhomesick said...

rj,
ganun talaga pag ibang lahi,kaya di nila tayo mabasa sa anumang ginagawa natin,meron tayong mga nakatagong talento, na kaya nating magamit sa mga pagkakataon.

salamat!

pamatayhomesick said...

ishna,
salamat...uu nga eh,medyo trabahong walang tulugan!..happy new year 2!

pamatayhomesick said...

yanah,
thanks for visiting my site,(teka medyo pashusyalen ang dating ko ata)..tama ka,ganun din naman eh,gagawin mo rin lang naman ang trabaho bakit di pa nating pag butihin.:)

pamatayhomesick said...

nebz,
pards,ang galing naman...kasama ka sa mga pinoy na may ganyang anking talentadong pinoy! ha ha ha.:)

salamas!este! salamat pala.he he he.

pamatayhomesick said...

sheng,
ay! sheng musta naman dyan..he he he.
happy new year too!

pamatayhomesick said...

madjik,
tama ka pards,dati ilusyun ko lang ang lahat nung nag-aaral ako,pero ngayon execution na...may angking madjik talaga ang mga pinoy dito.

iba ang pinoy dito,

"kulo fi muk,alatul shugol!"

Chyng said...

Im always very impressed. Iba tlga pag gawa ng Pinoy, may quality, at love sa work.

Cheers!

pamatayhomesick said...

chyng,
salamat!...may ganyang attitude talaga ang pinoy dito..quality of work.:)

Anonymous said...

arkitek ba ikaw kuya?

Anonymous said...

WOW! yr tagalog! haha. ang deep masaydo. di ko ma-understand half of it! iv never seen talk like that, is it like ancient tagalog or sumtin? teach me! haha. im bano! LOL! oh ang gudluck wit yr project, im not sure if thats wat yr realy talkn bout, bu i hope it is. teehe!

Nanaybelen said...

Wow! Hanga naman ako sa inyo. sa inyo nakatoka yan? iba talaga ang pinoy!
Good Luck. galing.

escape said...

galing naman ever! proud na proud nag talaga ako sa mga pinoy ofws. galing talaga!

astig pala ng project mo. keep it up. mga bayani kayo ng pinas.

pamatayhomesick said...

joshmarie,
yap!..arkichicsture!he he he.:)

pamatayhomesick said...

nicole,
hi! nicole,thanks 4 dropping by...(yan ha spokening dollar nako.)

pamatayhomesick said...

nanaybelen,
naku maraming salamat po...:)

di naman po lahat nakatoka sakin...kasama lang po ako sa mga nagdedesign/detail.

pamatayhomesick said...

the dong,
musta na pards...salamat..alam ko ganito rin ang mga ginagawa mo.:)

poging (ilo)CANO said...

iba tlga ang galing ng pinoy..san man sulok ng mundo, tyo parn ang bida..mga kapwa ofw,,tayo ang bida..yahoooooo.

Anonymous said...

Post ka naman ng mga ibang pics ng recent Kuwait. I lived in Kuwait for 5 years (1982-1987). I just wanted to see new picture of Kuwait i.e. Ras Salmiya (where I used to live) but worked in the city - closed to Meridien Hotel and Sheraton Hotel.

atto aryo said...

galing naman ng trabaho mo. tinatayo mo ang bandera ng pinas!

Kosa said...

wow... astig!!

bigatin!!

Anonymous said...

wow! a nice start for a productive 2009! ganda ng entry na to, kakinspire mgtrabaho! wheee.. nice one! keep inspiring! :]

Abou said...

hindi yata kaya ni kuya germs ang trabaho mo hehe

x said...

good luck, kuya ever! kaya mo yan. :D

wahyuda said...

great your ficture and tremendous, please send me it.