pano ko kaya sisimulan ng magandang entrada ng pagbabalik ng walang kakwenta-kwentang pinag-gagawa ko rito pero pogi naman sabi ng lolo ko,(walang paki-alamanan ha).
ilang linggo rin ang nakalipas at nakaraan ng nagsimula akong magsimula dito(teka parang ang gulo ah)..di bale di naman nila binabasa.(aray!).
ganito ang nangyari sakin ng super mega over dooper gwapo ako,este! puro trabaho at nasa site ako ng universe...sa sobrang pag mamadali ko na makapasyal man lang sa mga blog.di ko na nababasa ang mga post nila (wag kayong mag-alala at hindi kasama ang mga nasa blog list ko.he he he..teka muna, sa presinto nako magpapaliwanag)...ang ginagawa ko i try to make a snap look at the comments of others and make basa basa sa mga comments nila at medyo making gaya-gaya ako ng konti at medyo making ulit ng pakwela effect of my comments..presto! may comment nako sa kanila. ni hindi ko man lang nabasa o nakita ng around 1min. isang malaking kalapastanganan itong ginawa ko...
simple lang naman,...alam naman natin na di naman masyadong importante ang comments..(charing!)...pero nakaka taba ito ng puso.may comments ka or wala,o di mo naman binasa ang mga post...malaking S A L A M A T parin ito para sakin..kasi, ang isang segundo mo at nakapasyal ka sa blog nato,ibig sabihin ibinigay mo ang oras mo para makilala ako..i will say 10Q!
ay! salamat pala kay GIGI (yakap araw araw!), sa pag bibigay pansin sa pamatay homesick na pinaka gwapo raw na OFW bloggers (walang pakialamanan ulit!)..joke lang po...aksuli!..nakakataba ng puso ang ganitong pagbibigay pansin sa mga katulad natin nagblo-blog...nakakapatay ito ng homesickness.
kung anu ang masip ko ngayon ayun ang niga type-type ko,hirap kasi ako ngayon sa angle na ginagawa ko,hirap talaga pag bopols sa computations(di ako yun!)..ito kasing isang gingeneer na kasama ko(ibang lahi).ewan ko lahi ata ng sablay! puro angle ang ginawa sa building, ayun di pumapasok sa actual dimension...ok sana kaya lang unscale ang pinaggagawa ni kulafo, ito ako ngayon at balik sa computation...napapakanta tuloy ako:
chorus:
konti nalang konti nalang babanat na ako
pasabugin ang mga ulo na mahilig manggulo
konti nalang konti nalang akoy babanat na
pasabugin ang mga ulo na mahilig
mahilig manggulo hoh..oooh!
(ang kantang ito ay handog sa inyo ni kosa. aba ewan ko tanungin nyo si kosa.)
angle-angulo- kaya pala angulo at tawag,ewan ko ba ang gulo!
1/30/2009
1/15/2009
buhAy pa NaMaN ako!
Di man ako makapasyal sa inyo,lagi ko kayong nasa-isip...kamustasa na lang sa lahat! talagang kahit ano gawin ko,wala sa hulog ang oras ko ngayon sa trabaho...salamat sa lahat ng mga kachokaran ko dito sa blog..sorry kung medyo di ako makareply ngayon,babangon ako at babawi(sabay gagayahin ang itsura ni megastar sa pasan ko ang daigdig).
eto ako ngayon at hilong talelong,balik ako agad pag medyo ok na ang kamada ko sa trabaho!!!
buhay pa naman at humihinga!
world peace!(sabay kaway na parang Miss U).
1/04/2009
tRabAhoNg KuYA GeRms 2009
Medyo trabahong kuya germs (walang tulugan tayo ngayon).malaki ang naka-atang na trabaho sakin, mahirap pero yakang yaka naman . Sangkaterba at sangkatutak na detalye ang kailangan pagbasehan.
Pagdating naman sa ganitong trabaho,pinoy ang kailangan ,ika nga nila sankapa kundi sa pinoy!,number wahid(one) ,ang tawag nila satin mga pinoy pagdating sa trabaho,madalas kahit bulol tayo sa salita nila at arablish(arabic English),mas gusto nila tayong kausap dahil narin sa magandang pagpapaliwanag at di puro alatol girgir(puro salita).
Kung pagbabasihan at mapapansin ang sitwasyon ,di katulad ng trabaho sa pinas,ang mga simpleng bagay ay madaling nasusulusyunan, mabilis ang instinct na makapagdesisyon ng tama. Dito nauubos ang oras nila sa simpleng bagay, dito narin tayo pumapasok, di ko na kailangan ang magsalita, kukunin ko lang ang papel at lapis,illustrate by sketch with all the perspective that I read and understand, presto! Gets na nila ang gusto nilang mangyari. Siguro isa rin advantage satin ang mabilis nating pag iisip at aral tayo sa basic drawing at hinuhubog tayo bago tayo makapagtapos ng pag-aaral . Depende sa kurso natin.
Kaya nga mas ipinagmamalaki ko ang mga katulad kong pinoy na nagtatrabaho di lang dito sa Kuwait kundi sa ibat-ibang lugar ng bansa, sa sampu,walo ang nagsasabing mas gusto nila ang pinoy katrabaho kesa sa ibang lahi,workers man o propesyunal.

----------------------------------------------------------------------
ito ang ilang detalye ng mga pinag-gagawa ko:
ang location kung saan itinayo ang building
layout detail/plan
elevation of whole building
perspective view
Subscribe to:
Posts (Atom)