12/22/2009

whooooosssssh!

maligayang pasko sa inyong lahat!





minsan nalang akong makatanggap ng cards..salamat kay pareng blogusvox.














....binabati ko rin lahat ang mga organizers at mga supporters at mga nominado sa PEBA...nanabik at tulo na ang laway ko sa nalalapit na pagbibigay ng ligaya sa pasko sa mga OFW/EXPAT, sa ganitong pagbibigay karangalan sa mga bayani-juan....ang sigaw ng damdaming pinoy!















12/04/2009

PaMaTiD SAnDnEsS

nag experiment ako sa wordpress, di ko pa alam yung mga pasikot sikot dun..eniwey! balik ako agad dito pag natapos ko na..

pamatid sandness ang pamagat, bale sequence ito ng pamatay homesick..

PAMATID- to Break
SAndNESS- lungkot sa lupang buhangin

To Break Sadness in Sand Place




espasyo / lugar / kultura at kung anik anik sa lupang buhangin dito sa Kuwait!

ABANGAN!

11/15/2009

PEBA 2009 on the MOVE!

Balita....balita....

anu raw daw?

kakaiba talaga ang pasok ng december 2009...bakit po?

dahil sapagkat datapwat papalapit na ang PEBA 2009. ilang tulog nalang!

ito ngat kasalukuyang akong nakikinig sa ilan pang detalye..


Tune in to DZBB 5-6AM (Phil time), Nov. 16, 2009 for newscast of PEBA. Melo Del Prado would air information about PEBA. You can also listen to DZBB live internet radio streaming.





Recent Media Exposure:



DXZL 7AM News, Sunday Nov. 15, 2009

DZXL 4PM, Sunday, Nov. 15, 2009 - guesting Tech Talk

DZMM Radyo Patrol Balita Alas Siyete (7-7:30AM, Nov. 15, Sunday, with Julius Babao and Tin-tin Bersola-Babao) aired PEBA news item



Check out: http://www.rmn.ph/science/blog-contest-para-sa-mga-ofw-naisulong-sa-pamamagitan-ng-internet

Sa tulong ng makabagong teknolohiya…


Naisulong ng mga advocacy group ang prestihiyosong blog contest para sa mga Overseas Filipino Workers sa ibat-ibang parte ng mundo.

Dadalo ang mga business executive at labor officials sa 2nd Annual International Expats/OFW blog o PEBA Awards sa December 26,2009.

Ito’y gaganapin, alas-sais ng gabi sa Ang Bahay ng Alumni Convention Hall sa UP-Diliman, Quezon City na sasabayan ng tatlong araw na photo exhibit.

Ayon kay Felix Jigs Segre, ang Program Director ng PEBA, kasali sa blog contest ang tatlumput-pitong nominees mula sa dalawamput-isang bansa na may mga manggagawang pinoy na babad sa internet.

Layon ng hakbang na mapahalagahan ang saloobin ng mga pinoy worker sa abroad at mapasigla ang pagsisikap nila na mapatunayang ang mga OFW ay tunay na mga bayaning buhay ng bansa.

Para sa mga karagdagang impormasyon sa awards night at photo exhibits, tawagan ang telepono bilang 0915-3934770 o 2191018.


PEBA Upcoming Media Exposure:

DWIZ (guesting) details to follow

DZXL with Leah Navarro (live guesting 12NN Bantay OFW)

UNTV Channel 37 Segment Show in Bantay OFW w/ Marvin & Hannah - details to follow

DZRH with Deo MaCalma - details to follow


11/05/2009

nAgBabAliK-TAdO


pareng pamatay ever,

di na kita tatanungin kung nasa mabuti kang kalagayan dahil alam kong hindi...uu! at dahil narin sa hindi malamang dahilantes, di ka nagpaalam sakin na nasa pinas ka pala, at ngayon ko lang nalaman na pabalik kana pala ng kuwait. anak ng tipaklong wala akong ka-alam alam na umuwi ka pala ng pinas, langya ka, nagulat ako nang makita ko yung txt mo at akala ko ginogoyo mo lang ako, at minura pa kitang hayop ka na akala ko kung sino, ikaw lang pala..pero eniwey! buti naman at naisipan mo akong pasyalan..teka anu nga bat at anu ang nangyari at di ka nagsabi na nagbakasyon ka pala ng pinas?

ang iyong tagahugas, este! ang iyong tagasubaybay,

pareng Chacha lusero

---------------------------------------------------------------------------

dear pareng chacha luser o

langya ka bakit mo naman ako binuko, sinasabi ko na ngabat dahil sa kakakain mo kahapon ng tutong na kanin at lagi ka nalang talo sa tong-its. at kunwari kapang di mo alam na nandito ako, e ikaw yung sumundo sakin sa airpot nung nakaraan lang, hay naku at dahil dyan bibigyan kita ng lonely smile! meganun! atchus!.your such a loser!

pero alam kong nagulat karin sa aking agaran pagbabakasyon, wala lang naisipan ko lang na magrest sa bansang sinilangan dahil sa sobrang trabaho ko, humingi lang ako ng agaran vacation, at ibinigay naman, medyo mahirap din pala kung ganito, maraming bagay ang ikinabigla ko sa aking pagbabakasyon, kala ko magiging maayos ang lahat pero may ka-abang abang na nangyari, at aaminin ko na hindi nakakatuwa ang mga bagay nato palagay ko ako ang dapat maging si chacha lusero..pero wag nalang nating pag usapan pa at magiging KJ ako.maganda yun may aabangan diba.

super over mega dooper naman ang aking kasiyahan dahil nakasama ko ang aking prinsesa. at wala nang makakapantay dun sa aking kasiyahan...wala kaming ginawang dalawa kundi ubusin ang mga araw na kami lang ang magkasama. at dahil dyan, magbibigay ako ng big smile! meganun! i love it!

regalo ko, este! regards,

pamatay ever

p.s.
sa kanya at sa aking prinsesa yziel ko-  i love you marami marami!




10/24/2009

cOLoR tRaNsFoRM...WhiTE ChAnGeS!

gaya ng kanyang propesyon, ganito rin mismo ang nararamdaman ko paminsan minsan, may pagkakataong tinatanong ko rin ang aking sarili kung anu kaya kung iba ang ginagawa at iba ang propesyon ko sa trabaho. GUSTO KO NAMAN MAGING ISANG REGISTERED NURSE! color transform.
----------------------------------------------------------------------

Guest Writer:
sulat ng isang RN working abroad!!!

White changes...

I want to be a psychologist...this is actually my dream. I want to read minds and interpret them in a way that i understand them. But after a long journey of life and studies, napunta ako sa medical side...NURSING!

I wanted to on the first palce, i like the way the lessons flow. And the uniform, wow! PURE WHITE. Looks clean and pure. Respected ang school, top natcher sa buong nursing field. Mahigpit sa rules. Mahirap ang turo. From minor to major subjects like anatomy, pharmacology and psychiatric nursing. Una sa classroom then clinic settings then hospital and patient’s bed side settings. Lecture sa araw, aral at duty sa gabi. Paulit ulit...parang cycle sa photosynthesis. Kakapagod agad. Mabilis makapuno ng laman ng utak. Makakapal na aklat...maraming papel tungkol sa mga sakit at lunas.. paulit paulit...kakasawa.

After all, its not the books that matters anymore, its not the knowledge that u have already, its now your heart..what is inside of it?? Your care...your touch...ako na ata ang pinakamasayang tao pag nakikita kong gumagaling ang pasyente ko. Kapag nakikita ko na may ngiti sila kahit may sakit. Kapag sinasabi nilang parte ako ng kanilang recovery. Mahirap mag alaga ng may sakit, you have to be with them all times and put the same shoes they are wearing. Sometimes at minsan kadalasan wala ng time for our own needs like kumain at umihi. Mahal ko mga pasyente ko..napapalapit ako sa kanila. Madali lang sundin ang orders ng doctor, pero mahirap itama ang lahat ng bagay na makakabuti sa kanila. I experienced to give care to my own father and definitely hindi ito madali. Mas maraming tanong at doubts. Mas mataas ang expectations.

I am still young in my professions. Marami pang naghihintay na pagsubok na may kaalaman.

Umalis ako ng pilipinas at sumubok sa ibang bansa. Iba ang lahat. Ibang lahi, ibang routines, ibang salita. Kakabaliw sa una. Parang di mo malalampasan. Ayoko na maging nurse. Gusto ko ng magiba ng propesyon. Ayoko na magalaga ng ibang tao. Oo, pilipino ang mahusay dito pero malupit sila sa kabila ng kabutihan mo. Parang ayaw ko na magsuot ng puti. Ayoko ng tawaging NURSE dahil di na bagay sakin. Gusto ko na ng ibang mundo.

Naniniwala ako sa tinatawag nilang calling..Nursing are both a profession and vocation. Endless...

Hindi ko pinagsisihan na napasok ako sa propesyon na to. Life is a priority! From airway to breathing to circulation. Hindi ito papel na itatapon lang pag nagkamali. Hindi nauulit ang buhay. Pero narerevive! Nakapagaalaga ka mula sa pinakamahirap hanggang pinakamayaman sa mundo...sikat man o hindi, magkakaiba man ang kulay ng balat at salita. Iisa lang ang dapat na meron ka, magic toucH!!

The power to care and heal. Anyway at the end of the road, credit will be yours. Life was there because of you...

10/14/2009

mEron OrAs BuT nO TiMe...

mabuhey!

nais ko lang po kayong batiin ng magandang lalaki tayo at magandang babae...

balik po ako ngayon sa work mode. eniwey pag may free time po ako, di ko kaliligtaan pasyalan kayo...hope and pray na matapos ko lahat ng mga gagawin at maayos ko itong magawa...salamas! este salamat po.

mas masaya kung daanan nyo po yung nasa blog list ko habang hinihintay ang pagbabalik ng pamatay homesik.

best regards! God Blessed!

p.s.
abangan ang PaMaTiD SanDneSs (photo/video/places in Kuwait ang lupang buhangin)

10/12/2009

PBA 2009 WiNnERs!

PBA 2009 Winners
Here are the list of winners of the 2009 Philippine Blog Awards:

SPECIAL AWARDS
Best Blog Design – The Site Guy
Best Filipino Blog Abroad – The Warped Zone
Best Foreign Blog – My Sari Sari Store
Blogger’s Choice – Micamyx
Best Filipiniana Blog – Pilipino Komiks

TEN BEST POSTS OF THE YEAR

Karnabal by Tuyong Tinta ng Bolpen
Finding Your Soul Mate: A Statistical Analysis by Guttervomit
Lost Gems Of Philippine History: The 1896 Board Meeting by It’s true! It’s true!
The Diving Boys of Quezon Bridge by Dennis Villegas
Twenty Pesos by Lostphotograph
The way of the leaf by SMOKE
Portrait of a dramatic highlight in Nick Joaquin’s A Portrait of the Artist as Filipino by Gibbs Cadiz
Kaya Dumarami ang Bading Kasi… by Manila Gay Guy
The Parable of the Furry White Rabbit by Good Times Manila
The Amazing Bulul: A Story of Epiphany by The Cat Whisperer

BEST BLOGS

Best Technology Blog – Jaypee Online
Best Travel Blog – Langyaw – Sojourns and Off-the-Beaten Path Travels
Best Entertainment Blog – Lessons From the School of Inattention
Best Personal Blog – Writing on Air
Best Food & Beverage Blog – Table for Three, Please
Best Family & Living Blog – Make or Break
Best News & Media Blog – Virtual Journals
Best Business Blog – Negosyo Ideas
Best Sports Blog – Fire Quinito
Best Hobby & Recreation Blog – Bearbrick Love
Best Fashion Blog – Who is Elyoo?
Best Photoblog – I Am a Documentary Photographer
Best Culture and Arts Blog – magnetic-rose.net: Japanese Pop Culture for Filipino Fans
Best Commentary Blog – The Marocharim Experiment
Best Videocast Blog – Entrepbuff.com
Best Podcast Blog – Brink Notes Entertainment Daily
Best Humor Blog – The Professional Heckler
Best Gaming Blog – Blog Mike Got Game!
Best Advocacy Blog – Autism Society of the Philippines
Best Beauty Blog – The Doctor Is vaINlo

9/28/2009

sAgOT KaY OnDoY


Sinong magaakala na sasagupa si inang kalikasan sa gitna ng saya at tahimik na gabi ng pilipinas?
Bilang isang Pilipino, masakit na makita ang kalunoslunos na sinapit ng aking kababayan dulot ng isang bagyo. Tumaas na tubig na nagdulot ng mga pagbaha, rumagasang putik at eksena ng gumuhong lupa ay iilan sa mga malungkot na pangyayari. Madaling sabihin na itoy isang kasaysayan na lamang na maihahalintulad sa mga nakaraang trahedya ngunit ang mga buhay na nawala ay hindi na kaylanman maibabalik ng kasaysayan.

Ayon nga sa kasabihan..makikita ang pagkakaisa ng pinoy sa ganitong pangyayari. Pinoy sa kapwa pinoy. Ang kamay na hahawak at magliligtas sa nangangailangan ay kapwa mo kabayan. Lumabas sa telebisyon ang maraming tulong at donasyon mula sa may mabubuting puso. mabilis pa sa baha na tumaas ang mga cash at in-kind donations.  Hindi man pera, nakatanggal ng gutom ang binigay na pagkain at nakapawi ng ginaw ang mga damit at kumot na ibinahagi.

Isinantabi ang pulitika at showbiz. Nawala sa eksena si Erap at Lacson. Walang network o business competitions. Walang mayaman o mahirap. Walang sikat at walang tanyag sa larangan ng pagtulong. Ngayon mas higit na kailangan ang pagkakaisa at pagkakasundo. Mas unahin ang Pagtutulungan.

Manawagan tayo sa kalikasan at sa may likha nito.

Ayon sa post ng isang kaibigan.." lahat NAGMAMAHALAN na, bigas, langis at gasolina, TAYO na lang ang HINDI"

9/27/2009

MEgA- NuN...:) Finalists PBA 2009!


PBA 2009 FINALISTS ay naisa-himpapawid na...maraming salamat at salamat ng marami!( medyo super over mega dooper lang po ako..dahil ang pamatay homesick ay pasok sa finalist bilang best filipiniana blog!

at eto pa!!!
isang kapanapanabik na mapasama ang ilan sa mga kahanga hangang blog na nasa aking listahan..

mega-nun!!! talaga! he he he.:)
ito ang ilan sa mga ito:


http://dongism.blogspot.com/
best travel blog







http://lawstude.blogspot.com/
best photo blog




http://dennisvillegas.blogspot.com/
best photo blog








http://abouben.blogspot.com/
best humor blog










special awards:


http://isladenebz.blogspot.com/
best filipino abroad blog

http://palipasan.blogspot.com/
best filipino abroad blog





http://pilipinokomiks.blogspot.com/
best filipiniana blog











http://pamatayhomesick.blogspot.com/
best filipiniana blog

9/23/2009

taTaKbO AkO!

bakit masama bang tumakbo...masarap atang tumakbo lalo na ngayon at papalapit na ang eleksyon! este , taglamig dito sa lupang buhangin..kung dati lakad lang pawisan nako at kulang nalang pigain ko ang suot kong damit dahil sa pawis, ngayon nakakatakbo nako at madalas na akong makakapag ja--(toot)..jack en poy ng di masyadong pagpapawisan.

dahil narin sa busy talaga ako ngayon at buhol  buhol na skedyul ko, tatakbo talaga ako...hindi sa eleksyon kundi sa nalalapit na art exhibit sa tulong ng adhika group, so far so good naman na matuloy ang heArt of Ever Villacruz. isang art book ito at small solo art /sculpture exhibition na gaganapin at kung papalarin sa buwan ng january sa taong 2010 kasabay ng aking birtdey!



  introduction


front and back cover

9/14/2009

mEron KAmiNg aNu!

sa isang banda, nakakatuwa rin ang makakita ng ganito. lalo na't nasa ibang bansa ka, hanap hanap ang panlasang pinoy!
ang panlasa ng mga PaPa!
sawali naman ang kisami ng tindahan,
at eto pa ulit, di ba nakakatuwa  na
makita natin gamit ng ibang lahi ang
sariling atin.

9/06/2009

kAla kO!!!

ngayon ngayon lang ng nagbabasa ako ng filipino panorama boses ng pilipino sa kuwait,nabigla ako sa balita at nais kong ibahagi yung naging karanasan nila dito sa kuwait.

madalas akong magbasa nito lalo na sa mga article ni Ben Garcia.

ayun sa balita:
september 6, 2009

"bayawak boys nakauwi na''
ni Ben Garcia

nakauwi na ang mahigit kumulang sa 30 bilang ng  pinoy ofw na nagtatrabaho sa kuwait based local cement factory, ito ay nasa bahaging desyerto kaya malayo ito sa syudad. mula enero ng taong kasalukuyan ng hindi sila nakakatanggap ng sweldo.dahil  dito nanghuhuli sila ng bayawak at ginagawang pamatid gutom para mabuhay.

ayun na rin sa tulong ng malayang pagbabalita ng kuwait times, nakita nila ang kaawa awang lagay ng mga manggagawa na sa loob ng kwarto 8-10 katao ang laman ng isang maliit na silid pahingahan.ganun din ang maduming kusina at matinding amoy ng palikuran.
sa tulong ng POLO-Philippine Overseas Labor Office malugod silang nagpapasalamat at matiwasay silang nakabalik na sa kani kanilang pamilya...
--------------------------------------------------------

"ang kahalagahan ng pagbibigay ng sapat at nararapat na buhay sa pamilya, kaya naisipan natin ang magtrabaho sa ibang bansa...nakakalungkot isipin pag may ganitong pangyayari...maging bukas sana ang pamahalaan na maibigay ang pangangailangan ng bawat isa para sa bandang huli magamit natin ang talento at sipag natin sa trabaho sa sarili natin bansa."

9/01/2009

bAyaN-i - si - JuAN

nagtataka yung kasama kong pinoy sa trabaho kung bakit daw hanggang ngayon di ko pa naipapakita yung picture sa kuwait, yung bang lugar ng lupang buhangin, na naging lupang syudad.
ops.....break muna...sandali...teka lang...may nakaLimutan ako di ba pwede nating ....toiiiiink!..boom boom boom pow! boom boom boom pow..gonna get yah! get yah..
ewan ko ba hindi ko naman sinasabing di maganda ang lugar dito sa lupang buhangin, pero likas na talaga sakin ang mahalin at maipagmalaki ang lugar satin..kaya lagi kong awit at kinakanta ang pilipinas kong mahal..kaya nga ang tawag ko sa mga bayani ay tayo at ang sariling bansa natin..Bayani-juan..madalas ko itong ipagmalaki dito tuwing may kausap na ibang lahi,tuwing nasa trabaho tuwing sasakay ng taxi, at tatawagin ako pilipini(ito ang tawag nila satin ofw dito sa kuwait).sasabihin nilang napakaganda ng pinas (mia mia) means 100%  na maganda, marami daw kasing puno, bundok, ilog, likas na yaman.

teka bakit ba napunta yung usapan dito, dahil sa tuwa at galak ng makakita ako sa bakala(ito naman ang tawag dito sa grocery store na parang seven eleven, whooosh ang haba ng paliwanag ko, pinagpawisan ako dun.he he he)...nakita ko yung tipikal na nabibili sa tindahan ni aleng nena na mga sitserya at kakanin na favorits ko with "S" as in super..ang babaw noh...dapat pala may bayad ako dito para sa promotion ng produkto..ha ha ha.charing!
kakanin...
sitserya

8/25/2009

tAmaNg TaYmPErS...

gulong gulo ang skedyul ko ngayon sa trabaho, minsan lalabas ako at minsan hindi,hanggang 2 pm lang ang mga establisyemento,ang siste eh umaga office ako at gabi sa site,dahil may kailangan tapusin dun.. kala ko ngayong ramadan dito makakapaghinga ako sa trabaho, hindi pala,abay doble o triple pa nga ang nangyari. eniwey!, ganun talaga pag magandang lalaki tayo, este, kung di maganda ang skedyul mo...lumalapad tuloy ang nuo ko. kaya naman pag may pagkakataon, at medyo free tayo wala kaming ginawa kundi ang mag-inuman!( ng kape at tsaa!).


hay nako,buhol buhol!ang gulo gulo,
kasing gulo ng bulbol ko...

melvin,marcial,dave,mangponce,at ako.

pati nga si dave naguguluhan narin, ayun oh!

8/19/2009

mAs!!! iiSa aNg PiNoY...

ang pinoy lalo't nasa ibang lugar gagawa at gagawa ng mapaglilibugan(este mapaglilibangan pala), kaya siguro nauso ang kwento sa barbero na madalas na naguumpukan para pampalipas oras.walang pinoy na hindi masiyahin,lalot ito ang paraan to kill homesickness..sa kakulitan nangunguna rin ang pinoy..halo halo,propesyonal man o hindi.may nagtatalo, may debate at kung anu anu pang pwede na mapaglilibangan.
sino ang magsasabi na hindi nagkakaisa ang pinoy!
dito sa kuwait.

----------------------------------------------
ang piktyur na ito ay hatid sa inyo ni ding...
caparas look alike!

o di ba! mas national artist ang dating..:)

8/10/2009

tE- Ma- aRTs, AtcHeChE!

minsan tuloy ayoko ko na manuod ng balita, kaya lang dahil sa talagang magandang lalaki tayo,este! magandang pampalipas ng oras at syempre likas sating pinoy ang malaman ang nangyayari sa buong sangkatauhan,lalo na't andito tayo sa lupang buhangin at malayo sa pinas kailangan nating malaman ang balita sa pinas.(pinagpawisan ako dun ah, sa haba ng sinulat ko,ibig sabihin lang pala manuod ng balita atcheche!).teka kahit ako natatawa..ang layo na ng nasa isip ko dahil sa atcheche nato..matagal ko na rin narinig toh sa katauhan ng tvj(tito vic joey),tuwing may kalokohan at ang punchline sa huli ay "atcheche."eniwey! back to my magandang lalaki tayo story,este ulit! back to my balita pala...

anu raw daw?..tungkol sa napanuod ko nung isang araw,habang kumakain kami ni Ding ng pinoy food sa SM(teka baka kala nyo SM sa pinas ha,meron din dito sa kuwait SM,tignan nyo sa bandang kanan,ayun oh-yan nakita mo na.he he he.kung mapagmamasdan nyo parang avenida look alike ang lugar na ito, tambayan din ng pinoy.abangan nyo nalang yung iba pang detalye sa susunod na post).dito rin ako nagpapalod pasalod kay mang mani pakyaw,teka ulit ha, hindi ito pambansang kamao natin ah,ibang lahi to,yan lang ang tawag ko sa kanya ebritaym na nagpapalod ako.he he he.ayun oh tignan nyo nasa bandang kaliwa naman.

yung balita pala..muntik ko nang makalimutan, tungkol daw sa national artist.medyo naenganyo lang akong pakinggan ang balita kasi ang daming umaangal tungkol sa pagkahalal bilang national artist in visual arts si carlo caparas...ang daming nagreact,napansin ko lang kasi medyo related tayo dito....anu nga ba at para saan ang national artist.madaming kahulugan at mabigatan paliwanagan...national artist in visual arts carlo caparas! ATCHECHE!!!

excuse me po! ubo ubo ubo! ..
WALA YAN SA LOLO KO:

ofw1: yung lolo ko national artist in literary arts!
ofw2: talaga! sino ba lolo mo?
ofw1: xerex xaviera! (inganga mo mahal series)
ofw2:wala yan sa lola ko naman..national artist in culinary arts! oha!
ofw1: eh sino naman ang lola mo?
ofw2: tita maggi! (may libre kang noodles!)
napadaan ang isang mapormang ofw3..nakisali.
ofw3: yan ba mga lolo't lola nyo..walang sinabi sa lolo ko yan, tinanghal na national artist nung nakaraan lang...
ofw 1&2: ha! sino naman ang lolo mo?
ofw3: AGENT-X44 - National artist in Martial-Arts!
ofw 1&2: nyakkkkk! ATCHECHE!!!!!
ayan kasi! masyado kasing TEMA-ARTS gobyerno.

8/04/2009

Art In Site Invitation e-zine




pamatay homesick fully supported Art In Site Magazine
Their philosophy is simple, globally promote and showcase the Filipino’s brilliant artistic talent, our vast and distinct cultural heritage, to impart knowledge through culture and arts to our youth and to inform, interpret, entertain, invite dialogue and provide food for thought.

Please free to visit Art In Site home page for details and information.
-----------------------------------------------------------------
medyo seryoso ata ang dating ko ngayon!
shusyalen!

7/26/2009

GaLiNG! hUwAW PiLipiNaS!




di sinasadya ng naglalakad kami at naghahanap ng makakainan resto dito, at tyempo na may malapit na kainan, napatingin ako sa isang magazine (clientele kuwait magazine)at natuwa ako dahil yung center fold nito nafeature ang lugar sa pilipinas. maganda ang pagkakabigkas at magaganda ang shot ng picture, sabihin nang mababaw ako pero malakas ang dating nito sakin lalo nat ang lugar sa pinas ang pinag-uusapan. basta natuwa ako.yun lang po. bow!


ako, si dave at ding habang kumakain!

at syempre di ako uuwi kung hindi ko bitbit
ang magazine. si ding yung kumuha samin ng
picture,habang naglalakad pabalik ng opisina.

7/20/2009

TOiNk! Je! je! JE!

madalas kong maranasan dito ang ganito.pag pumapasok ako sa mga office building para kausapin kung sino ang namamahala para sa project, madalas akong natotoink!,ang masama pa sa tuwing nagtatanong ako binabalewala ako, ang masaplap pa nga nito karamihan ng pangyayaring naganap, kabayan natin ang kuntodo snabera.

ok lang sana kung ibang lahi dahil alam ko naman na magandang lalaki ako kesa sa kanila.ang di ko matanggap yung kalahi pa natin ang mataas ang ere.

ganito ang madalas na pangyayari. may kasama ako lagi na engineer para sa meeting itik(indiano ang ibig sabihin).ako ang nauna sa site para i check ang location, at nakita ko dun ang site supervisor na babae, natuwa ako dahil bihira ang designer na babaeng pinoy dito.kaya binati ko ng magandang araw! aba! nagulat ako sa reaksyon,tumalikod at di ako pinansin,kaya naisip ko ay churi po, i thought you are filipini(ito ang tawag nila dito sa mga pinoy).kala ko ibang lahi o taiwanese o nepali(halos magkakamukha kasi dito ang itsura natin sa kanila).eniwey, ng dumating ang kasama kong engineer, abay sumalubong agad at kuntodo bati ng good day!, malayo ako sa kanila, kasi napahiya ako kanina sa pagbati,dahil kala ko napagkamalan ko na hindi sya pinoy.pinay din pala.hindi ako nagkamali.nagkamali ako sa kanyang ugali.

marami silang napag usapan, di ako nakialam.pagtapos nilang mag-usap. eto na ang finale..pinakilala ako ng kasama kong engineer na itik na alalay ko at tagasukat ko sa area.

ma'am this ever, he is the one who will be able to approved everything!

huwwwwwatttt!!!..TOINK! TOINK! TOINK!(teka di ganun yung reaksyon ha,medyo exage ko lang para may dating).je je je je!

kanina tumunog yung cell ko...(bebot bebot bebot bebot,ikaw ay akin, pilipino! pilipino!...kanta awit).ito yung ring tone ng cell ko..

elow!,whos dis(tama ba spell)(english para sosyal ako)

kabayan SIR! magandang umaga! ako yung kahapon, sorry ha kasi kala ko nagwowork ka lang dun kasama ng mga tao sa opisina..ask ko lang kung approved na yung project,tinatanong kasi ako ng boss ko eh.kuntodo pls. at hingi ng sorry sakin si kabayan, di nya daw sadya yung nangyari.

nalungkot lang ako, pero alam ko konti lang ang ganito dito,minsan lang makahawak ng ginhawa pakiramdam mataas na sila.

yan tuloy di makatingin ng deretso sa tuwing kausap ko yung boss nya,siguro kala bebengahin ko.pinaparamdam ko lang sa kanya na dapat marunong syang makisama at makibagay.

natatawa nalang ako pero.. sana naman kung maayos ang buhay mo dito sa ibang lugar,wag naman po tayo titingin sa suot o sa kahit na mababang trabaho,kasi po maipagmamalaki natin ang tyaga at sipag nating mga pinoy.

swerte lang sya dahil kalahi ko, kung hindi, di ko tutulungan para sa maliit na project nayun.

hope na matuto tayong magpakumbaba!

7/17/2009

JuNkO

isa sa mga pamatay homesick ang nakaugalian na ng grupo, Adhika Group, ang mangburaot sa daan, hindi mang-asar,kundi ang maghanap ng mga bagay na mapapakinabangan,sa madaling salita namumulot kami ng mga JUNK..parang everbasurero in short!..natuto kami dito dahil narin sa impluwensya ni dave,isang kilala sa larangang JUNK material experto!

kaya nga dahil na rin sa magkakasama sa isang lugar, ibat iba man ang gusto, nakikita at nakakakuha kami ng idea tungkol dito sa ART JUNK..maliban sa pagpinta,ito ag isa sa mga pamatay homesick na ginagawa namin tuwing araw ng byernes.




master dave sa kanyang wall junk art



ever junk materials(title:kuwait city 2007)
-----------------------------------------------
marcial ( sa kanyang alupihan junk material)

materials:
-junk broken glass
-junk rope
-junk bottle water
-basahan
-softdrinks
-junk barbeque wire
-mixed junk paint


si marcial ay isang commercial painter at batikan din sa trabaho.
bago palang din nagsisimula sa larangan ng junk material.
aral sa gabay ni master dave constantino.

-----------------------------------------------

abangan si melvin(bradpit)
sa JUNKO!
kung natandaan nyo si bradpit
bagay na bagay sa JUNKO!

7/12/2009

bAlik OffiCe nA nAman AkO.

buti naman at ngayon tag-init dito sa lupang buhangin, balik opisina na naman ako.kaya eto at makakasama ko na naman ang mga batikan ART director dito. sina Ser Ding Bautista jr. at Dave Constantino.kaya ilag na naman ang mga ibang lahi kung performance level ang pag-uusapan.he he he(yabang ko noh),pano ba naman yan,eh sabi nga nila ang lakas naming tatlo katumbas ng tatlong libo!.oha oha!


Ser Ding Bautista Jr.

kung madalas kayong kumain sa McDonald's ,
makikita nyo ang mga karakter na gawa ni Ding.
batikan painter!Art director.san kapa!

Dave Constantino

Sa lawak ng kaalaman sa Advertising,
lawak ng kaalaman sa pag pinta
saang man dako ng Design dito
makikita nyo ang mga gawa ni Dave.
Art Director!
dibuho at pasimula ng Adhika Group.


Ako...:)
-----------------------------------------

nga pala sorry po sa mga kablog natin dyan
at di ako masyado nakakapasyal,busy kasi ako
sa katatapos lang nang pelikulang Transformers 2.
madalas kasi akong nasa red carpet ngayon.