
6/16/2008
gulong!
ilang linggo narin ang sandstorm dito sa kuwait,tuwing papasok at uuwi ako ng bahay kailangan kong maglinis ng ilong dahil punong puno ang ilong ko ng mga organism(kulangot!).
kanina napansin ko ang isang lata na pagulong-gulong sa kalye,wala akong magawa kaya naisipan kong kuhanan..pumasok sa isip ko.totoong ang buhay paikot ikot lang, kung saan dalhin ng hangin dun ka susunod,kailangan lang ng mani-obra para di ka mapunta sa putikan.kaya parang gulong!..ibig sabihin gulong gulo..kasing gulo ng bul-bol ko.
6/07/2008
Rain sHy tHeM...

pamatay homesick,
dito ako sa net cafe ng di sinasadyang naiwan bukas ang site na ito,so binasa ko,ang nangyari nakakaaliw palang basahin to,nakakaasar din minsan.pero nakakarelate ako bilang ofw dito sa kuwait.naisipan kong mag email sayo,baka sakaling mapasok mo dito sa blog mo...
matagal nakong nagtrabaho dito sa kuwait,pero tang'na sawang sawa nako sa amo kong ipis,nakakaloko,sa kanila lang nagsimula kung bakit engot ang mga nagwowork dito,pakiramdam nila sila yung pinuno ng lahat,lahat modir,lahat sakim,manloloko at gago,sandali pala sana alam mo yung ibig kong sabihin ha.yung amo kong IPIS!....
----------------------------------------------------------------------------------------------
di ko na tinuloy yung pagpost ng sulat ng ating friendly reader,baka ma-off tayo dito sa net,ang suma tutal lang naman talaga nun e,masyado syang niloko ng amo nyang IPIS...wala rin akong masasabi kundi ...
U'lan Hiya Sila!!!
6/02/2008
Ang Tamang Panahon!
kay ding napaka-simple ng lahat walang komplikado,hanggat maaari walang problema,matagal nang nagtatrabaho si ding dito sa kuwait,at sa kanya marami akong natututunan,kahit sabihing siya ang may mataas na posisyon dito (as art director),nakikibagay parin.grabe ang galing ni ding kung hagod at linya ang pag-uusapan,malinis ang detalye, napakahirap ng ganung style,swerte nga ako at kahit paano nakikita ko yung kilos at galaw at syempre medyo pinag-aaralan ko.kung susumahin malaking bagay si ding sa pagpapalawak ng kumpanya,nasa kanya ang katawan nito...matagal na panahon at pagsasakripisyo,kahanga-hanga ang ganitong pagkakataon at napakaimportante sakin ang maging bahagi at makasama ang isang katulad ni Ser Ding Bautista Jr..http://dingbautista.blogspot.com
ngayon malapit nang matapos ang pagsasakripisyo mo,at malayo na ang narating,gagawin kong isang halimbawa ang magsisilbing gabay ko sa darating din panahon na makakarating din ako sa gaya ng iyong tagumpay at pagiging simple ng lahat....salamat!
Taong Nakalipas

Subscribe to:
Posts (Atom)