Isang kabanata sa libro ni Juan.
Si Juan na hindi tamad at hindi mapili. Mahusay at pinaghuhusayan ang uri ng trabaho. Matiyaga at may kakaibang taglay na uniqueness sa bawat gawa. Palagiang may haplos ng puso at pagmamahal. Yan ang wala sila. At yan ang bagay na di matanggap ng ibang lahi.
Kung ipinagdiriwang ang araw na ito bakit marami paring mga karapatan at batas ang di pa naipapatupad o nasa libro ng hustisya ngunit walang buhay. Marami pang walang trabaho na ayon sa gobyerno ay bibigyan. Maraming walang sapat na sahod at proteksyon. San na ba pupunta si Juan?
Sa sariling lupa na nagugutom o sa ibang parte ng mundo upang malagyan ang sikmura?
Bulatlatin ang sagot kung bakit? (Read more on Philippine Online Chronicles)
Ang pang apat na piyesa ng Pamatayhomesick
10 comments:
saan hahantong ang pakikipagsapalaran ng isang OFW, pag natapos na ito?
balik sa dati!
pahalagaan ang araw ng buhay at gawa... ARAW NG MANGGAGAWA!
Makapag-bagbag damdamin itong post mo, Ever! Angkop na angkop. At totoong totoo! Two thumbs up!
Happy Labor Day! :D
bawat juan sa atin
may taglay na galing
malayo ang kayang marating
lahat ay kayang abutin
pero san nga ba papunta si juan?
Labor day! Labor day! :D
Sana maging okay na yung job opportunities dito. Kung okay sana ang opportunities dito sa Pinas, kahit papano mababawasan ang nag hahangad na mangibang bansa. Mahirap kase yung magkakahiwalay ang isang pamily. I should know. :(
Well anyway, hi Ever. Its been a while! Haha
How I wish na ang Labor day ay hindi hinahaluan ng mga MILITANTE na palagi at walang sawang nagra rally.
Tama ka jan! Marami parin ang hndi napapatupad. Tulad ng mababang sahod pro napakaraming kaltas. Sana man lang ang sunod na maging pangulo ay matugunan lahat ang mga ito. Lalo na sa mga maliliit na manggagawa.
Jules
Soloden.Com
The Brown Mestizo
A, totoo yan. Hindi tayo tamad. Hindi tayo mapili. Marangal tayong magtrabaho. May dangal tayo kahit saan mapadpad.
Mabuhay ka, Ever! Mabuhay ang lahat ng OFW sa mundo.
hangang hanga ako sa mga taong buong buhay nila inaalay sa trabaho para sa kapakanan ng iba.
waaah. magiging ofw na din ako. SOOON. sana. :)
ang ganda nito kuya ever.
dina ako babate ng araw ng manggagawa kase july na. hehe
pero ngayon, alam kong isang malaking pag-asa ang hatid ng bagong pangulo ng bayan natin, sa mga ofw, sa mga manggagawang lokal...sa lahat ng pinoy.
Post a Comment