8/10/2009

tE- Ma- aRTs, AtcHeChE!

minsan tuloy ayoko ko na manuod ng balita, kaya lang dahil sa talagang magandang lalaki tayo,este! magandang pampalipas ng oras at syempre likas sating pinoy ang malaman ang nangyayari sa buong sangkatauhan,lalo na't andito tayo sa lupang buhangin at malayo sa pinas kailangan nating malaman ang balita sa pinas.(pinagpawisan ako dun ah, sa haba ng sinulat ko,ibig sabihin lang pala manuod ng balita atcheche!).teka kahit ako natatawa..ang layo na ng nasa isip ko dahil sa atcheche nato..matagal ko na rin narinig toh sa katauhan ng tvj(tito vic joey),tuwing may kalokohan at ang punchline sa huli ay "atcheche."eniwey! back to my magandang lalaki tayo story,este ulit! back to my balita pala...

anu raw daw?..tungkol sa napanuod ko nung isang araw,habang kumakain kami ni Ding ng pinoy food sa SM(teka baka kala nyo SM sa pinas ha,meron din dito sa kuwait SM,tignan nyo sa bandang kanan,ayun oh-yan nakita mo na.he he he.kung mapagmamasdan nyo parang avenida look alike ang lugar na ito, tambayan din ng pinoy.abangan nyo nalang yung iba pang detalye sa susunod na post).dito rin ako nagpapalod pasalod kay mang mani pakyaw,teka ulit ha, hindi ito pambansang kamao natin ah,ibang lahi to,yan lang ang tawag ko sa kanya ebritaym na nagpapalod ako.he he he.ayun oh tignan nyo nasa bandang kaliwa naman.

yung balita pala..muntik ko nang makalimutan, tungkol daw sa national artist.medyo naenganyo lang akong pakinggan ang balita kasi ang daming umaangal tungkol sa pagkahalal bilang national artist in visual arts si carlo caparas...ang daming nagreact,napansin ko lang kasi medyo related tayo dito....anu nga ba at para saan ang national artist.madaming kahulugan at mabigatan paliwanagan...national artist in visual arts carlo caparas! ATCHECHE!!!

excuse me po! ubo ubo ubo! ..
WALA YAN SA LOLO KO:

ofw1: yung lolo ko national artist in literary arts!
ofw2: talaga! sino ba lolo mo?
ofw1: xerex xaviera! (inganga mo mahal series)
ofw2:wala yan sa lola ko naman..national artist in culinary arts! oha!
ofw1: eh sino naman ang lola mo?
ofw2: tita maggi! (may libre kang noodles!)
napadaan ang isang mapormang ofw3..nakisali.
ofw3: yan ba mga lolo't lola nyo..walang sinabi sa lolo ko yan, tinanghal na national artist nung nakaraan lang...
ofw 1&2: ha! sino naman ang lolo mo?
ofw3: AGENT-X44 - National artist in Martial-Arts!
ofw 1&2: nyakkkkk! ATCHECHE!!!!!
ayan kasi! masyado kasing TEMA-ARTS gobyerno.

53 comments:

witsandnuts said...

Heehee, para ngang Avenida yung view sa pictures. Dito naman merong "Shoemart". Malaking issue nga ang pagkakapasok ng pangalan ni Caparas.

siyetehan said...

panalo!

pwede pa oto load?

hehe

pamatayhomesick said...

witsandnuts,
uu nga eh,pero malaki rin ang naibahagi ni caparas bilang writer.

siguro mali lang yung titulo bilang visual art, kasi di naman nagdrawing si caparas.

pamatayhomesick said...

siyetehan,

ha ha ha,mahal mag palod dito.he he he.:).magagalit si ang mani pakyaw!

BlogusVox said...

Lintek na pandak yan! Kung si caparas pwedeng National Artist, pwede ko na ring inominate si Cervatos na taga sa amin. Marami rin syang reboltong nagawa. Makikita mo ang obra nyang "sculptures" doon sa simbahan at sementeryo namin.

Kung komiks lang naman ang pag uusapan, mas may kredibilidad si Larry Alcala o di kaya si Nonoy Marcelo kesa sa caparas na yan!

MinnieRunner said...

Saan ung avenida? ha ha, isa akong probinsyana :P

Isali mo sa eat bulaka joke joke mo ung payabangan nung OFWs :P

Sabi nila, ung dating awardee, isinauli (?) ung mga medalya nila bilang protesta.

pamatayhomesick said...

blogusvox,
di ko nga alalm kung pano at bakit..si caparas writer, nabuo ang komiks dahil sa gawa ng mga illustrator,may kulang kasi sa pagkakahalal kay caparas unang una, magaling na writer siya,dun lang yun...kung illustration at visual arts naman ang komparison, pabor ako kung makukuha nga sina larry alcala o kaya si marcelo,hal santiago, conching at marami pang ibang pagpipilian.

di naman kasi nila binibigyan ng halaga ang istorya sa visual..maraming magagaling na pwede..di ko naman sinasabing di magaling si caparas, nirespeto ko rin ang kontribusyon nya sa komiks,ang sinasabi ko lang may kulang talaga. makapagbasa nalang nga ulit ng komiks!,he he he.

2ngaw said...

Hehehe :D ang kulit ni xerex xaviera lolzzz

Brod si mani pakyaw ba pinoy din? mukhang ibang lahe eh :D

pamatayhomesick said...

minnie,
ha ha ha,salamat..atcheche!

uu nga ayun sa aking bugwit! inauli nga raw.pero wala si gma,dahil gumastos ng isang milyon sa resto,kaya nagpapaslim muna sa sobrang busog ng bulsa, este tyan pala.

pamatayhomesick said...

lord cm,
si mani pakyaw (itik) ibang lahi,yun lang ang bansag ko sa kanya, kasi kamukha ni manny.he he he.

Anonymous said...

Medyo rin napa-ha?! ako nang mabalitaan ko na National Artist si Caparas. Medyo nga parang hindi pa sya hinog para taguriang National Artist. And yes, I totally agree na marami pang dapat mauna sa kanya.

Maraming marami pa sila.

Next year, dapat kasama na si Ate Guy. Don't you agree?

The Nomadic Pinoy said...

alam mo, naalala ko tuloy yung Saudi Arabia kung saan dati akong nag-trabaho nung makita ko yung mga photos mo - para bang Balad sa Jeddah kung saan ang daming Pinoy na nagkaipon-ipon.

Dee said...

Nyahaha.:D

Ay, may pasaload pala diyan. Interesting. Parang Pilipinas din pala noh.

pamatayhomesick said...

nebz,
natawa naman ako kay ate guy,,ha ha ha,matagal nang gusto iboto yan ng lola ko.. ha ha ha.

pamatayhomesick said...

nomadic pinoy,
galing ka palng saudi dati,..ang ko mas mahigpit sila dati, pero ngayon siguro medyo ok ok na.. saka maganda din ang lugar na iyon.
salamat!

pamatayhomesick said...

dee,
nagulat din ako dati, pinoy ang nagpauso dito nun..kaya alam na nila yung charge sa cell eh pasalod.kahit ibang lahi.

The Lady in Green Ruffles said...

katuwa naman si pambansang kamao..hehe

moongoddesslae said...

hala?! maron din dyan? naku yang si mang manny dyan kaya kong bugbugin yan.mahinhin pa ata sa akin e.tingnan mo posing o.

di ka ba natatakot dyan sa bansang yan?

precious said...

hi kuya ever! musta? ayos may ganyan din pala jan...di kahit papano hindi ka na ganon ka homesick, or pamatay? hehehe...

KRIS JASPER said...

Sabay tayo sa post na to... NAtional Artist.

Gusto ko na ring maging National Artist.

AJ said...

mahirap talagng masyadong maging sikat ano,...

Carlo J. idol ko yan. komiks adic rin ako nong araw eh. me paarkilahan pa kami. :)

nawiwindang @ nalilibang ako sa mga termino mo parekoy, lalo na iyong "lolo" portion hehe..

Eli said...

Acheche...
Isa pa, hndi yta ksama si mang carlo sa mga nominado.kya nagulat nalang ang mga alagad ng sining nang biglang lumutang ang pangalan nya at may mga iba pa na naidagdag na hndi naman dumaan sa tamang proseso.hanga din ako sa kanya pero cguro may mga dapat na mauna bago sya katulad ni mang ambo...este larry alcala.kng ayaw nyo pumayag, yong lolo ko nalang.hehe

eye in the sky said...

caparas and his wife were saying that the past National Artist winners - especially those who spoke against this mediocre director - were elitists and unemployed. i can just vomit with their arrogance. di na nga deserving, nagmamalaki pa. undeserving winners should just humbly shut their yappers instead.

theLastJedi said...

' nangawit ang panga ko sa kakatawa lalo na kay xerex.. ahahaha..
- tama ka kuya na di dapat visual arts ang nakuha ni caparas kung pag-uusapan ung mga nagawa nyang komiks.. literature dapat, but then again, di rin tayo sigurado kung karapat-dapat din sya dun.. ehe

Dennis Villegas said...

para ngang Avenida yun ah...parang Pilipinas din ang set up at may loading store pa.

pamatayhomesick said...

aj,
pards musta na...musta ang dubai?
hanga din ako kay carlo, ang sisitema lang ng pagkakabigay ng national artist award yun yung ipinupunto ko.marami kasi pwede.

ang panday isa rin itong di makakalimutan,pero sa literatura ito naka base.:)

pamatayhomesick said...

lady in green ruffles,
ako rin eh natutuwa ebritaym na magpapalod ako sa kanya.he he he

pamatayhomesick said...

moongoddesslae,
parang bading nga si mani pakyaw, mahina magsalita yun..ha ha ha, saka panay ang tingin sa pogi.

pamatayhomesick said...

precious,
uu nga eh, kakalibang din, ang kulang nalang dito pamatay homesex!,este pamatay homsickness..ha ha ha.(pg)

pamatayhomesick said...

kris jasper,
ha ha ha,nakita ko rin post mo,langya sumisikat pala si caparas ngayon ah, igagawa daw ng pelikula.yung title eh gaya ng blog mo.ha ha ha.

pamatayhomesick said...

eli,
pards maligayang pagbabalik, balita ko sarap ng bakasyon natin ha.

di nga siya kasama sa list, pero syempre binigay sa kanya ng pangulo ang titulo.

sayang din ang 1million order.

huh! ang layo na ng sagot ko. kasi naman si gma oorder ng ganun kalaki sa resto sa isang araw, eh ilang araw sya dun. ewan ko ba.;)

pamatayhomesick said...

eye in the sky,
tama ka,marami din naman naging kontribusyon si caparas, pero sabi nila di paw pwede.

ang best talaga maging humble ka,yun makukuha nya ang simpatya ng tao.
salamat pards!

pamatayhomesick said...

the last jedi,
elow po, salamat sa pagdaan ha.

maganda yung blog mo saka interesting.

teka kasama ka rin ba sa jedi bloggers nila jena?.:)

sheng said...

Ewan ko ha, basta ba kasi parang hindi pa talaga hinog si Carlo Caparas maging national artist, eh, inmaginin mo na lang, ka-level na niya agad ngayon si Napoleon Abueva and Amorsolo?

pamatayhomesick said...

sheng,
nakita mo rin pala kung bakit may hindi sumasang-ayon sa pagkahalal kay carlo..para kasing ang layo, lalo na kung isasama sa kalidad nila napoleon abueva ang skulptur ng pinas at kay amorsolo.

gie said...

naligaw ang thoughts ko habang nagbabasa ng entry mo! hahha.. :D

malaking malaking issue yan dito sa pinas. nagrrally na nga sila e..

theLastJedi said...

' karangalan ko na ma-add mo.. ehe..

- hinde po e.. di ko alam na may mga ibang jedi bloggers din pala..

Chyng said...

hello ever,
alam mo lately di bumubukas yung blog mo sa very realible proxy ko dito sa office. weird no?

iba na ang process ngayon ng pagiging National Artist, befriend GMA at yun na yun! Silly...

juliet said...

helo po
ngyn ko pala nabukdan blog nio
pwede po ba ma add ako?link kau sa friend ko c precious
gusto ko yun painting u na aruga 1
ewan ko pero parang biglang tingin
ko yung painting yun
e para scream ni edvard munch.
maybe sa color red na unang nakita ko
wala me masyado alam sa painting
pero gusto ko matoto
san po exhibit nio?

Jaypee David said...

ang cool naman ng blog mo.. i enjoyed reading it.. ^_^

pamatayhomesick said...

gie,
he he he, ako rin naligaw sa mga pinagsasabi ko. marami pa talagang bagay ang mapaguusapan..magaling si caparas...pero may pwedeng maging tanghaling national artist.

pamatayhomesick said...

teh last jedi,
uu meron magagaling din na jedi bloggers, isa dun si jena isle.:)

pamatayhomesick said...

chyng,
ganun din dito eh, minsan hirap akong buksan yung site ko...

uy!salamat! he he he.

pamatayhomesick said...

juliet,
aba syempre naman...:)

na-add na kita nung isang araw pa.:)

pamatayhomesick said...

enjayneer,
ganda ng blog mo pards! yung header nagustuhan ko yung style.:)

The Lady in Green Ruffles said...

hehe, kamuka nya talaga e no..pinoy din xa diba..

pamatayhomesick said...

lady in green ruffles,
hindi sya pinoy, indiano yun..mukhang bading na manny pacquio lang.he he he.

madz said...

ha ha, nabalitaan ko rin 'yan :D

sa hindi malamang kadahilanan, may isang umamin na siya daw ang nag-treat nung humigit-kumulang na PhP700,000 na hapunan. HUWAW!! Ang galante!!!

pamatayhomesick said...

madz,
aba at may bagong issue pala ah...;)

2ngaw said...

May award ka sa pahina ko, bilang ganti sa pagsuporta sa KaBlogs :)

juliet said...

hehehe
ang masasabi q lang.
ang ibinigay sayo walang bawian
at
kanya kanyang trip lang yan
at higit sa lahat
kanyang kanyang power trip lang yan
bow po.

Luke said...

haha. Agent pa ha. CQB specialist. lol.

Dee said...

@Ever: Hahaha. Ganoon ba! Galing naman nung Pinoy na nag-introduce ng Pasaload diyan! Enterprising ha! :)