7/26/2009

GaLiNG! hUwAW PiLipiNaS!




di sinasadya ng naglalakad kami at naghahanap ng makakainan resto dito, at tyempo na may malapit na kainan, napatingin ako sa isang magazine (clientele kuwait magazine)at natuwa ako dahil yung center fold nito nafeature ang lugar sa pilipinas. maganda ang pagkakabigkas at magaganda ang shot ng picture, sabihin nang mababaw ako pero malakas ang dating nito sakin lalo nat ang lugar sa pinas ang pinag-uusapan. basta natuwa ako.yun lang po. bow!


ako, si dave at ding habang kumakain!

at syempre di ako uuwi kung hindi ko bitbit
ang magazine. si ding yung kumuha samin ng
picture,habang naglalakad pabalik ng opisina.

76 comments:

The Pope said...

Talagang maipagmamalaki natin na tayo ay Pilipino kapag nakakita ka ng magasin ng banyaga ay larawan ng Pilinas ang nakapalaman.

Pero napuna sa ko huling larawan ninyo habang ikaw ay naglalakad bitbit ang magasin, tila may lalaking sa iyong likuran nakatingin at parang gustong hablutin ang hawak mong magasin.

God bless bro.

Erick said...

Yow Ever!
Mustaza? Great catch! O diba Pearl of the Orient Seas is still the best!
Galing din kami Pinas & this July lang kami naka-balik. Nice post!

Lyka Bergen said...

Maganda naman talaga ang Pilipinas. Explore natin!

RJ said...

Mabuti naman na-feature ang Philippines sa isang magazine diyan sa Kuwait. Ayos!

Dito sa Australia, matagal na akong naghahanap ng mga features about, travel guides or books for, special holiday offer to the Philippines, wala talaga. Nalungkot ako.

Ang ginagawa ko, ako nalang ang nagpu-promote ng Philippines sa mga workmates ko. U

Jena Isle said...

Ang ga-gandang....tanawin pala diyan ano Ever?...he he he...

Sige na nga ang gagandang lalake ninyo pala...lol...

Ano bang magandang pasalubong from there??? lol

2ngaw said...

Wow naman!!!Sikat na si Philippines :)

The Lady in Green Ruffles said...

yeah, astig!

witsandnuts said...

Ganyan din ako sa mga magazines/readables dito, lagi akong alerto sa anumang bagay na mababanggit ang Pilipinas. Hehee, si Ding pala ang nagpicture sa inyo. Kaya pala napansin ko nagbago hitsura nung isa nyong kasama. =)

pamatayhomesick said...

pope,
ha ha ha napansin mo rin pala...
kapatid ni mangdonald duck yun. he he he.

pamatayhomesick said...

erick,
mustasa pards, kaya pala..ang sarap ng bakasyon mo ah.:)

pamatayhomesick said...

lyka,
huwaw.. salamat lyka..ganda ng aura natin ngayon ah.;)

pamatayhomesick said...

rj,
uu nga eh, magada talaga ang lugar sa pinas,kaya todo suporta ako pag may ganito. salamat pards.

alam ko nabanggit din ang pinas dyan..sa balita naman yun dito sa press tv.

pamatayhomesick said...

jena,
ay uu maganda rin dito, kaya lang mas maganda parin ang lugar sa pinas maraming puno.

dito puro lupang buhangin.

pamatayhomesick said...

lord cm,
ha ha ha, excited lang ako sa pamagat kaya may huwaw!..

sikat ang pinas!

pamatayhomesick said...

the lady in green ruffles,
yap yebba! astig ang pinoy!

pamatayhomesick said...

witsandnuts,
he he he, marami din dyan yun diba yung picture na nasa likod namin..he he he.

tka baka mapansin ni nebz,katatapos lang nung blog nya tungkol sa mga tawag tawag na ganito.ha ha ha.

Anonymous said...

True. Pag may nababasa akong maganda tungkol sa Pinas, tumataba ang puso ko. Dahil ang katotohanan ay maganda ang Pinas. At angat tayong mga Pinoy!

(The last time I went home, nasabi ko sa sarili, kahit pa luma na ang NAIA, mas malinis pa rin sya sa akin, mas mabango, mas maayos, mas user-friendly kesa sa...hmp, wag na lang baka sabihin, naninira ako).

Pero true. Angat talaga ang Pinas para sa akin. Inis lang talaga, hinahatak sya pababa ng mga crabs!

AJ said...

naguilty 2loy ako bigla, madalas mafeature ang pinas di ko man lang nababangit sa blog ko.

anyway, SLR ba agn gamit mo @ ang vivid ng mga shots..rgds parekoy

Kosa said...

haaaaa?
yun lang?
nabitin naman ako parekoy at na-curious kung anu yung nabasa mo sa magazine...

Oman said...

proud na proud talaga ang gwapo. and you have lots of reasons to be proud of our country and we, travel bloggers are doing our part to promote the beauty of our country. mabuhay ang pinas.

Mars said...

panalo
pati sa magazine sa ibang bansa nakalathala ang kagandahan ng pinas

Better Than Coffee said...

maganda naman talaga ang pilipinas lalo na sa mga natural na yaman. :) kaya dapat talaga nating pagyamanin kung anong meron tayo. :)

love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

siyetehan said...

maganda talaga ang Pinas. sana nga lamang eh mas maging matatag at maayos ang pag a advertise sa ating turismo.

burn said...

Salamat sa pagdalaw.

Panaderos said...

Maganda talaga ang bansa natin. Kung hindi lang patuloy ang paglapastangan ng mga ganid na pulitiko eh siguro marami sa atin ay doon pa rin nakatira.

Hindi ko gaano pinapansin ang mga beaches dito sa America at sa Mexico dahil alam ko na higit na maganda pa ang mga ganyang lugar sa atin.

Pahiram naman ng magazine. :D Hehehe

Roy said...

madami talagang magagandang lugar dito sa Pilipinas!

karamihan nga, hindi ko pa napupuntahan hehe...

musta?

pamatayhomesick said...

nebz,
sabi ko na nga bat ipapasok mo yung
mas maganda mas malinis, etc.he he he.
maganda ang pinas!

pamatayhomesick said...

aj,josh,
pards maganda yung blog mo ah, bago sa paningin ko. :)

pamatayhomesick said...

kosa,
english kasi pards di ko masyado naintindihan. he he he,.di ko pa tapos basahin kasi bumalik agad ako ng office.:)

pamatayhomesick said...

lawstude,
kaya tuwing homesick ako ang pasyalan ang blog nyo ni dong ang nakakaugalian ko.
pinapakita nyo ang ganda ng kalikasan at lugar ng pinas!
salamat pards!

pamatayhomesick said...

mars,
salamat ha.

pamatayhomesick said...

nobe,
talagang pure tagalog ah.he he he.

pamatayhomesick said...

siyetehan,
oo tama ka nasa pagpapakilala rin.palagay ko kulang ang kinauukulan dito. salamat!

zorlone said...

pareng ever,

nagyoyosi ka pala? hehehe.

Anyway okay mabuti naman at may nagpopromote sa bansa natin kahit na sa gitna ng disyerto. Kung pwede nga lang magpaikot ikot dito sa Pilipinas e gagawin ko, pero magastos din kasi. Siguro kapag may time late this year na ako mamamasyal. Pagiipunan ko yun.

Z

pamatayhomesick said...

burn,
ganun din sayo salamat!

pamatayhomesick said...

panaderos,
saludo ako sayo pards, pareho tayo ng alituntunin sa bansa.mabuhay ang pilipinas!

pamatayhomesick said...

roy,
ako din di ko pa npupuntahan ang bandang hilaga.

The Lady in Green Ruffles said...

astig pala ung pilipinas...ahihi

astig din ung mga pilipinong may concern sa bansa natin!

Precious said...

pa add din pala ha..i mean, exchange links tau..tsaka pala kuya, galeng nio palang artist..aztig!

pamatayhomesick said...

zorlone,
dito nalang ako nakapgyosi sa lupang buhangin, masyado kasi iba ang klima rito sa yung mga nasa sasakyan minsan mabaho ang amoy di kaya ng powers ko,kaya nakapagyosi ako dito.he he he. ang haba ng paiwanag noh.

salamas! este, salamat. buti hindi ka natrafic ngayon?

pamatayhomesick said...

the lady green ruffles,
salamat ha..napakaganda nung post mo tungkol sa mga ofw..bilib ako!

taas ang kamay ko at bibigyan kita ng maraming wink na smile!;)

pamatayhomesick said...

precious,
elow! i olredi add you on my kahanga hangang list.;)

escape said...

galing! sana tuloy na tuloy na ang pagsikat ng pinas bilang isang tourist destination.

ayos na ayos dahil kakapost ko din lang nung pag feature ng pinas sa get lost magazine.

Dee said...

Buti naman at sa wakas e naka-visit na ako dito sa site mo kasi tagal ko nang gusto pumunta dito e ayaw naman ng browser ko, merong daw problema, ano ba yun...

Anyway, dami ngang magagandang tanawin sa Pilipinas. Sarap maglakbay at mag-sight-seeing.

Ay, ang ganda pala ng lugar niyo diyan, ano. Ang linis at parang aliwalas and tahimik. :)

The Lady in Green Ruffles said...

salamat, salamat..nakakainspire lang..

Anonymous said...

anong lugar yung nakalagay? specific ha?

palawan ba un? di ko masyado maaninag eh..

padaan.. para di ka mahomesick.. hehehe

pamatayhomesick said...

dong,
pards ok yung sa old manila,ang ganda.:)

uu nga pala nafeature din ang pinas sa nakaraan post mo.:)

pamatayhomesick said...

dee,
ha ha ha, uu nga eh mukhang may problema, kahit ako hirap mag open nito. salamat dee!

pamatayhomesick said...

the lady green ruffles,
walang anuman, ipagpatuloy mo lang, malayo ang mararating mo.
salamat!

pamatayhomesick said...

shynyrd,
cebu- boracay, saka manila, makati..:)

salamat sa pagdalaw,galing nung bangka(nalulunod ako).

BlogusVox said...

Yung magazine, naiwan ba ng kung sino sa mesa at binitbit mo? O, nasa eskaparati at binitbit mo? : D

pamatayhomesick said...

blogusvox,
nasa eskaparati, pinakiusapan ko si kabayan sa resto na iuwi ko. he he he.

The Lady in Green Ruffles said...

wow naman..nakakatouch ka..baka mainlove nako nyan sau..joke joke lang..bata pa ko..pero salamat talaga...

moongoddesslae said...

mabuti nman at hindi na lang puro kahihiyan ang maririnig o mababasa natin tungkol sa bansa natin.bow!hheheh

moongoddesslae said...

mabuti nman at hindi na lang puro kahihiyan ang maririnig o mababasa natin tungkol sa bansa natin.bow!hheheh

TSI said...

Na-recognized ba hmm okey lol,btw nakakagutom naman yung kinain niyo, kakain din sana ko but it's already late na dito..time check is 1:42AM

Ysh ♥ said...

Naaaaks. Yung last picture parang paparazzi shot lang! Haha!

Nkaakproud naman kase talaga kapag mga ganun! Maganda naman talaga dito sa Pinas. YUn nga lang, mga tao minsan hindi marunong magpreserve ng mga magagandang places. :-/

pamatayhomesick said...

the lady in green ruffles,
salamat po( namula ako duna ah.he he he...)

pamatayhomesick said...

moongoddesslae,
tama ka dyan...salamat!

pamatayhomesick said...

tsi,
pards, ganun ba, sayang sana nalibre mo kami. ha ha ha.:)

pamatayhomesick said...

isssh,
ok na ba yung internet sa inyo. he he he.teka at madalaw nga mamaya.:)

maganda ang pagkakabigkas mo dito.

"Nkaakproud naman kase talaga kapag mga ganun! Maganda naman talaga dito sa Pinas. YUn nga lang, mga tao minsan hindi marunong magpreserve ng mga magagandang places."

aceychan said...

nice-ness!

what's even nicer is your hair! lol. astig ng long hair. :D

sheng said...

kinuha mo lang yung magazine???

Enhenyero said...

gawain ko din yan dito, ang mapabili ng magazine na may kuha ng magagandang lugar sa pinas. salamat sa pagsama ng blog ko sa listahan

pamatayhomesick said...

acey,
salamat ha..ang haba tuloy lalo yung hair ko..(medyo nahihiya ako ha)

pamatayhomesick said...

sheng,
uu sheng kinuha ko lang magazine.sa tulong ng kabayan natin dun na supervisor ng resto.

pamatayhomesick said...

enhenyero,
walang anuman pards!

The Nomadic Pinoy said...

Talagang nakakagana din na makitang pini-feature ang Pinas mapa-magazine man o TV. It's just one way for potential visitors to "see" lalo na't napag-iwanan na ito sa tourist arrivals ng ibang mga bansa sa Southeast Asia.

eye in the sky said...

at least for a change we're not being featured as a "war-torn" country of corrupts ... so that is very refreshing. our tourism needs all the boost, and deservingly so.

The Lady in Green Ruffles said...

hehe..may ganun talaga...why not?..joke lang..slamat ult!

KRIS JASPER said...

Good yan. Dami pa rin kasing taga ibang bayan na di alam kung saan ang Pinas or ano meron dun... Akala nga nung iba rito province yan sa China.

Well done Pinas!

Jean said...

Tama ka dyan! Wow Pilipinas talaga.. heheh kahit baliktarin man ang mundo ang Pilipinas ay likas na maganda..

nakakalungkot nga lng dahil pumanaw na ang ina ng Demokrasya.. si Pang. cory.. T_T

madz said...

WOW Philippines talaga. Sana makalibot ako sa ating bansa para masilayan ko rin ang magagandang tanawin, para hindi puro banyaga ang nakakatamasa ng ganda ng Pilipinas.

Reyjr said...

Kapag homesick ka talaga, may mga specific na bagay na madaling maka-antig sa damdamin mo, kahit para sa iba ang mababaw lang.

Naranasan ko yan dati nung halos 5 months na ako hind nakauwi, may napanood lang akong ending ng pelikula kung saan nagyakapan at nag cheer ang buong pamilya (yun lang napunod ko), pero sobrang nalungkot ako noon. hehe.

=D

dodong flores 도동 플로오리스 said...

Talagang sikat na sikat pala talaga ang Pilipinas kahit diyan sa Middle East :)

Luke said...

Kung ako, bibilihin ko rin yung magasin.