Gusto kong sumigaw magwala at pagsusuntukin ang sarili ko; ayaw kong nasasaktan ang aking anak. Ang sakit sobra ng naramdaman ko, parang wala akong magawa sa mga nangyayari.
Pakiramdam ko ay madilim na madilim yung paligid at parang anino lang namin ang nakikita. Tahimik. Parang ang mga mata lang naming luhaan ang naguusap. Bingi kami sa paligid at bulag sa mga nagdaraan. Di ko rin alam kung may nakakapansin sa amin.
Lumapit ako at niyakap ang aking anak, walang lumalabas sa aking bibig. Mahigpit din niya akong niyakap. Ako na sa isang anak, napaiyak sa kanyang balikat, hinihingi ang kanyang lakas ng loob at pang-unawa. At siya sa kanyang ama, binibigay ang pang-unawa at pagmamahal at umaamo para maibsan ang patak ng luha ng isang ama.