Dala ko ang patak ng luha....
Malalim, mabigat...
Katumbas ng libong sakit
Sa lugar na tahimik
Di alintana ang pagod
Di alintana ang hilo at alog
Bagsik ng kalikasan
Dumadaloy sa kapaligiran...
Hangad ay kaligtasan
Maraming tanong? walang sagot!
Sumisigaw di marinig
Masakit walang daing...
Di alintana ang bigat
Sa iniipon kong lakas...
Walang magawa
Naghihintay sa wala
Madilim ang paligid
Walang makakapit
Walang tanaw na masilip
Sumisigaw ng BAKIT!!!
Ni walang makarinig...
Umu-ulan akoy sasabay
Di alintana ang ginaw
Gustong masilip ang MINAMAHAL!
alay tula ng pamatay homesick sa nasalanta ng lindol sa HAITI..