Sinong magaakala na sasagupa si inang kalikasan sa gitna ng saya at tahimik na gabi ng pilipinas?

Ayon nga sa kasabihan..makikita ang pagkakaisa ng pinoy sa ganitong pangyayari. Pinoy sa kapwa pinoy. Ang kamay na hahawak at magliligtas sa nangangailangan ay kapwa mo kabayan. Lumabas sa telebisyon ang maraming tulong at donasyon mula sa may mabubuting puso. mabilis pa sa baha na tumaas ang mga cash at in-kind donations. Hindi man pera, nakatanggal ng gutom ang binigay na pagkain at nakapawi ng ginaw ang mga damit at kumot na ibinahagi.
Isinantabi ang pulitika at showbiz. Nawala sa eksena si Erap at Lacson. Walang network o business competitions. Walang mayaman o mahirap. Walang sikat at walang tanyag sa larangan ng pagtulong. Ngayon mas higit na kailangan ang pagkakaisa at pagkakasundo. Mas unahin ang Pagtutulungan.
Manawagan tayo sa kalikasan at sa may likha nito.
Ayon sa post ng isang kaibigan.." lahat NAGMAMAHALAN na, bigas, langis at gasolina, TAYO na lang ang HINDI"