8/25/2009

tAmaNg TaYmPErS...

gulong gulo ang skedyul ko ngayon sa trabaho, minsan lalabas ako at minsan hindi,hanggang 2 pm lang ang mga establisyemento,ang siste eh umaga office ako at gabi sa site,dahil may kailangan tapusin dun.. kala ko ngayong ramadan dito makakapaghinga ako sa trabaho, hindi pala,abay doble o triple pa nga ang nangyari. eniwey!, ganun talaga pag magandang lalaki tayo, este, kung di maganda ang skedyul mo...lumalapad tuloy ang nuo ko. kaya naman pag may pagkakataon, at medyo free tayo wala kaming ginawa kundi ang mag-inuman!( ng kape at tsaa!).


hay nako,buhol buhol!ang gulo gulo,
kasing gulo ng bulbol ko...

melvin,marcial,dave,mangponce,at ako.

pati nga si dave naguguluhan narin, ayun oh!

8/19/2009

mAs!!! iiSa aNg PiNoY...

ang pinoy lalo't nasa ibang lugar gagawa at gagawa ng mapaglilibugan(este mapaglilibangan pala), kaya siguro nauso ang kwento sa barbero na madalas na naguumpukan para pampalipas oras.walang pinoy na hindi masiyahin,lalot ito ang paraan to kill homesickness..sa kakulitan nangunguna rin ang pinoy..halo halo,propesyonal man o hindi.may nagtatalo, may debate at kung anu anu pang pwede na mapaglilibangan.
sino ang magsasabi na hindi nagkakaisa ang pinoy!
dito sa kuwait.

----------------------------------------------
ang piktyur na ito ay hatid sa inyo ni ding...
caparas look alike!

o di ba! mas national artist ang dating..:)

8/10/2009

tE- Ma- aRTs, AtcHeChE!

minsan tuloy ayoko ko na manuod ng balita, kaya lang dahil sa talagang magandang lalaki tayo,este! magandang pampalipas ng oras at syempre likas sating pinoy ang malaman ang nangyayari sa buong sangkatauhan,lalo na't andito tayo sa lupang buhangin at malayo sa pinas kailangan nating malaman ang balita sa pinas.(pinagpawisan ako dun ah, sa haba ng sinulat ko,ibig sabihin lang pala manuod ng balita atcheche!).teka kahit ako natatawa..ang layo na ng nasa isip ko dahil sa atcheche nato..matagal ko na rin narinig toh sa katauhan ng tvj(tito vic joey),tuwing may kalokohan at ang punchline sa huli ay "atcheche."eniwey! back to my magandang lalaki tayo story,este ulit! back to my balita pala...

anu raw daw?..tungkol sa napanuod ko nung isang araw,habang kumakain kami ni Ding ng pinoy food sa SM(teka baka kala nyo SM sa pinas ha,meron din dito sa kuwait SM,tignan nyo sa bandang kanan,ayun oh-yan nakita mo na.he he he.kung mapagmamasdan nyo parang avenida look alike ang lugar na ito, tambayan din ng pinoy.abangan nyo nalang yung iba pang detalye sa susunod na post).dito rin ako nagpapalod pasalod kay mang mani pakyaw,teka ulit ha, hindi ito pambansang kamao natin ah,ibang lahi to,yan lang ang tawag ko sa kanya ebritaym na nagpapalod ako.he he he.ayun oh tignan nyo nasa bandang kaliwa naman.

yung balita pala..muntik ko nang makalimutan, tungkol daw sa national artist.medyo naenganyo lang akong pakinggan ang balita kasi ang daming umaangal tungkol sa pagkahalal bilang national artist in visual arts si carlo caparas...ang daming nagreact,napansin ko lang kasi medyo related tayo dito....anu nga ba at para saan ang national artist.madaming kahulugan at mabigatan paliwanagan...national artist in visual arts carlo caparas! ATCHECHE!!!

excuse me po! ubo ubo ubo! ..
WALA YAN SA LOLO KO:

ofw1: yung lolo ko national artist in literary arts!
ofw2: talaga! sino ba lolo mo?
ofw1: xerex xaviera! (inganga mo mahal series)
ofw2:wala yan sa lola ko naman..national artist in culinary arts! oha!
ofw1: eh sino naman ang lola mo?
ofw2: tita maggi! (may libre kang noodles!)
napadaan ang isang mapormang ofw3..nakisali.
ofw3: yan ba mga lolo't lola nyo..walang sinabi sa lolo ko yan, tinanghal na national artist nung nakaraan lang...
ofw 1&2: ha! sino naman ang lolo mo?
ofw3: AGENT-X44 - National artist in Martial-Arts!
ofw 1&2: nyakkkkk! ATCHECHE!!!!!
ayan kasi! masyado kasing TEMA-ARTS gobyerno.

8/04/2009

Art In Site Invitation e-zine




pamatay homesick fully supported Art In Site Magazine
Their philosophy is simple, globally promote and showcase the Filipino’s brilliant artistic talent, our vast and distinct cultural heritage, to impart knowledge through culture and arts to our youth and to inform, interpret, entertain, invite dialogue and provide food for thought.

Please free to visit Art In Site home page for details and information.
-----------------------------------------------------------------
medyo seryoso ata ang dating ko ngayon!
shusyalen!