madalas kong maranasan dito ang ganito.pag pumapasok ako sa mga office building para kausapin kung sino ang namamahala para sa project, madalas akong natotoink!,ang masama pa sa tuwing nagtatanong ako binabalewala ako, ang masaplap pa nga nito karamihan ng pangyayaring naganap, kabayan natin ang kuntodo snabera.
ok lang sana kung ibang lahi dahil alam ko naman na magandang lalaki ako kesa sa kanila.ang di ko matanggap yung kalahi pa natin ang mataas ang ere.
ganito ang madalas na pangyayari. may kasama ako lagi na engineer para sa meeting itik(indiano ang ibig sabihin).ako ang nauna sa site para i check ang location, at nakita ko dun ang site supervisor na babae, natuwa ako dahil bihira ang designer na babaeng pinoy dito.kaya binati ko ng magandang araw! aba! nagulat ako sa reaksyon,tumalikod at di ako pinansin,kaya naisip ko ay churi po, i thought you are filipini(ito ang tawag nila dito sa mga pinoy).kala ko ibang lahi o taiwanese o nepali(halos magkakamukha kasi dito ang itsura natin sa kanila).eniwey, ng dumating ang kasama kong engineer, abay sumalubong agad at kuntodo bati ng good day!, malayo ako sa kanila, kasi napahiya ako kanina sa pagbati,dahil kala ko napagkamalan ko na hindi sya pinoy.pinay din pala.hindi ako nagkamali.nagkamali ako sa kanyang ugali.
marami silang napag usapan, di ako nakialam.pagtapos nilang mag-usap. eto na ang finale..pinakilala ako ng kasama kong engineer na itik na alalay ko at tagasukat ko sa area.
ma'am this ever, he is the one who will be able to approved everything!
huwwwwwatttt!!!..TOINK! TOINK! TOINK!(teka di ganun yung reaksyon ha,medyo exage ko lang para may dating).je je je je!
kanina tumunog yung cell ko...(bebot bebot bebot bebot,ikaw ay akin, pilipino! pilipino!...kanta awit).ito yung ring tone ng cell ko..
elow!,whos dis(tama ba spell)(english para sosyal ako)
kabayan SIR! magandang umaga! ako yung kahapon, sorry ha kasi kala ko nagwowork ka lang dun kasama ng mga tao sa opisina..ask ko lang kung approved na yung project,tinatanong kasi ako ng boss ko eh.kuntodo pls. at hingi ng sorry sakin si kabayan, di nya daw sadya yung nangyari.
nalungkot lang ako, pero alam ko konti lang ang ganito dito,minsan lang makahawak ng ginhawa pakiramdam mataas na sila.
yan tuloy di makatingin ng deretso sa tuwing kausap ko yung boss nya,siguro kala bebengahin ko.pinaparamdam ko lang sa kanya na dapat marunong syang makisama at makibagay.
natatawa nalang ako pero.. sana naman kung maayos ang buhay mo dito sa ibang lugar,wag naman po tayo titingin sa suot o sa kahit na mababang trabaho,kasi po maipagmamalaki natin ang tyaga at sipag nating mga pinoy.
swerte lang sya dahil kalahi ko, kung hindi, di ko tutulungan para sa maliit na project nayun.
hope na matuto tayong magpakumbaba!