PBA09r04no9r
Hangin ako at di nakikita pero nararamdan.napadpad sa kung saan saan, sa lawak ng isip at sang katauhan. Di man ako pansin ng sinuman pero madalas akong kasama sa iyong buhay.
Hangin ako at di nakikita pero nararamdan.napadpad sa kung saan saan, sa lawak ng isip at sang katauhan. Di man ako pansin ng sinuman pero madalas akong kasama sa iyong buhay.
Pareho lang pala kami ng dagat na walang katapusan!
Tinititigan ko siya…kinakausap…ang kalawakan nya ang magpapaliwanag kung bakit malawak rin ang buhay. Hindi nasusukat . Malalim!
Hinihiling ko na sana isama nya na sa alon ang luha ko. Isabay sa pag gulong at ihampas sa dalampasigan. Sa ganung pagkakataon at paraan walang makaka-alam ng aking lungkot . Magulo ang aking Mundo . Nakatayo ako sa isang sulok na puno ng pagmamahal ngunit nakatago . May hanganan, may limitasyon na sa kabila ng kasiyahan naruon ang paghuhusga. Maskit ganun pala pag totoo.
Hinihiling ko na sana pumikit muna sandali at mamulat nalang muli at makita ang buhay na gusto ko. Mabuhay ng tama, tumayo sa gitna ng mapaghusgang daigdig at ipaunawa na hindi lahat ng nasa tama ay masaya.
Sa kabilang bahagi ,ipinapaliwanag ng dagat na may dahilan ang lahat at tinuturo nya na bigyan pansin ang positibong bagay,gaya ng alon na patuloy lang at walang tigil. Maingay ngunit musika ito sa taong nakakarinig,malalim at malawak ngunit pwedeng languyin,may banta ng panganib pero maaaring lampasan ng sinuman. Ang buhay may dahilan rin.patuloy rin lang ito. Hihinto sa takdang panahon.
Hindi ako bibitaw. Gusto ko pang magpatuloy na maging malawak at masaya, maging musika rin sa iba. Gusto ko maging tulad ng alon. Gusto ko makita rin ako tulad ng kalawakan ng dagat. Makita ako sa totoong ako.
Hangin akong lalangoy sa dagat. Maglalakad ako sa buhanginan. Ibibigay ko ang lahat ng laman ng isip ko at hahayaang lumutang sa karagatan.
“Hangin ako! kausap ko ang dagat .kausap ko ang sarili ko.kausap ko ang mundo.”