8/10/2009

tE- Ma- aRTs, AtcHeChE!

minsan tuloy ayoko ko na manuod ng balita, kaya lang dahil sa talagang magandang lalaki tayo,este! magandang pampalipas ng oras at syempre likas sating pinoy ang malaman ang nangyayari sa buong sangkatauhan,lalo na't andito tayo sa lupang buhangin at malayo sa pinas kailangan nating malaman ang balita sa pinas.(pinagpawisan ako dun ah, sa haba ng sinulat ko,ibig sabihin lang pala manuod ng balita atcheche!).teka kahit ako natatawa..ang layo na ng nasa isip ko dahil sa atcheche nato..matagal ko na rin narinig toh sa katauhan ng tvj(tito vic joey),tuwing may kalokohan at ang punchline sa huli ay "atcheche."eniwey! back to my magandang lalaki tayo story,este ulit! back to my balita pala...

anu raw daw?..tungkol sa napanuod ko nung isang araw,habang kumakain kami ni Ding ng pinoy food sa SM(teka baka kala nyo SM sa pinas ha,meron din dito sa kuwait SM,tignan nyo sa bandang kanan,ayun oh-yan nakita mo na.he he he.kung mapagmamasdan nyo parang avenida look alike ang lugar na ito, tambayan din ng pinoy.abangan nyo nalang yung iba pang detalye sa susunod na post).dito rin ako nagpapalod pasalod kay mang mani pakyaw,teka ulit ha, hindi ito pambansang kamao natin ah,ibang lahi to,yan lang ang tawag ko sa kanya ebritaym na nagpapalod ako.he he he.ayun oh tignan nyo nasa bandang kaliwa naman.

yung balita pala..muntik ko nang makalimutan, tungkol daw sa national artist.medyo naenganyo lang akong pakinggan ang balita kasi ang daming umaangal tungkol sa pagkahalal bilang national artist in visual arts si carlo caparas...ang daming nagreact,napansin ko lang kasi medyo related tayo dito....anu nga ba at para saan ang national artist.madaming kahulugan at mabigatan paliwanagan...national artist in visual arts carlo caparas! ATCHECHE!!!

excuse me po! ubo ubo ubo! ..
WALA YAN SA LOLO KO:

ofw1: yung lolo ko national artist in literary arts!
ofw2: talaga! sino ba lolo mo?
ofw1: xerex xaviera! (inganga mo mahal series)
ofw2:wala yan sa lola ko naman..national artist in culinary arts! oha!
ofw1: eh sino naman ang lola mo?
ofw2: tita maggi! (may libre kang noodles!)
napadaan ang isang mapormang ofw3..nakisali.
ofw3: yan ba mga lolo't lola nyo..walang sinabi sa lolo ko yan, tinanghal na national artist nung nakaraan lang...
ofw 1&2: ha! sino naman ang lolo mo?
ofw3: AGENT-X44 - National artist in Martial-Arts!
ofw 1&2: nyakkkkk! ATCHECHE!!!!!
ayan kasi! masyado kasing TEMA-ARTS gobyerno.

53 comments:

  1. Heehee, para ngang Avenida yung view sa pictures. Dito naman merong "Shoemart". Malaking issue nga ang pagkakapasok ng pangalan ni Caparas.

    ReplyDelete
  2. panalo!

    pwede pa oto load?

    hehe

    ReplyDelete
  3. witsandnuts,
    uu nga eh,pero malaki rin ang naibahagi ni caparas bilang writer.

    siguro mali lang yung titulo bilang visual art, kasi di naman nagdrawing si caparas.

    ReplyDelete
  4. siyetehan,

    ha ha ha,mahal mag palod dito.he he he.:).magagalit si ang mani pakyaw!

    ReplyDelete
  5. Lintek na pandak yan! Kung si caparas pwedeng National Artist, pwede ko na ring inominate si Cervatos na taga sa amin. Marami rin syang reboltong nagawa. Makikita mo ang obra nyang "sculptures" doon sa simbahan at sementeryo namin.

    Kung komiks lang naman ang pag uusapan, mas may kredibilidad si Larry Alcala o di kaya si Nonoy Marcelo kesa sa caparas na yan!

    ReplyDelete
  6. Saan ung avenida? ha ha, isa akong probinsyana :P

    Isali mo sa eat bulaka joke joke mo ung payabangan nung OFWs :P

    Sabi nila, ung dating awardee, isinauli (?) ung mga medalya nila bilang protesta.

    ReplyDelete
  7. blogusvox,
    di ko nga alalm kung pano at bakit..si caparas writer, nabuo ang komiks dahil sa gawa ng mga illustrator,may kulang kasi sa pagkakahalal kay caparas unang una, magaling na writer siya,dun lang yun...kung illustration at visual arts naman ang komparison, pabor ako kung makukuha nga sina larry alcala o kaya si marcelo,hal santiago, conching at marami pang ibang pagpipilian.

    di naman kasi nila binibigyan ng halaga ang istorya sa visual..maraming magagaling na pwede..di ko naman sinasabing di magaling si caparas, nirespeto ko rin ang kontribusyon nya sa komiks,ang sinasabi ko lang may kulang talaga. makapagbasa nalang nga ulit ng komiks!,he he he.

    ReplyDelete
  8. Hehehe :D ang kulit ni xerex xaviera lolzzz

    Brod si mani pakyaw ba pinoy din? mukhang ibang lahe eh :D

    ReplyDelete
  9. minnie,
    ha ha ha,salamat..atcheche!

    uu nga ayun sa aking bugwit! inauli nga raw.pero wala si gma,dahil gumastos ng isang milyon sa resto,kaya nagpapaslim muna sa sobrang busog ng bulsa, este tyan pala.

    ReplyDelete
  10. lord cm,
    si mani pakyaw (itik) ibang lahi,yun lang ang bansag ko sa kanya, kasi kamukha ni manny.he he he.

    ReplyDelete
  11. Anonymous11/8/09

    Medyo rin napa-ha?! ako nang mabalitaan ko na National Artist si Caparas. Medyo nga parang hindi pa sya hinog para taguriang National Artist. And yes, I totally agree na marami pang dapat mauna sa kanya.

    Maraming marami pa sila.

    Next year, dapat kasama na si Ate Guy. Don't you agree?

    ReplyDelete
  12. alam mo, naalala ko tuloy yung Saudi Arabia kung saan dati akong nag-trabaho nung makita ko yung mga photos mo - para bang Balad sa Jeddah kung saan ang daming Pinoy na nagkaipon-ipon.

    ReplyDelete
  13. Nyahaha.:D

    Ay, may pasaload pala diyan. Interesting. Parang Pilipinas din pala noh.

    ReplyDelete
  14. nebz,
    natawa naman ako kay ate guy,,ha ha ha,matagal nang gusto iboto yan ng lola ko.. ha ha ha.

    ReplyDelete
  15. nomadic pinoy,
    galing ka palng saudi dati,..ang ko mas mahigpit sila dati, pero ngayon siguro medyo ok ok na.. saka maganda din ang lugar na iyon.
    salamat!

    ReplyDelete
  16. dee,
    nagulat din ako dati, pinoy ang nagpauso dito nun..kaya alam na nila yung charge sa cell eh pasalod.kahit ibang lahi.

    ReplyDelete
  17. katuwa naman si pambansang kamao..hehe

    ReplyDelete
  18. hala?! maron din dyan? naku yang si mang manny dyan kaya kong bugbugin yan.mahinhin pa ata sa akin e.tingnan mo posing o.

    di ka ba natatakot dyan sa bansang yan?

    ReplyDelete
  19. hi kuya ever! musta? ayos may ganyan din pala jan...di kahit papano hindi ka na ganon ka homesick, or pamatay? hehehe...

    ReplyDelete
  20. Sabay tayo sa post na to... NAtional Artist.

    Gusto ko na ring maging National Artist.

    ReplyDelete
  21. mahirap talagng masyadong maging sikat ano,...

    Carlo J. idol ko yan. komiks adic rin ako nong araw eh. me paarkilahan pa kami. :)

    nawiwindang @ nalilibang ako sa mga termino mo parekoy, lalo na iyong "lolo" portion hehe..

    ReplyDelete
  22. Acheche...
    Isa pa, hndi yta ksama si mang carlo sa mga nominado.kya nagulat nalang ang mga alagad ng sining nang biglang lumutang ang pangalan nya at may mga iba pa na naidagdag na hndi naman dumaan sa tamang proseso.hanga din ako sa kanya pero cguro may mga dapat na mauna bago sya katulad ni mang ambo...este larry alcala.kng ayaw nyo pumayag, yong lolo ko nalang.hehe

    ReplyDelete
  23. caparas and his wife were saying that the past National Artist winners - especially those who spoke against this mediocre director - were elitists and unemployed. i can just vomit with their arrogance. di na nga deserving, nagmamalaki pa. undeserving winners should just humbly shut their yappers instead.

    ReplyDelete
  24. ' nangawit ang panga ko sa kakatawa lalo na kay xerex.. ahahaha..
    - tama ka kuya na di dapat visual arts ang nakuha ni caparas kung pag-uusapan ung mga nagawa nyang komiks.. literature dapat, but then again, di rin tayo sigurado kung karapat-dapat din sya dun.. ehe

    ReplyDelete
  25. para ngang Avenida yun ah...parang Pilipinas din ang set up at may loading store pa.

    ReplyDelete
  26. aj,
    pards musta na...musta ang dubai?
    hanga din ako kay carlo, ang sisitema lang ng pagkakabigay ng national artist award yun yung ipinupunto ko.marami kasi pwede.

    ang panday isa rin itong di makakalimutan,pero sa literatura ito naka base.:)

    ReplyDelete
  27. lady in green ruffles,
    ako rin eh natutuwa ebritaym na magpapalod ako sa kanya.he he he

    ReplyDelete
  28. moongoddesslae,
    parang bading nga si mani pakyaw, mahina magsalita yun..ha ha ha, saka panay ang tingin sa pogi.

    ReplyDelete
  29. precious,
    uu nga eh, kakalibang din, ang kulang nalang dito pamatay homesex!,este pamatay homsickness..ha ha ha.(pg)

    ReplyDelete
  30. kris jasper,
    ha ha ha,nakita ko rin post mo,langya sumisikat pala si caparas ngayon ah, igagawa daw ng pelikula.yung title eh gaya ng blog mo.ha ha ha.

    ReplyDelete
  31. eli,
    pards maligayang pagbabalik, balita ko sarap ng bakasyon natin ha.

    di nga siya kasama sa list, pero syempre binigay sa kanya ng pangulo ang titulo.

    sayang din ang 1million order.

    huh! ang layo na ng sagot ko. kasi naman si gma oorder ng ganun kalaki sa resto sa isang araw, eh ilang araw sya dun. ewan ko ba.;)

    ReplyDelete
  32. eye in the sky,
    tama ka,marami din naman naging kontribusyon si caparas, pero sabi nila di paw pwede.

    ang best talaga maging humble ka,yun makukuha nya ang simpatya ng tao.
    salamat pards!

    ReplyDelete
  33. the last jedi,
    elow po, salamat sa pagdaan ha.

    maganda yung blog mo saka interesting.

    teka kasama ka rin ba sa jedi bloggers nila jena?.:)

    ReplyDelete
  34. Ewan ko ha, basta ba kasi parang hindi pa talaga hinog si Carlo Caparas maging national artist, eh, inmaginin mo na lang, ka-level na niya agad ngayon si Napoleon Abueva and Amorsolo?

    ReplyDelete
  35. sheng,
    nakita mo rin pala kung bakit may hindi sumasang-ayon sa pagkahalal kay carlo..para kasing ang layo, lalo na kung isasama sa kalidad nila napoleon abueva ang skulptur ng pinas at kay amorsolo.

    ReplyDelete
  36. naligaw ang thoughts ko habang nagbabasa ng entry mo! hahha.. :D

    malaking malaking issue yan dito sa pinas. nagrrally na nga sila e..

    ReplyDelete
  37. ' karangalan ko na ma-add mo.. ehe..

    - hinde po e.. di ko alam na may mga ibang jedi bloggers din pala..

    ReplyDelete
  38. hello ever,
    alam mo lately di bumubukas yung blog mo sa very realible proxy ko dito sa office. weird no?

    iba na ang process ngayon ng pagiging National Artist, befriend GMA at yun na yun! Silly...

    ReplyDelete
  39. helo po
    ngyn ko pala nabukdan blog nio
    pwede po ba ma add ako?link kau sa friend ko c precious
    gusto ko yun painting u na aruga 1
    ewan ko pero parang biglang tingin
    ko yung painting yun
    e para scream ni edvard munch.
    maybe sa color red na unang nakita ko
    wala me masyado alam sa painting
    pero gusto ko matoto
    san po exhibit nio?

    ReplyDelete
  40. ang cool naman ng blog mo.. i enjoyed reading it.. ^_^

    ReplyDelete
  41. gie,
    he he he, ako rin naligaw sa mga pinagsasabi ko. marami pa talagang bagay ang mapaguusapan..magaling si caparas...pero may pwedeng maging tanghaling national artist.

    ReplyDelete
  42. teh last jedi,
    uu meron magagaling din na jedi bloggers, isa dun si jena isle.:)

    ReplyDelete
  43. chyng,
    ganun din dito eh, minsan hirap akong buksan yung site ko...

    uy!salamat! he he he.

    ReplyDelete
  44. juliet,
    aba syempre naman...:)

    na-add na kita nung isang araw pa.:)

    ReplyDelete
  45. enjayneer,
    ganda ng blog mo pards! yung header nagustuhan ko yung style.:)

    ReplyDelete
  46. hehe, kamuka nya talaga e no..pinoy din xa diba..

    ReplyDelete
  47. lady in green ruffles,
    hindi sya pinoy, indiano yun..mukhang bading na manny pacquio lang.he he he.

    ReplyDelete
  48. ha ha, nabalitaan ko rin 'yan :D

    sa hindi malamang kadahilanan, may isang umamin na siya daw ang nag-treat nung humigit-kumulang na PhP700,000 na hapunan. HUWAW!! Ang galante!!!

    ReplyDelete
  49. madz,
    aba at may bagong issue pala ah...;)

    ReplyDelete
  50. May award ka sa pahina ko, bilang ganti sa pagsuporta sa KaBlogs :)

    ReplyDelete
  51. hehehe
    ang masasabi q lang.
    ang ibinigay sayo walang bawian
    at
    kanya kanyang trip lang yan
    at higit sa lahat
    kanyang kanyang power trip lang yan
    bow po.

    ReplyDelete
  52. haha. Agent pa ha. CQB specialist. lol.

    ReplyDelete
  53. @Ever: Hahaha. Ganoon ba! Galing naman nung Pinoy na nag-introduce ng Pasaload diyan! Enterprising ha! :)

    ReplyDelete