8/19/2008

mAkulay ang BuHay sa pRutAs at gUlay!

nun paman mahilig na talaga ako magtanim,bago ako umalis ng pinas at nagtrabaho sa kuwait,libangan ko na ito.lahat ata ng lupa pati sa kabitbahay nagtatanim ako.

at ngayon sa paghahanda ko ulit bumalik at magtrabaho ulit ng isang taon sa lupang buhangin,teka puro ulit...may ala-ala at may mga gulay,palayan prutas akong maiiwan.
saglit na katahimikan ng magpahinga ako sa duyan,muni muni.maraming bagay akong gustong gawin at maraming bagay ding gustong isipin.gaya ng mga tanim ko,di nila alam kung hanggang saan sila mabubuhay.pero hangga't may hangin ulan at araw na dadampi sa kanilang dahon di sila mag-aalala at ang buhay nilay walang hanggan..gaya ito ng Pag-ibig maaring mahirap at mabigat sa dulo nama'y kasiyahan...sa pagpitas, itoy walang katapusan (infinity!).


di ko na sila mahintay mahinog
at matikman.ilang araw nalang
balik trabaho na naman....

40 comments:

  1. Anonymous20/8/08

    Okay yung tula mo ah, parang "bahay kubo".

    Mabuti ka pa napapakinabangan mo yang tinanim mo. Ako rin pre, may tinanim na mangga at lanzones. May apat na taon at malalaki na rin ang puno. Kaso sinira lahat ni Frank nang dumaan sa amin. Sayang.

    ReplyDelete
  2. blogusvox,
    talaga si frank nung dumaan di nagpaalam,di bale pards malamang kumalat yung mga buto sa paligid,kaya pag balik mo may ascienda lansones at mangga kana.

    panahon pa naman sa sept ng lansones sarap nun favorite ko yun!

    lansium domesticum-lansones
    mangifera indica- mangga

    ReplyDelete
  3. astig talaga mga idea mo. wala yatang ibang nakakaisip na gumawa nyan. para bang nag iiwan ng mga kayamanan. hehehe...

    astig tong post na to!

    ReplyDelete
  4. i have atis and santol somewhere on my lawn too. good luck sa pagbabalik mo sa gintong buhanginan.

    ReplyDelete
  5. Ok ang mga tanim mo, Pards. Naalala ko tuloy iyong tanim namin na papaya noong bata pa ako. May puno ng bayabas din kami sa likod ng bahay at puno ng buco sa harap.

    May saging na may atis pa. Oks na oks!

    ReplyDelete
  6. nalulungkot ako para sayo at para sa pamilya mo. aalis ka na naman. :| alam ko kase yungpakiramdam nung ganyan. hehe.

    gaano ka ulet katagal dun?

    at ang galing mo naman magtanim1 nabubuhay yung tinatanim mo!

    ReplyDelete
  7. the dong,
    nasanay lang talaga ako mag tanim,kasi sabi nila magtanim di biro maghapon nakayuko di naman makatayo di naman makaupo.(teka parang kanta!).salamat dong!

    ReplyDelete
  8. eye in the sky,
    hope na makauwi ako ng gintong buhangin sa muli kong pagbakasyon.salamat!ay oo nga pala may santol din dito kaya lang di pa namumunga.:)

    ReplyDelete
  9. panaderos,
    isa itong mamimiss ko pag balik trabaho nako sa lupang buhangin,wala kasing tulad ng mga puno at halaman dun na pwedeng itanim na gaya ng satin.lalo na ang bayabas at buko.hmmmm,tamang tama kakainom ko lang ng buko kanina bigay ng kabitbahay..

    ReplyDelete
  10. ishna,
    minsan nga kinakausap ko ang mga halaman,yung iba shy type pero madalas may sumasagot..he he he.:)

    salamat ha,pero dito lang ang mga blog nyo para pamatay homesick ko sa muling pagbabalik sa lupang buhangin.

    ReplyDelete
  11. naalala ko tuloy yung tinanim na mangga sa probinsya namin dati..pag-uwi ko babalikan ko rin yun

    ReplyDelete
  12. Aba magandang investment rin iyan magtanim ka ng magtanim ng mangga at iba pa pang prutas,pagkalipas ng ilang taon may pakinabang kana.Pero alam mo meron din sa probinsiya ang tamad magtanim kaya marami ang tiwangwang na lupain..tsk

    ReplyDelete
  13. Aba magandang investment rin iyan magtanim ka ng magtanim ng mangga at iba pa pang prutas,pagkalipas ng ilang taon may pakinabang kana.Pero alam mo meron din sa probinsiya ang tamad magtanim kaya marami ang tiwangwang na lupain..tsk

    ReplyDelete
  14. Anonymous24/8/08

    hi ever! nakakamiss yang ganyang scenery ;-) nakita ko yung atis! tagal ko nang di nakakain nyan! ;-)

    ReplyDelete
  15. Anonymous25/8/08

    sir musta jan ayus talaga blog mo! sakit betlogs sa ka ngingiti eheheh sir add kita ha! salamat

    ReplyDelete
  16. edgar,
    dapat mahalin ang lupa para mapakinabangan..salamat sa comment!pasyal ka ulit ha.:)

    ReplyDelete
  17. caryn,
    he he he,yung atis dito matamis at kaunti ang buto..kulang nalang tawagin itong atis seedless..ha ha ha...

    ReplyDelete
  18. bomzz in iraq,
    pre astig yung title mo ah.eniwey hinay hinay lang s pagpapasabog ng betlog ha..he he he.salamat

    na-add narin kita!

    ReplyDelete
  19. Anonymous26/8/08

    ang galing! mahilig din ako sa mga tanim at gulay. ang healthy ng mga veggies at sagging mo, ever. :)

    ReplyDelete
  20. uy! tamnan mo din lupa ko! he he

    ReplyDelete
  21. pre pengeng gulay at prutas pag anihan na ha!!!

    ReplyDelete
  22. Anonymous29/8/08

    heheheh natawa ako dun ah nice one

    ReplyDelete
  23. Anonymous30/8/08

    galing galing naman.. ganda ng mga prutas at gulay mo. at least pangsahog na lang ang kulang dyan. :)

    ReplyDelete
  24. Pre, I passed a blog award to you. You may claim it here.

    ReplyDelete
  25. dakilang islander,
    pag naka-ani ka pards sama ako ng lima ha..salamat!

    ReplyDelete
  26. edgar,
    sayang naman yung lupa,di bale marami parin ang pagkakataon para matamnan yun..sayang talaga!

    salamat!

    ReplyDelete
  27. acey,
    di ko alam kungbakit mahilig akong magtanim,siguro nakikita ko ito sa paligid na aking nakagisnan..salamat!

    ReplyDelete
  28. ryo,
    walang problema pards,basta libre ang lupa pwedeng tamnan..he he he..:)

    ReplyDelete
  29. reggie,
    musta na pre..salamas! este salamat sa pag dalaw!

    ReplyDelete
  30. analyn,
    uy! tenk u!..tuwa2 naman me..(teka di bagay sakin mag pa sosyal...pero ang nice nung blog mo...

    ReplyDelete
  31. lei,
    tamang AJI GINISA FLAVOR MIX..he hehe..makulay ang buhay sa meaty ginisang tunay!

    ReplyDelete
  32. blogusvox,
    maraming salamat pards..nakakatuwa naman..touch ako pards,and i would like to thanks inno sotto for my oufit(teka para akong nasa awards nite..he he he)..SALAMAT NG MARAMI!

    ReplyDelete
  33. Anonymous1/9/08

    thanks for the add everlito :) Godbless. Na add na rin kita ....salamat sa pag add mo ...

    ReplyDelete
  34. analyn,
    walang anuman!...:)

    ReplyDelete
  35. at kelangan pa talagang me piktyur sa ilalim ng punong papaya ha ha ha

    siguradong maraming bunga yan ha ha

    ReplyDelete
  36. abou,
    nagulat nga ako picture ako nung hapon kinaumagahan,wala ng bunga,sinahog sa tinola ang bunga ng papaya...wahhhh!

    ReplyDelete
  37. ang kulit pero nakakaaliw. pagtripan ba naman ang mga gulay na hilaw lols. ingats lagi parekoy.

    ReplyDelete
  38. may mga ganyan talaga..yung mahuhusay magtanim, buhay lagi ang mga pananim sa kanila.

    nakakatuwa ang mga bunga. at ang papaya ha...talaga namang mukhang malusog hahaha

    ReplyDelete
  39. lawstude,
    salamat parekoy!..hmmm magandang idea yun ah..pamagat na parekoy!

    ReplyDelete
  40. onatdonuts,
    pards..oo malusog talaga ang mga papaya ko,lalo na pag nahinog..he he he..salamat sa pagdalaw.

    eniwey!add kita sa blog list ha!
    salamas!este salamat pala!

    ReplyDelete